Bonus Chapter (Part 3)

4.4K 185 15
                                    

*Hold On*

Glaiza's POV                 

"I'm sorry Glaiza.." Tinitigan ko ang likod ni Deni habang naglalakad siya papalayo saakin.

Halos ayaw parin mag sink in sa utak ko yung mga sinabi niya. Para akong hindi makapaniwala sa mga nangyayari.           

Nung isang araw lang, ang saya pa naming dalawa. Excited na excited pa kami sa kasal namin. But in a snap, nawala lahat.

Ang sakit lang na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay ay tinalikuran ako. She broke up with me at ayaw niya ng lumaban

Huminga ako ng malalim then dumiretso ako sa office ko para kuhanin ang mga gamit ko. Mag u-undertime na muna ko ngayon. I know na napaka unprofessional ko para idamay ang work sa personal problem ko pero sa ngayon, hindi ko talaga kaya.

Alam kong maapektuhan lang ang operations pag pumasok ako. Buti na lang din at wala namang nangusisa pa sa mga empleyado naming kung bakit ako aalis.

Agad naman ako ng palit ng damit then umalis narin ako. Hindi muna ako dumiretso sa bahay but instead dumiretso
ako sa bistro nila Bianca.

Nakita ko naman na nakaduty doon si Chynna.

"Oh tsong bat ganyan mukha mo? Bat parang nahalay ka ni Wila sa itsura mo?"  salubong na tanong saakin ni Chynna pagkaupong-pagkaupo ko sa barstool.

"Just give me something to drink"

"Sure!"

Nakita ko namang naglabas si Chynna ng chilled glass sa bar ref then nilagyan niya ito ng gatas
at inabot saakin

"Ayan! Something to drink!"             

"Tsong naman eh! Ano ba! Gusto ko yung malalasing ako! Gusto ko yung makakalimutan ko lahat ng pangyayari ngayong araw na to!"            

"Wow grabe aga aga inom agad? Nagaway ba kayo ng Love love mo kaya ganyan? Don't tell me pinagpalit ka na nun kay Wila?
Hahaha"  pangaasar ni Chynna saakin. I just glared at her. Mas nakakabadtrip eh. Tipong emong emo na ko dito tapos gagauhin lang ng iba ang misery ko? Badtreeeeep oh

"Wag na sumimangot pre, gagawin ko na drink mo! Ano ba gusto mo? Mojito? Long island? Margarita?

"Basta nakakalasing" 

"Ok one nakakalasing drink coming up!Nag mix mix lang si Chynna doon tapos maya-maya
lang din ay binigay na niya saakin ang drink ko at ininom ko ito.

Hindi narin niya ako masyadong ginulo dahil medyo dumami
na ang mga customer niya.

"Glaiza pag tinuloy natin to madami tayong masasagasaan. Si daddy, si mama, pati sila nadadamay na. Pati ang magiging anak natin mahihirapan. Wag na natin ituloy Glaiza. I-I'm sorry" Ininom ko ng buo yung drink ko and parang bigla akong nahilo because of the alcohol.           

Pakiramdam ko parang gusto kong magpakalunod sa alak ngayon para lang hindi lumabas ang mga nagbabadyang luha sa mata ko.

Sobrang sakit eh. Nangako siya saakin na walang bibitiw, nangako siya na kahit anong mangyari, walang susuko saaming dalawa.           

Pero bakit ganun? Bakit parang ang dali sa kanya na pakawalan ako? Bakit parang balewala sa kanya lahat ng pinagdaanan namin?           

Bakit ganyan ka Deni? Akala ko walang bibitiw? Akala ko walang iwanan? Pero bakit sa isang iglap nawala lahat?           

Itinaas ko yung baso ko at bigla naman napadapo yung tingin ko doon sa singsing sa kamay ko.           

Yung engagement ring namin ni Deni..Parang biglang nag flashback lahat sa isip ko yung mga nangyari 5 years ago.

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon