Chapter 39

4.6K 174 11
                                    

*Hidden Feelings*

Rhian's POV

Tinignan ko kung paano hilahin ni Chynna si Bianca. Wala akong idea kung ano ang nangyari sa dalawang yun but for Pete's sake ang sarap nilang pag untugin dalawa. 

Tapos yung best friend ko naku, kung di ko lang mahal yan eh napukpok ko na ng martilyo ang ulo niya! Halata naman na nagkakarpintero na ang puso niya kay Chynna eh hanggang ngayon nasa indenial stage parin! 

At naku naman, etong si Rence, pag talagang gumawa to ng kalokohan malapit ko na talagang silaban tong dalawang to eh

*sigh* sana naman eh magkatuluyan yang dalawang yan.

"Love Love!!" napalingon ako sa likod ko and nakita kong tumatakbo na papalapit saakin si Glaiza

"Love ano nangyari sa dalawang yun? Bat ganun yun? Di ba natin sila susundan?"

Pinukpok ko si Glaiza sa ulo "Ikaw sabihin mo nga anong virus yung tinutukoy ni Bianca ha? bakit
magkaaway yung dalawa? Ano ba ginawa mo?!"

"Wala nga! Wala naman akong virus eh! Ang linis linis ko kaya!!"

Tinignan ko si Glaiza mula ulo hanggang paa at bigla akong napatakip sa bibig ko.

Oh no. oh no. oh no.

H-hindi kaya ang virus na sinasabi ni Bianca ay AIDS? STD?    

P-pero imposible yun! Hindi pwede mangyari yun! Alam ko walang nangyari sa kanila ni Glaiza. Sabi niya muntik pa lang.  

Eh kasi naman tong babaeng to napakalaking temptasyon sa mga babae eh! Mag topless pa lang siya ang sarap na niyang halayin! 

She made good girls go bad.    

Pero nga muntik pa lang yun! Hindi kaya—hindi kaya hindi na nakapagpigil si Bianca at nahalay niya si Glaiza?  

Oh baka naman natuloy talaga siyang halayin nung worker nila nun at nahawaan na pala siya?

O di naman kaya ay hinahalay muna ni Wila at nung iba pa si Glaiza kaya siya nagka virus at nahawa si Bianca? At dahil nainlove na ata si best kay Chynna nasaktan si Chynna nung nalaman niya to?!

WAAAAAAAAAAAH!

Pinaghahampas ko ang braso ni Glaiza "Tell me ilang babae na nakagalaw sayo ha?! ha?! ha?!" 

"A-anong?! W-wala Love! Wala akong---aray—wala talaga—aray!"

"Napaka babaero mo! Casanova ka talaga!! Gawin kitang Casava cake eh!!"

"Love!" hinawakan niya ang magkabila kong kamay "di ba sabi ko sayo wala akong balak gawin yun sa taong hindi ko mahal? Sayo ko lang balak gawin yun no! At tsaka hello no! Babae pa rin po ako sa tingin mo pano mangyayari yun? Pano ko magagawang ipasa yun sa kapawa ko babae?"  

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Ay sorry naman nakalimutan ko. Malay ko ba.

Pero ano sabi niya?! Sakin niya balak gawin yung you know, totoot thing! Ay am#%@%^ $^$#%^$ &!!!

Binatukan ko siya "manyak ka!!" sabi ko sabay walk out

"Love!" hindi ko pinansin si Glaiza at tuloy tuloy ako sa paglalakad "Uy Love Love naman!"hinawakan niya ang kamay ko at iniharap niya na ako sa kanya 

"Love bat mo ba ko lagi inaaway? Sumosobra ka na! gusto mo bang sampalin kita ng pagmamahal at bugbugin kita ng mga halik ko ha?!" 

Err galit na ba to o nang mamanyak na naman? 

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon