Chapter 14

5.1K 203 14
                                    

*Mahal kasi kita*

Bianca's POV

"Oh game! Game!" sumenyas si Sally and lumapit si Glaiza at Chynna sa kanya.

Pinagpatong-patong nilang tatlo ang mga kamay nila "maalis taya!" they all said in chorused.

"Oh yes I'm safe!!" sabi ni Chynna habang nagtatatalon

"Cheaters!! Ulitin natin to! Hindi maaari!!" pagrereklamo ni Glaiza habang nakasimangot

Inakbayan ni Chynna si Glaiza "Sorry bruh, hindi na pwedeng ulitin eh! "

Lumapit naman si Wila atsaka ipinulupot ang kamay niya sa braso ni Glaiza "Baby loves, alam ko naman na gustong gusto mo akong makatabi eh! "

"TItigilan mo ko o ihahampas ko sayo yung takong ng sapatos ko!!"

Nag maalis taya ang mga girls kung sino ang makakatabi ni Wila for two weeks, at kung suswertehin nga naman si Wila, si Glaiza ang natalo.

Tinignan ko sila habang nagtatawanan.

Mukhang masaya naman si Chynna eh. Nakakapagdalawang isip tuloy kung totoo yung sinabi niya saakin kanina.

"Masisisi mo ba ko Bianca? Nakikita ko ang babaeng gusto ko na nasasaktan dahil sa walang ka-kwenta kwentang
babae at wala akong magawa para alisin sa kanya ang sakit na nararamdaman niya. Masisisi mo ba ako kung bakit ako nagkakaganito?"

Waaaaaaaaaaaah nababaliw talaga ako! Ano ba talaga ako sa kanya? Gusto niya ba talaga ako?

Pero paano?

I mean, hindi naman kami talaga magkakilalang dalawa eh. Saglit pa lang kami nagkakasama.

Ni hindi nga kami close eh. At isang beses ko pa lang siya nakakakwentuhan, at lasing pa ko nung mga panahon na yun na nahantong pa sa.. you-know-what.

Kung meron man talagang nangyari.
Paano niya ako magugustuhan? Ano yung love at first sight?

No, I don't believe at love at first sight. Dahil kung ganoon nga nangyari, hindi naman pagmamahal ang tawag dun, dahil mukha ko lang ang nagustuhan niya hindi yung tunay na ako.

But still...

*sigh*

May biglang nag doorbell, binuksan naman ni Rhian yung pinto.

"Oh ma'am Cruz"

Si Ma'am Cruz yung professor na kasama naming pumunta dito.

"kamusta kayo dito?"

"ok lang po ma'am"

"nag dinner na ba kayo?"

"yes ma'am!" we all said in chorus

"By the way, Bianca, wala pa kayong naka schedule na activities tomorrow so free kayo mamasyal. Ikaw din Chynna"

Si Chynna? Wait kasali din ba siya?

"Yes ma'am!"

"Ayun ayos makakapasyal din tayo!"

"Teka, kasali ka din sa Mr. and Ms. Palawan Chynns?" tanong ni Rhian sa kanya

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon