Chapter 36

4.7K 174 11
                                    

*Last Hug*

Rhian's POV

"L-Luis" nagulat ako ng makita ko siya sa tapat ng bahay namin

"Rhian isang tanong isang sagot, mahal mo pa ba ko?"

"m-mahal kita Luis. Alam mo yan!" sagot ko sakanya

Pero bakit ganun? Bakit ako nagstruggle na sabihin sakanya yung mga salitang yun. Feeling ko ako mismo ay nagkadoubt ng sabihin ko yun

"Then prove it to me! Hiwalayan mo si Glaiza! Mag quit ka na sa contract!"

Tinignan ko siya sa mga mata at halata sa mukha ko ang pagkagulat sa sinabi niya.Halos manigas ako sa sinabi niya

Oo alam ko sooner or later kailangan kong sabihin kay Luis ang lahat but I didn't expect na ganito kabilis lahat ng mangyayari

Halos wala pang 24 hours ng malaman ko ang tungkol kay Glaiza and now this?

Pinaharap ako ni Luis sakanya at hinawakan ng mahigpit ang magkabila kong braso

"Ano Rhian! Sumagot ka! Patunayan mo sakin na ako ang mahal mo at sabihin mo ngayon na mag.q.quit ka na sa kontratang yan at hihiwalayan mo na si Glaiza" Kitang kita ko sa mga mata magkakahalong galit, sakit at selos ngayon

Gusto ko siyang yakapin, gusto kong sabihin na siya ang mahal ko pero hindi ko naman magawa dahil alam ko na hindi siya ang pipiliin ko

"I'm sorry.." halos pabulong ko na lang sinabi

Kasabay ng pagbagsak ng kamay niya sa braso ko ang pagbagsak ng luha niya

"Pero bakit Rhian?! Hindi mo ba alam na sa ginagawa mo hindi lang si Glaiza ang pwedeng masaktan! Ako din!" iniwas ko lang ang tingin ko sakanya

"Kasama ba ko sa contract? Sinabi din ba ng contract na kailangan mo kong saktan ha?! Sumagot ka!!!"

I didn't answer him instead I let him to vent out his anger

"So mahal mo na nga din siguro siya..tama?"

"No. Nagkakamali ka. Hindi ko siya mahal. It's just that hindi ko siya pwedeng iwan?"

Napatawa siya ng mapait sa sinabi ko

"Hindi mo siya mahal pero hindi mo siyang pwedeng iwan? What kind of bullcrap is that Rhian? Ganito na ba talaga ang ka irony ang mundo?

Sinasaktan mo ang mga taong mahal mo at minamahal mo ang mga taong nanakit sayo?

At ano tuluyan ka na bang nahulog na dian sa Glaiza na yan? Tuluyan na din bang nacorrupt ng tomboy na yan ang utak mo?

Katulad ka na din ba ng mga babaeng walang habas niyang pinaglalaruan at basta basta na lang tinatapon pag pinagsawaan na?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na masampal siya

Oo alam ko nasasaktan ko siya pero wala siyang karapatan para yurakan ang pagkatao ni Glaiza

"Wag na wag mong iinsultuhin si Glaiza.. hindi mo alam kung anong pinagdaan niya kaya siya naging ganito ngayon" mariin kong sabi sakanya

"So ngayon pinagtatanggol mo na siya. Eh di tama nga ako mahal mo nga siya"

"Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon Luis---"

"Oo talagang hindi ko naiintindihan ang sitwasyon dahil hindi mo pinapaintindi sakin!"

Hindi ko pwedeng sabihin sakanya ayokong mas lalong mapahamak si Glaiza

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon