Chapter 22

4.8K 188 8
                                    

*Conscience*


Rhian's POV

Tokwa 2:30 am na pero hindi parin ako makatulog. Kailangan ko pang gumising ng maaga.

Kinuha ko si tey-tey at itinakip ito sa mukha ko.

"Thanks for the night Deni, nag enjoy talaga ko. Hindi ko to makakalimutan"

Step 3 and 4 is already done. But still...

"Syempre tinawanan ko lang siya at sinabing hindi ako marunong magmahal. Kaso ngayon pakiramdam ko kinain ko na lahat ng sinabi ko.."

Waaaaaaaaaaaaaah ano ba to?! Di ba dapat matuwa ako sa sinabi ni Glaiza?

Dapat mag bunyi ako dahil atlast-atlast, nahuhulog na siya sa alindog ko.. pero bat ganito ang nararamdaman ko? ..ayoko ng ituloy..

Gusto kong lumayo na kay Glaiza. Pakiramdam ko kasi kada lalapit ako sa kanya mas masasaktan ko siya eh.

Gusto ko na mag back out.Pero ganun parin, pag nag back out ako masasaktan ko parin siya dahil malalaman niya ang lahat.

At hindi ko naman talaga siya mahal, si Luis ang mahal ko.Kaso..Hay naguguluhan talaga ako sa dapat kong gawin.

Isa pa itong si Sally, kahit anong isip ko hindi ko malaman kung bakit ganun na lang ang galit niya kay Glaiza.

Baka naman dahil iniwan siya ng boyfriend niya? Pero imposibleng ayun ang dahilan kasi si Glaiza pa nga ang nagcomfort sa kanya nun eh. At sabi ni Glaiza parang magkapatid na talaga sila.

Hindi kaya mahal ni Sally si Glaiza?Waaaaaah ano ba to. Naguguluhan ako!! Alam ko may iba pang dahilan si Sally, hindi lang yun.

Kailangan kong malaman yun, baka sakaling mapagbago ko ang isip ni Sally.Ayoko na kasing ituloy to. Natatakot ako..

The next day, kahit bangag na naman ako dahil sa sobrang pagiisip at pambubulabog ng mga karpintero, agad kong hinanap si Sally sa university.

Nung nakita ko siya na pababa dun sa building nila, agad ko siyang nilapitan.

"Sally!!"Lumingon naman si Sally saakin

"Oh Rhian!" nilapitan niya ako

"Kamusta? May kailangan ka ba?"

"Uhmm pwede ba tayo magusap?"

"Oh sure"Nagpaalam si Sally doon sa mga kasama niya then nagpunta naman kami agad sa headquarters.

"Ano yung sasabihin mo Rhian?"

"Uhmm nag date kami kahapon ni Glaiza"Napatingin naman bigla si Sally saakin

"Talaga? Siya nagyaya? Nag enjoy ba siya?"I nod

"Oh my gosh!!! Ang galing mo talaga Rhian!!! " sabi ni Sally habang kilig na kilig.

"uhmm, Sally ayoko ng ituloy"Natigilan bigla si Sally

"B-bakit?"

"Nakokonsensya na ko" I looked away

Alam kong binalaan nila ko bago ko pirmahan yung kontrata kaso talagang tinatamaan na ko ng konsensya eh.

Habang tumatagal ayoko ng saktan si Glaiza.

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon