Chapter 57

5.4K 224 11
                                    

*Vows*

Rhian's POV

Ilang linggo ko din pinagisipan maigi yung tungkol sa OJT. Pero kada iisipin kong aalis si Glaiza, hindi maalis sa sarili ko ang masaktan. Minsan napapaluha na lang talaga ako. Kung pwede nga lang na samahan ko siya doon eh kaso alam kong hindi.

Wala doon ang lugar ko. Naghanap na rin kasi ako ng culinary school na pwedeng pasukan ko after graduation tutal pumayag naman na sina papa na mag aral ulit ako ng isa pang taon bago mag trabaho.

Saturday ngayon at walang pasok. Simpleng tambay lang ako sa unit ni Glaiza. Nag volunteer ako na ako naman ngayon ang mag luluto.

Ulam for today: Adobong manok.

Nag hihiwa ako ngayon ng sibuyas para pang gisa ng bigla naman sumilip si Glaiza sa kitchen

"Love Love ayos ka lang diyan?" tanong niya

"Oo naman Love! Chupi ka na, ako na bahala dito"

Ibinalik ko na ang tingin ko doon sa sibuyas ng magulat ako dahil biglang sumigaw si Glaiza.

"Love!" lumapit siya saakin at inagaw ang kutsilyo sa kamay ko "di ganyan ang tamang pag hihiwa, mamaya masugatan ka pa. dapat itago mo mga daliri mo para di tatama" dinemonstrate naman niya saakin

"Ganito Love, ipwesto mo ng ganito ang daliri mo para ramdam mo yung kutsilyo sa may buto mo at ng di dumulas. Mamaya masira pa ang maganda mong kamay"

Napangiti naman ako bigla "Sorry po Chef Glaiza"

"Naku ikaw talaga. Maupo ka na nga lang doon at ako na magtutuloy nito."

Sinunod ko naman si Glaiza at naupo na lang ako sa dining room habang pinapanuod ko siya mag luto.

Nasabi ko na ba sa inyo na mas naiinlove ako sa napakagandang nilalang na to pag pinapanood ko mag luto? Feeling ko mag asawa na kami eh.

Napahinga ako ng malalim. Ayan nalungkot tuloy ako bigla, naalala ko na naman yung OJT na yun.

"Love, nakahanap na ako ng culinary school na papasukan ko after ng graduation. Maganda naman siya and reasonable ang tuition. Tsaka may magandang reputation yung school, madalas kasi sila nananalo sa mga competitions"

"Really? That's nice Love! Galingan mo ha? Basta lagi lang ako nandito"

I smile at her "Thank you Love. Ikaw? Anong plano mo after graduation?"

Bigla naman siyang natigilan "Ang totoo niyan wala pa kong naiisip eh. Maybe I should try applying to hotels or fine dining restaurant. O baka mag culinary din ako. Bahala na si batman, basta kasama kita ok na ko" she gave me a smile then lumapit siya doon sa table na kinauupuan ko at inilapag yung niluto niyang adobo at rice.

"Chicken adobo for my love. Try it" sabi niya

I get a spoonful then tinikman ko and as usual, masarap siya.

"Ano? Masarap ba?"

Tinignan ko si Glaiza "Hindi. Ang panget ng lasa! Ang alat alat!" inilayo ko yung plate ko

"Ano ba yan Glaiza, bat ganyan yan?"

"Ha?" tinikman niya yung adobo "Masarap naman Love Love eh!"

"Hindi kaya! Naku kailangan mo pang mas mag aral ng mapagluto mo naman ako ng masarap!"tinignan ko si Glaiza ng seryoso

"Tatlong taon lang naman di ba? Babalik ka naman di ba?"

"D- Deni...?"

"Basta mangako ka lang saakin na babalikan mo ko" bago ko pa mapigilan ang sarili ko, my voice broke

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon