*Oplan: How To Get your Casanova's Heart Back*
Rhian POV
"Ganito kasi yan Bestie. Hindi pwedeng lagi ka na lang susulpot sa harap ni Glaiza at sasabihin mo lang sakanya 'Mahal Kita Glaiza' then poof bati na agad kayo. Hindi naman kasi lahat nadadaan sa instant. Minsan kailangan mo din siyang daanin sa suyuin. Kaya simula bukas..
Liligawan mo siya"
Napatanga naman agad ako sa sinabi niya. Ako? Manililigaw? Kay Glaiza
"Errr Bestie.. hindi naman ako marunong manligaw eh"
"Sus ikaw pa ba? Eh di ba ikaw nga tong unang nangsusurprise sakanya nung mga panahong gusto mong ma fall siya sayo? Eh di gawin no na lang ulit yung katulad nung mga ginawa mo"
"Bestie napaka old fashioned naman na nun eh wala na bang iba?"
"Eh di magresearch ka! Jusme Rhian kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo lahat para sakanya. At tsaka who cares kung old fashion or new fashion ang gagawin mong panliligaw basta ba sincere ka eh. Wag kang magalala tutulungan ka din naman namin eh. Kukuntsabahin natin sila Wila at Sally"
"Eh pano naman kung ipagtabuyan niya ako?"
"Rhian Denise! Hindi ka pa nga naguumpisa puro ka negahan ka na! Itry mo muna! Pag pinagtabuyan ka wag kang susuko! Kapag hindi nadaan sa santong dasalan daanin mo sa santong paspasan! Basta magtyaga ka lang bestie! Bibigay at bibigay din naman agad yang si Glaiza pag naramdaman niyang sincere ka sa ginagawa mo."
"Sigurado ka bang ito na ang pinakaeffective na solusyon?"
"Bakit may iba ka pa bang naiisip na paraan?"
"Wala.."
"See! Oh go na! Magresearch ka na kung pano manligaw!! Pag may plano ka na tsaka mo kami tawagan"
Tamo to lakas din ng topak netong bestfriend ko to eh! Matapos akong kaladkarin dito bigla na lang ako papalayasin pagtapos makipaginuman. Good thing at hindi pa naman din ako masyadong lasing kaya kayang kaya ko pa umuwi
Pagdating ko sa bahay naabutan ko ang dalawang kuya ko na nanunuod sa sala
"Mga Kuya.." tawag ko sakanila. Tingin ko kung meron mang taong makakatulong para sa gagawin ko. Mga kuya ko na siguro yun
"Oh Yoyon.. bat ngayon ka lang?"
"Nagkayayaan kasi kami ni Bianca na uminom"
"Bakit ka naman naglalasing aber?" Tanong ni Kuya TJ
"Dahil ba yan kay Glaiza?" tanong naman ni Kuya Mike
Marahan lang ako tumango
"Hanggang ngayon ba hindi pa din kayo nagkakaayos?"
"Kuya nasaktan ko siya eh at hindi din naman niya ganun kadaling mapatawad yung kasalanan ko sakanya. Kaya nga ako nandito ngayon para sana humingi ng tulong sa inyo"
"Tungkol saan naman? Halika dito!" Tawag sakin ni kuya TJ at umupo naman ako sa gitna nilang dalawa
"Eh kasi kuya hihingi sana ako payo kung pano uhmmm.... manligaw?"
Nanlaki naman pareho ang mata nila at nagkatinginan silang dalawa
"Seryoso ka dian Yon? Ikaw talaga ang manliligaw?"
Desidido ako na gawin ang lahat para lang maniwala si Glaiza na mahal ko siya
Oo alam ko galit pa din siya sakin..pero hindi ibig sabihin nun na susuko ako sakanya..baka kasi pag hinayaan ko siya baka tuluyan siyang mawala sakin
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
Fiksi PenggemarWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"