Chapter 23

4.6K 212 26
                                    

  *The Picture*

Sally's POV

"Oh my gosh bakla, ang dami mong bagong make-up ha! Penge naman ng iba" tinignan ni Wila yung mga make-up sa ibabaw ng tukador ko

"Ang swerte mo talaga sister! Gusto ko rin magkaroon ng nanay na make-upartist! Sana ako na lang ang anak ni tita!!"Hindi ko pinansin si Wila at nahiga na lang ako sa kama ko.

Lokang bakla kasi eh, pinapunta ko siya dito para pagusapan namin ang tungkol kila Rhian at Glaiza hindi para pagpyestahan ang mga make-up ko.

Kinuha ko yung cellphone ko sa may side drawer then I checked kung may nagtext.

1 message received

Tinignan ko kung sino yung nag text.

Mike:Free ka ba tomorrow? If you like, gusto mo bang mamasyal tayo. well uhmm kung ok lang sayo.

Napabangon agad ako sa kama ko nung nabasa ko yung text

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH"

"Aaaaaaayyyy bakla ano ka ba nakakagulat ka! Bigla bigla kang sumisigaw?! Bakit ano bang problema?! May mga mamamatay tao na ba sa labas ng bahay niyo?! " nanlaki ang mata ni Wila at napatakbo papunta sakama at nagtalukbong ng kumot

"Oh my gosh! I don't wanna die! Pangarap ko pang makahanap ng artistang asawa!!!"

"Loka!" inalis ko yung kumot na nakataklob sa kanya

"Masyado kang praning! Kinilig lang ako sa text na nabasa ko"

"Kinilig? Why sister?"Pinakita ko yung text ni Mike saakin kay Wila at nung mabasa niya ito nagtitili din ang bakla.

"Oh my gosh sister! Chance mo na to! Gora ka na! text mo na siya! Say yes!!"

"Naman!!" itetext ko na sana si Mike ng may bigla akong maalala kaya napatigil ako

"On the second thought, err I think hindi tama na sumama ako sa kanya " ibinalik ko yung phone ko sa may side drawer

"Ay bakit naman atii? Ano naman masama doon? Single ka, single siya! Libreng libre kayo tsaka at least hindi kasing complicated ng lovestory nila Rhian at Glaiza ang lovestory niyo"

"Eh yun na nga eh pag kasi naiisip ko si Rhian nakokonsensya ako. Bakla, ayaw na tumuloy ni Rhian, nakokonsensya na siya.And pakiramdam ko alam niya na yung tungkol saamin ni Glaiza. Nagdadalawang isip narin ako sa plano. Natatakot ako sa kalagayan ni Rhian. Delikado."

"Ano ka ba Sally, kung may nasa delikadong sitwasyon ngayon, ikaw yun. Natatakot din ako para sa iyo"

"Ayos lang naman ako eh. Kaya ko silang harapin. Pero si Rhian at Glaiza?" napahiga ako sakama

"Haaaaaaaay naguguluhan na ko! Tsaka pakiramdam ko mali tayo ng hinala kasi mukhang hindi talaga mahal ni Rhian si Glaiza. Talagang si Luis ang gusto niya"

"Ay sister, diyan ka nagkakamali "Napabangon naman ulit ako

"Ha? Bakit?"

"Kahapon nakita ko si Rhian at Glaiza naghahampasan ng sandok!"Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Wila

"Oh? So ano konek nun? "

"Kaya hinahampas ni Rhian si Glaiza kasi nahuli niya to na may kalandian linta nanaman si papi Glaiza!"

"Eh baka naman acting lang yun"

"Loka, nakita mo bang nag try umarte si Rhian? Di ba hindi? Tsaka te, umiyak si Rhian nun at alam kong hindi peke ang iyak niya. Feeling ko kaya ganun si Rhian kasi unconsciously may nararamdaman na siya kay Glaiza.

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon