Chapter 42

3.9K 170 13
                                    

*Closing*


Bianca's POV

"Ay ano ba bakla!! Wag ka lumuha yung eyeliner kumakalat! Di mo ba alam na hirap na hirap ako sa paglalagay niyan ha?!" sabi ni Wila saakin.

Nandito na kasi kami sa car ni Glaiza on the way sa airport para habulin si Chynna. Syempre iyak ako ng iyak kahit hindi pa kami nakakarating. Ang dami dami kong naiisip na bagay. Paano na lang kung di ko na siya maabutan?

Paano kung di ko masabi nararamdaman ko sa kanya? Paano kung makahanap na siya ng iba?

Sino ba naman hindi maiiyak? Kahit kelan ang malas ko sa pagibig

AT ITO PANG BAKLANG WILA NA TO KITA NANG IYAK NA KO NG IYAK PERO TODO MAKE-UP PARIN SAAKIN!! 

"Naku te ang pimples lumalabas! Masyado ka na de-depress diyan! Chillax ok?! Tsaka dapat maganda ka mamaya! Yung tipong para kayong nasa scene ng pelikula ni Chynna? Habulan mode tapos maabutan mo siya then iiyak ka, tapos magyayakapan kayo.

After that mangangako siya na babalik siya, na di siya mambabae, na ikaw lang at ng kung anu-ano pang mga kasinungalingan at pambobola ng isang playgirl then POOF! Kissing scene na. The end ang story niyo!"

"Sige lang! sige lang ipaglandakan mong aalis si Chynna!" sagot ko sa kanya sabay napahagulgol na naman ako ng iyak. Langyang bakla kasi to eh ang sarap sapukin

"Hoy Wilfreda tigilan mo na nga itong si Bianca! Kita mo na ngang nahihirapan na yung tao kung anu ano pang kabaklaan yang ginagawa mo!" saway sa kanya ni Sally. Buti na lang at di nako kinulit ng baklang to!




Sa buong byahe iyak lang ako ng iyak at the same time kinakabahan ako. Bat ba kasi napaka tanga ko eh? Lagi na lang akong mali pagdating sa ganyang bagay. Mali ng minahal na babae, mali ng sinaktan na babae, maling akala... at maling oras kung kelan ko narealize ang lahat ng pagkakamali ko.

Pero sana naman this time hindi na ko mahuli? Sana this time maging "tama" na ang gagawin ko.




Ayoko ng magkamali.






"We're here" sabi ni Rhian.

Agad agad kong binuksan yung pintuan ng kotse kasi nakita ko na si Chynna na papasok sa loob ng airport. Once na makapasok siya sa loob alam ko magiging huli na ang lahat saamin.

Nung makita kong ipinapacheck na niya yung plane tickets niya sa guard at medyo malayo layo pa ko, sumigaw na ako.

"CHYNNA ORTALEZA WALA KA PANG RESIGNATION LETTER NA BINIBIGAY SA BISTRO NAMIN SO DON'T YOU DARE ENTER THAT DAMN AIRPORT!"

Napatingin saakin si Chynna pati narin yung guard at yung mga nasa likuran ni Chynna. Nakita ko rin sina Rhian na nakahabol na saakin.

"Bianca?"

"Guard bakit niyo papapasukin ang babaeng yan ha?! pina blotter ko yan eh!!"

"Teka Bianca, a-ano bang sinasabi mo?" tanong saakin ni Chynna

"Sorry po ma'am wala po kasi kaming nare-receive na order. Ano po ba ginawa niya?" tanong naman nung guard

"Ninakaw niya puso ko. Bawal siyang umalis" sabi ko sa kanila

"Ay sosyal! Naiiyak na pero nakuha pang bumanat ni atii! Kabog!" rinig ko naman na sabi ni Wila

Oo ang korny ng banat ko pero naiiyak ako ngayon.

"Bianca"

Lumapit ako kay Chynna then tinignan ko siya sa mga mata at sinabi ang mga katagang nagpabilis sa pintig ng puso ko








The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon