*Tears*
Rhian's POV
"I will tell you everything. But afterwards kailangan mong mag decide kung tutuloy ka pa ba o hindi"
Tumingin ako sa mga mata ni Sally and ewan ko, sa hindi ko malamang dahilan, bigla na lang ako kinabahan.
Pumunta ako dito ng buo ang loob sa gusto kong mangyari. Pero bat ganito? Bakit parang kinakabahan ako?
Pero alam ko kailangan kong malaman ang lahat.
"Y-yes. Sabihin mo sakin ang lahat Sally, I need to know"
Huminga ulit ng malalim si Sally"Rhian, nasabi na ba sayo ni Glaiza ang totoong dahilan kung bakit siya
naging playgirl?""H-ha? Dahilan?"
"7 years old iniwan siya ng mommy niya at sumama sa ibang lalaki"
"H-ha? Pero sabi ni Glaiza patay na ang mama niya!" Naguluhan naman ako sa sinabi ni Sally akala ko totoong wala na ang mommy ni Glaiza
"Rhian, malaki ang galit ni Glaiza sa mom niya, sobra. Simula ng iwan sila nito, walang ibang ginawa ang
dad ni Glaiza kung hindi mag uwi ng mga babae sa bahay nila. Kitang kita ni Glaiza lahat ng ginagawa ng
dad niya sa mga babaeng inuuwi nito.Hindi niya pa naiintindihan lahat ng bagay ng yun nung mga panahon na yun kaya takot na takot siya. Pero kahit gaano kalakas ang pagiyak niya, walang lumalapit sa kanya para patahanin siya.
Then when she turned 9 siya lang ang madalas maiwan sakanila kasama ang mga kasambahay nila. Nasa abroad naman si tito nun for business matters when someone tried to molest her among their workers.
Fortunately nahuli ang gumawa nun sakanya pero simula nun naging aloof na din siya sa mga lalaki. Bukod dun she experienced extreme bullying sa mga kakalase niya noon.
Una dahil nga sa wala siyang mommy pangalawa dahil kalat na kalat sa school nila ang pagiging babaero ng daddy niya. Lagi siyang napapaaway kapag may isang nangasar sa kanya walang isip isip susugurin na niya agad yun.
Simula din nun kinonsider na niya ang sarili niya as lesbian. Dahil yun ang naging tingin sa kanya ng mga kaklase niya sa pagiging babaeng basag ulo niya.
She started acting as tough and manly. Sabi niya kung wala man din daw tao na kayang promotekta sakanya then siguro mas maiging magpakalalaki na lang ang asta niya
At first I told her na baka phase lang yun or confused lang siya kaya niya ginagawa yun but she told me na hindi daw. Siguro nung una oo pero habang lumalaki siya naramdaman niya talaga na iba siya. Na kung ano man yung pagkatao niya ngayon alam niyang yun siya. Yun ang mas totoo sakanya.
At since nakita nga niya ang mga ginagawa ng tatay niya at lagi niyang naalala ang ginawang pagiwan sa kanila ng mommy niya inisip niya na maging ganun na din siya thinking na sa ganung paraan hindi na siya masasaktan at maiiwan dahil ngayon siya na ang nanakit at nangiiwan until she became used to it at ayun na nga dumami ng dumami ang mga babae niya.
Lumaki siya ng hindi nakaramdam ng kalinga ng mga magulang kaya malayo din siya sa dad niya. Lumaki siya ng puro galit sa mga babae ang laman ng puso niya."
Napaupo ako bigla sa upuan katapat ni Sally. Biglang kumirot ang puso ko.
Hindi ko alam na may ganitong pinagdaanan si Glaiza.Yung mga ngiti niya, parang ang saya saya palagi. But still, behind those bright smile is a painful past.
"N-nasan ang mom ni Glaiza?"
Biglang iniwas ni Sally ang tingin niya sakin"Y-yung mom niya? H-hindi ko alam. Walang balita "
Ang mom ni Glaiza. Siya pala ang dahilan kung bakit nagkaganon si Glaiza.
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanfictionWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"