*Step 7*
Rhian's POV'Mahal na mahal ko talaga si Glaiza.'
Ay tokwaaaaaaaaaa ano ba to!! Ako ay nababaliw na, sobra. Ano ba tong nararamdaman ko? Naiinis na talaga ko!!
Bakit ka ba ganyan Glaiza? Bakit ba ayaw mong mawala sa isip ko?
'Mahal na mahal ko talaga si Glaiza.'
Baka naman nagkamali lang ako ng sabi? Hindi kaya ibig kong sabihin ay Luis hindi naman Glaiza? Siguro nga
ganun.But still, paano naman ako magkakamali kung nasa isip ko lang sinasabi yun? Hindi kaya...?
'Mahal na mahal ko talaga si Glaiza.'
HINDI PWEDE. Impossible as in sobrang imposible tong naiisip ko. Mahal ko si Luis, nararamdaman ko yun.
Pag kasama ko siya masayang masaya ako. Parang palaging gustong lumundag ng puso ko pag nakikita ko siya, pagniyayakap niya ko, pag hinahawakan niya ang kamay ko...at nung hinalikan niya ko.
Si Glaiza naman, well may mga times na nakakaasar siya, walang sense kausap and ang sarap pang ipatapon
minsan sa Bermuda triangle para lapain siya ng mga giant squids doon.Ang daming times din na grabe akong
nahihiya dahil sa mga pinaggagagawa niya. Kaso hindi ko rin maitatanggi na komportable akong kasama siya.Naipapakita ko sa kanya yung tunay na ako. Yung maangas at masungit na side ko. Pero hindi ko rin maipagkakaila na madalas akong atakihin ng mga karpintero sa puso lalo na pag kasama ko siya.
TOKWA!!!! ANG HABA NG HAIR KO! DALAWANG GWAPONG NILALANG ANG NAGMAMAHAL SAAKIN!! YUNG ISA NGA LANG GWAPONG MAGANDA!!!
At hindi ito nakakatuwa, swear.
Naging ambisyosa din ako dati at hiniling na sana maranasan ko namang mahalin ng two hot gorgeous guys na parang nasa isang Korean drama ako.Pero lagpas naman ata sa imagination ko na isang babae at isang lalaki pa ang magaagawan sakin
Ngayon ko lang napagtanto, totoo nga yung sinabi ng author ng story na
'Be careful what you're wishing for, you might just get it.'
Ngayon ang sakit talaga ng ulo ko!!
'Mahal na mahal ko talaga si Glaiza.'
Ay bwiseeeeeeeeeeeeeet!
Niyakap ko si Tey-Tey. Juskooo naman don't tell me another sleepless night itong gabing to?
Tinry kong matulog and nung medyo nakakatulog na ko nakarinig naman ako ng kantahan galing sa sala namin.
"Coz when I'm with him I am thinking of you.
Thinking of you
What would you do if
You were the one who was spending the night?
I wish that I was looking into your eyes"Napabangon ako dahil doon sa kumakanta at bumaba sa salas namin, and ayun, si Kuya Mike, damang dama ang pagkanta ng Thinking of you ni Katy Perry. Nangaasar?!
"KUYA MANAHIMIK KA!!!!" sigaw ko kay kuya. Gulat na gulat naman silang napatingin saakin.
"AT BAKET HA?!" sigaw niya habang nakatapat parin sa bungaga niya yung mic kaya naman lahat kami napatakip ng tenga.
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanfictionWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"