*Cake, Diary, Roses And Bear*
Bianca's POV
Oo na oo na, ang tanga tanga ko na at hindi ko manlang pinakinggan ang explanation ni Chynna saakin.
Pero hindi pa ba sapat yung nakita ko?
*sigh*
Natatakot ako na baka gawin ni Chynna ang ginawa saakin ni Glaiza dati. Masakit. Ayoko ng maramdaman yun.
Ayoko ng maranasan ulit yung halos gabi-gabi ako umiiyak at halos lunurin ko ang sarili ko sa alak. Masakit sa ulo. .
. at sa puso.
Akala ko totoong mahal niya ko. Pero bakit ganun? Bakit siya nakikipag halikan sa iba?
Baka naman nagsawa na siya dahil tinataboy ko siya?
Kung sa bagay. Di ko siya masisisi kung yun ang dahilan. Kasalanan ko rin kasi ang tagal kong nagmukmok dati kay Glaiza samantalang nandyan naman siya para saluhin ako. Tapos ngayon ano to? Iiyak iyak ako?
Masasaktan ako? Dahil sa katangahan ko dati.
Ay lechugas! Wala akong karapatan magalit sa kanya!
Pero hindi ko maiwasan. Nasaktan talaga ako ng husto eh.
I heared a knock on my door.
"Bianca? Kakain na tayo ng dinner" rinig kong sinabi ni Chynna
I tried my best to straighten up my voice para hindi halata na umiiyak ako
"uhmm d-di ako nagugutom. Atsaka ang dami ko ginagawa na school works eh. Una ka na lang"
"Bianca open the door and let's talk please"
"h-ha? ano naman paguusapan natin? Yung kanina ba? Ano ka ba! Wala ka dapat iexplain saakin no. Hindi
naman tayo eh" hay bat ang sakit naman sabihin ng mga salitang yun?"Bianca. .mahal kita"
Biglang kumirot ang puso ko. #@%$$ bakit niya ba sinasabi yan?! Pwede bang tigilan niya na ang pagsisinungaling ng hindi ako nahihirapan?!
I fake a laugh "hahaha ang galing mo talaga mag joke Chynn! Pero uhmm ano kasi busy ako, mamaya na tayo
mag usap"Hindi ko na siya narinig na nagsalita. Mukhang umalis na talaga siya.
Nahiga ako sa kama at may tumulo na naman na luha sa mata ko.
Ang sakit naman. Gusto ko talaga siyang kausapin at sumbatan. Gusto kong amuin niya ako ngayon pero bakit umalis na siya?! Bat di man lang niya ko inamo?!
Eh baliw ka ba, pinaalis mo eh.
Ay naku! Nakakaasar! Nafu-frustrate na ko sa nararamdaman ko ah?! Bat ba ko nagiinarte ng ganito! Kailangan ko na tantanan to!
Eh ano naman kung may kahalikan siya? Kung sinasabihan niya ko ng mahal niya ko pero may hinahalikan siya na ibang babae? Ano naman kung wala siyang paki saakin? So what kung di niya ako inaamo? Ano ba siya?
ISANG HAMAK NA BABAE LANG NAMAN SIYA DI BA? Isang hamak na babae na gagawin saakin ang ginawa noon ni Glaiza!
EH PAKI KO?!
Sawa na ko mamroblema sa mga babaeng yan! Ampupu na yan! Kung lahat sila manloloko edi manloloko narin ako! Ayoko na ng isang matinong relationship! Sakit sa ulo lang yan eh! Mag sama-sama sila! Pagbuhulin ko mga bituka nila eh! Sana mag mukha silang palaka! Sana maging kalahi na nila si Wila!! Grr nakakaasar! Nakaka---
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanfictionWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"