*Body Heat*
Rhian's POV
Dismissal Time.
Hindi ko na niyaya pa si Glaiza na ihatid ako. Nakakainis lang siya eh!
Bakit ba kailangan niyang sumulpot sa mga panahong nagpapacute ako? Diba?
Ano kaya iniisip na saakin ng papa Luis ko? Baka nasa isip nun eh katulad na ko ng ibang babae na nagiging
girlfriend ni Glaiza!At isa pa alam din niyang ex ni Bianca si Glaiza.
Hay di ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang dahilan.
Naglakad ako palabas ng gate at nagbabakasakaling bigla ulit sumulpot si Luis kaso hindi.
Nag hintay pa ko ng 30 minutes sa harap ng north gate kaso wala parin eh.
Hay sayang talaga ang pagkakataon kahapon! Etong Glaiza De Castro naman kasi na to eh!
Nung nakita kong medyo kumukulimlim na at parang uulan, umalis na ko.
Wala pa naman akong dalang payong, mahirap ng abutan ng ulan.
Habang naglalakad ako pauwi, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kung mamalasin ka nga naman!!
Tumakbo ako sa ministop at dun sumilong, kaso sa lakas ng ulan na to mukhang aabutin ako ng dilim dito.
Naku naman, wag din sanang bumaha. Pumasok ako sa loob ng ministop.
"Mwah! "
Napatalon ako sa gulat nung biglang may humalik sa cheeks ko from behind.
At sino pa nga ba ang kaisa-isang manyak sa storyang to?
Hinampas ko yung braso niya "Manyak mo no!"
"Eto naman! Alam kong kinilig ka sa ginawa ko! "
Hmp kilig your face! Baka kinilabutan! Kung si Luis lang ang gumawa niyan baka kinilig ako.
"Ano naman ginagawa mo dito?"
"Nakikipag date" tinuro niya yung dalawang babae na kasama niya.
"Glaiza, darling who is she?"
Lumapit sila kay Glaiza at pinulupot ang mga braso nila sa magkabilang braso nito.Ladies and gentleman, I want you to meet the linta girls.
"Girls she's Deni my-"
"Her girlfriend! " hinila ko si Glaiza palayo sa linta girls
"Loves sabi mo pupunta na tayo sa condo mo Loves. Tara na Loves baka bumaha pa dito Loves"
Pinagdiinan ko din yung pagtawag sakanya ng Loves Gantihan lang tsong!Bwahahahahaha.
"What are you talking about?"
"Hindi kaya nagdadala ng babae si Glaiza sa condo niya"
"Yah I know kasi ako lang ang dinadala niya dun " hinila ko palabas si Glaiza
"Let's go Love" pinanlakihan ko pa siya ng mata saka hinatak palabas
Nung nakalabas na kami binitiwan ko na yung braso niya "Ibang klase ka talaga. Ganyan ka ba talaga kapatay sakin "
Hmp! Kapal ng mukha!
"Oo! May angal ka?! Hmp uuwi na ko diyan ka na!! "
"Paano ka uuwi sa ganyang kalakas na ulan aber?"
BINABASA MO ANG
The Casanova Has Fallen (Completed)
FanfictionWould a Casanova be able to find her ONE TRUE LOVE? From the best selling Wattpad Story BTCHO Comes another RaStro Wattpad Adaptation "In a Game called Love, the first one who falls is the LOSER"