Chapter 18

4.8K 209 9
                                    

*Bad Memories*

Bianca's POV

"Bestie galingan mo ha! Ichi-cheer ka namin! ang iyong official palakpak brigade! " sabi ni Rhian habang nakayakap saakin.

"Thank you bestie!" Nakita ko naman na sumenyas si Glaiza

"Oh picture muna! Tabi kayo ni Luis!"Nagtabi kami ni Luis then kinuhanan kami ng picture ni Glaiza. Kailangan ata para sa documentary nila.

"O siya labas na kami ha! Galingan mo Bianca"

"Sige, thanks Sally! "

"Kabugin mo sila sister! " sabi ni Wila habang winawagayway yung pompoms na ginawa niya. Natawa naman ako sa kanya.

"Good luck honey " Chynna winked at me. Inirapan ko naman siya. Narinig ko nalang na natawa siya.Nagsilabasan na sila sa backstage.

Hay naku thank god at hindi nagpaiwan dito si Chynna. Araw-araw na lang nakabuntot saakin. Naiirita na talaga ako! Ano ba talagang gusto niyang mangyari? Ang mainlove ako sa kanya? Oh tapos ano na?

Halata naman na nag deal sila ng dad ko eh. Si dad kasi excited na atang magkaasawa ako kaya kung kani-kanino ako nirereto! Di pa talaga nakuntento at pati sa babae nireto na din ako

"Well, well, well, look who's here"Napatingin kami ni Luis doon sa dumating. Si Tricia at si Ryan, mga contestants din sila dito pero hindi namin makuhang makasundo.

From Impakta University ata nanggaling ang dalawang to.Tricia looked at me from head to toe "Grabe ang lakas ng loob mag suot ng ganyan! Ang panget naman ng katawan!" nagtawanan sila ni Ryan.

Naka pang Hawaiian kasi ako para doon sa talent portion."Don't mind her" narinig kong ibinulong ni Luis saakin.

"Oh don't worry Luis, hindi ko naman siya papatulan! Lalo na kung yung costume niya eh balot na balot.Parang may gustong itago" I told Luis pero medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Tricia.

She threw me an angry look "Magiingat ka Bianca King. Baka ngayong gabi masira ang image mo "she strode passed me.

Nung makaalis na siya, pinagsabihan naman ako agad ni Luis "Hay naku Bianca, wag mo na siyang patulan.Kaya lang naman nagkakaganyan yan kasi feeling niya napakalaking threat mo sa kanya"

Sinunod ko naman yung advice ni Luis though medyo nakakairita lang dahil parinig ng parinig saakin yung Tricia from Impakta University na yun!

Maya maya lang, nag start na yung talent portion. Nung tinawag na kami ni Luis, agad kaming umakyat sa stage then nakarinig kami ng malakas na palakpakan.Mukha atang kinarir masyado nila Rhian ang pagiging palakpak brigade ah?

"LUIS MANZANO!! ALABYUUUUU! ANG GWAPO MO! WILL YOU BE MINE?! "Halos matawa naman ako, pero pinigilan ko. Aware ako na sa boses ni Wila nanggagaling yung mga tili at sigaw na yun! Hindi naman ako maka tingin sa audience pero pinilit kong imagining ang itsura ni Wila habang winawagayway ang kanyang pompoms.

"BIANCA KING, YOU'RE A GODDESS!"Namula naman ako bigla sa narinig ko. Yeah, boses nga ni Chynna yun! Bwisit talaga na babae.

Pinatugtog na yung song. Todo sayaw naman kaming dalawa ni Luis kahit parehong alam namin na wala talaga kaming ka-amor amor sapagsasayaw.

Pero syempre performance level ang ginawa namin.

Nung matapos na yung sayaw namin, nakarinig naman kami ng malakas na palakpak, syempre sa pangunguna ng aming magiting na palakpak brigade.Bumaba na kami sa stage and papunta sa dressing room para makapag palit ng damit. May bigla namang sumalubong saamin na dalawang lalaki.

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon