*EPAL*
Notice: ChyBi and RhiLu SCENES AHEADBianca's POV
Sunny day!
Hay nako, kagabi pa ako nagdadasal na sana wag tumila ang ulan para suspended ang klase para hindi ko makita yang Chynna na yun.
Pero hindi eh. Sinalubong ako ng napaka taas ng araw pagkagising ko. Parang nangaasar lang!
Naalala ko na naman yung sinabi ni Chynna na susunduin niya ako mamaya. Kinilabutan ako bigla.
Ayan ang dahilan kung bakit ayaw kong pumasok ngayon.
Pero dahil sa wala nga akong choice pumasok narin ako.
Bago ako dumiretso ng classroom namin, kinuha ko muna yung mga libro ko sa locker ko. Mabait na bata kasi ako, hindi naguuwi ng libro, lahat nasa locker.
Dahil tatlong sunod-sunod na subject ko ngayong umaga, tatlong libro ang kinuha ko.
Take note lahat sila hardbound
at ang kakapal. Sinara ko na yung locker ko pagkakuha ko ng libro at nag start maglakad ng bigla naman akong may nabangga.Nahulog lahat ng libro na dala ko at nagmadali akong pulutin. Tinulungan ako nung nakabangga saakin na pulutin yung mga libro
"Here..."
Nung narinig ko ang boses na yun agad akong napatingin sa kanya.
It's Glaiza, kasama ng tatlong babae."Ohhh if I'm not mistaken she's Bianca right?"
"Oo yung tourism student! Yung madaming lalaking naghahabol sa kanya!"
"Correction dear, hindi na ngayon simula nung i-break siya ni Glaiza sa harap ng madaming tao "
I looked away. Sa dinami-dami ng ma-eencounter ko bakit si Glaiza pa na may kasamang mga babae?!
"Girls stop tormenting the poor girl" awat ni Glaiza..tsss kung hindi pa siguro ako nagiging girlfriend neto baka kinilig pa ako sa pagka concern niya
Eh kaya lang sinaktan na niya na ako so nabawasan na yun
"Halika honey!" inilapit nung girl ang mukha ni Glaiza sa kanya then she kissed her. Tinignan naman ako nung
babae ng nangiingit na ngiti.Sa totoo lang gusto kong ipagbabato sa kanila tong mga librong hawak ko.
Pero bat ganun hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko?!
Nanginginig ako sa sobrang inis!
Nagulat na lang ako ng biglang may umakbay saakin."Hey I've been looking for you. Tara ihahatid na kita sa classroom mo"
"C-chynna"
"Wait you're Chynna Ortaleza right? Yung nag champion sa flairtending competition?"
She smiled at them "Yes ako nga. And Bianca is my girlfriend"
"What?! Girlfriend mo siya?!"
"Really? Good to know " walang emosyon na sabi ni Glaiza
Di man lang ba siya nagseselos?
"Halika na Bianca" inilayo ako ni Chynna sa kanila tapos dinala niya ako sa may quadrangle at doon kami naupo.
"Napaaga naman ang sundo mo sakin. Akala ko mamaya pa "
Inilapit niya saakin ang balikat niya"Iyak na"
"H-ha?"
"Alam kong gusto mong umiyak. You can cry on my shoulders"
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanfictionWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"