*Bipolar*
Back to regular programming! hahaRhian's POV
"Alam mo ikaw nakakainis ka eh! Bigla bigla ka ng hindi namamansin! Tapos aalis ka ng Palawan ng hindi man lang pinapanuod ang competition?!
Ayos ka ding babaero ka! Ano bang problema mo?! Nangungulit ka tapos bigla bigla kang magsusungit! Bipolar ka ba?! "
Ok mukha rin siguro akong ewan dito at kinakausap ko yung turtle na stuff toy na binigay ni Glaiza saakin.
Kinonyatan ko yung ulo nung turtle tsaka ako nahiga sa kama.Ano nga kaya problema ng babaeng yun?! Nasa menopausal stage na ba siya?!
Bigla bigla na lang magbabago ng pakikitungo saakin. Ang malupit lahat sila pinapansin niya ako lang hindi.
Oo nga pala, nakauwi na kami from Palawan. Yung mga lalaking nanghipo kay Bianca nahuli. Binayaran pala sila nung isang contestant doon na Tricia ata ang name? kaya ayun na disqualified sila ng partner niya.
Si Bianca at Luis naman nag 2nd runner up sila. Si Bianca best in evening gown while Luis is best in swimwear.
Syempre machong macho ang labs ko eh! Then best in talent silang dalawa. Yun nga lang hanggang ngayon hindi parin bati si Bianca at Chynna. Ewan ko ba sa best friend ko bat ganyan kamanhid!
Pero bago pa mag coronation night, etong si Glaiza nag fly agad pauwi. Pare-pareho kaming walang idea kung ano ang nahit-hit niya at bigla na lang niya naisipang umuwi.
To think na kailangan pa niyang gumawa ng documentary para sa university organ about sa contest!
Teka lang, hindi kaya nalaman niya yung about sa contract namin? pero imposible naman yun. As in imposible talagang malaman niya.
Pero possible rin namang...Wah hindi! Imposible talaga eh! Kasi kung alam niya yung about sa contract hindi ganun ang magiging reaction niya. Magwawala siya! Mapapatay niya ko! Hindi yung basta na lang hindi mamamansin, di ba? di ba?
Tokwang Glaiza De Castro ka oh! Badtreeep!
*beep*beep*
Tinignan ko yung cellphone ko kung sino nag text.
From:Luis my labs ❤
Hi Rhian. I miss you already. See you tomorrow sa school. I love you.
Napangiti naman ako ng abot hanggang tenga sa message ni Luis.Anebe kinikilig akoooooo. Gulaaaaaaaaayyy
Nireplyan ko naman ang labs ko
To:Luis my labs ❤
Miss narin kita Luis! See you tomorrow. I love you too ❤❤
After kong masend sa kanya yung message nagpagulong gulong naman ako sa kama dahil sa sobrang kilig.
Siomai ganito ba kasarap magkaroon ng soon to be boyfriend? Paano pa kaya pag kami na talaga ni Luis? Baka ikasawi ko na ang sobrang kakiligan.
Bwahahahahaha. Siomai kinikilig talaga ko!!!! Ayiieeeee
"Denise lumabas ka na diyan!!! Si mama eto na!!!"Nahulog naman ako sa gulat dahil dito kay kuya Mike.
Lumabas ako ng kwarto ko and nakita kong nagkukumpulanna sila sa harap ng computer.
Agad akong lumapit sa kanila"Mama!!!! " sigaw ko sa harap ng computer. Nakita ko naman si mama sa computer screen na kumakaway saamin.
"Hi bunso!" sabi ni mama saakin
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanfictionWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"