Chapter 41

4.3K 162 4
                                    

*The Notebook*

Rhian's POV

"Love ang ganda mo diyan sa t-shirt ko alam mo ba?" sabi saakin ni Glaiza habang nakangiti ng nakakaloko

"Tantanan mo nga ako!!" 

Nasa condo ako ngayon ni Glaiza, as usual. Alam niyo naman kada umuulan at nababasa kami, saan ba kami dumidiretso?! Kaya enjoy na enjoy tong babaeng to pag umuulan eh. Alam niyang trapped na naman ako sa condo niya at mamanyakin na naman ako. . . .at ang isipan ko. 

Pinahiram ako ulit ni Glaiza ng mga bagong undergarments at oversized shirt niya. Hindi naman na siguro problema sakanya kung napakarami na niyang binibigay na damit sakin everytime na nandito ako sa condo niya. Aba kung ayaw niyang gamitin yung mga binibili niya eh di ako na lang gagamit sayang naman 

Hinayaan ko na siyang pumili ng isusuot since closet naman niya yun at ang bruha aba binigyan ako ng medyo above the knee na oversized shirt! Though nakakailang lang dahil onting maling upo eh makikita ang undergarments ko. Alam niyo naman ang kasama ko may pagkamanyak. Mahirap na.

"Love Love" tinabihan ako ni Glaiza sa kama niya "tara gawa tayo ng baby"

Binatukan ko na

"aray naman Love bat mo ko binatukan! "

"Eh ang manyak mo eh!!!"

"Anong masama doon?! Mahal naman natin ang isa't isa eh!!"

"Kasal na ba tayo?! Ha?! HA?!!!"

"Bakit pananagutan naman kita eh"

"Excuse me wala akong planong mabuntis ng maaga! Tsaka hello! Asa ka naman na mabubuntis mo ako! Pareho lang kaya tayong may ano!" tong babaeng to talaga napakamanyak

Bigla naman siyang tumayo at isinuot niya yung jacket niya, kumuha ng payong at nagsuot ng tsinelas then dire diretso siya papunta sa pintuan

"Err saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya

"Maghahanap ako ng ibang mabubuntis!" 

AY ANAK NG--!!!

Binato ko siya ng unan "Walangya ka! Napaka manyak mo!! Nakakaasar ka! Uuwi na ko!!"

Bigla naman siya natawa sa sinabi ko "hahaha to naman, joke lang yun Love. Sadyang ang cute mo lang pag namumula ka ng ganyan"

Inirapan ko siya "hindi magandang joke!"

Tumabi siya sakin then niyakap ako "sorry na po, di ko na uulitin. Diba nagpromise nga ako sayo? Alam mo naman na di ko magagawa sayo yun eh. Well not unless kung gugustuhin mo talaga"

Dugdug

Napalunok ako bigla dahil pakiramdam ko eh sasabog ang puso ko. Ang lakas ng ulan sa labas at naka todo pa ang aircon dito sa unit ni Glaiza pero BAKIT ANG INIT NG PAKIRAMDAM KO.

"uhmmm inom lang ako water" sabi ko sa kanya. She let go of me then pumunta ako sa kitchen niya at kumuha ng tubig. Sumandal ako doon sa may bar sa kitchen niya tsaka ko uminom ng tubig. 

Huminga ako ng malalim pero ayaw parin mawala ng kabog ng dibdib ko.

Ay nak ng  ano ba nangyayari saakin at kinakabahan ako ng ganito?! Nakakaasar naman kasi si Glaiza eh, kung anu ano ang mga pinagsasasabi. Ininom ko ulit ng isang lagukan yung tubig then pag angat ng ulo ko nakita ko si Glaiza na papalapit saakin while grinning.

Err bat parang may hindi ako magandang pakiramdam sa mga ngiti na yan?!

"Deni.."

"b-bakit?"

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon