Epilogue

6.2K 224 15
                                    

*Love the Casanova Operation*

( After 3 years)

Rhian's POV

"Chef Rhian mag break ka muna, ako na bahala dito"

"Sige, medyo gutom narin ako eh"

Tinanggal ko yung apron at toque ko then lumabas na ko ng kitchen. Pagka labas na pagka labas ko, agad ko naman kinuha ang cellphone ko to check kung may nag text.

No messages

*sigh*

It's been three years simula nung umalis si Glaiza. Yung nasa Tagaytay kami at nagpalitan ng vows, yun na ang last na pagkikita namin. Hindi ko na siya inihatid nun sa airport sa kadahilanang ayokong titigan ang likod niya habang naglalakad siya palayo saakin.

Inaamin ko, nahirapan ako ng husto nung una. Isang linggo pa lang ang nakakalipas, halos mabaliw na ko sa
sobrang pagkamiss ko sa kanya.

Ang hirap pala mahiwalay sa taong mahal mo lalo na kung nakasanayan mong nandiyan siya palagi sa tabi mo. Halos di ako makakain nun, di rin ako halos lumalabas ng kwarto. Kada pumapasok ako mag isa sa school, di ko mapigilan ang mapaluha. May mga times din na nagpupunta ako sa unit ni Glaiza.

Ibinigay niya kasi saakin yung susi nun. Nandun lang ako, nakahiga sa kama niya. At pag feeling ko bibigay na talaga ako, niyayakap ko ang bigay na weird na stuff toy sakin ni Glaiza habang inaalala lahat ng pangakong binitawan niya.

Pero siguro mas mahihirapan ako kung wala akong pamilya at mga kaibigan na tulad nila.

Ang mga kuya ko pati narin si mama at papa, ginagawa nila ang lahat para wag ako malungkot. Sina Bianca naman, madalas akong niyayaya sa galaan para iwas ang pagmumukmok.

Eventually, nakasanayan ko na rin na wala siya, though yung pagka miss ko ng sobra sa kanya, hindi nawala.

A few months after ng pag alis ni Glaiza, grumaduate narin kami. Iyak ako ng iyak nung graduation day hindi dahil masaya akong grumaduate kundi nalulungkot ako dahil di ko kasabay nag martsa ang taong mahal ko.

Right after graduation, tinuloy ko ang plano kong pag pasok sa culinary school, and like what Bianca said, pinag igihan ko talaga ng husto.

I've join a lot of competition, won in different categories, and luckily, kinuha ako ng isang 5 star hotel bilang pastry chef nila right after I graduate culinary. Dito din sa hotel na to nagtatrabaho si Biancs as a receptionist/Front office staff. Si Chynna naman, siya na ang bar manager ng bistro nila Bianca.

Sometimes she flairs in different hotels and bars and they pay her big. Si Sally naman, nagtatrabaho narin doon sa beauty shop ng family niya. Sikat na make-up artist kasi ang mom niya. At si Wila naman, busy humanap ng papa.

Walang trabaho hahaha syempre joke lang yun. Sosyal ang bruha eh, nag training sa Singapore ng 3 months
then pagbalik dito sa Pinas, ayun pinag agawan ng mga hospitals dito para magtrabaho.

Madalang na lang kami magkita kita dahil busy sa mga trabaho namin. Pero atleast twice a month, nagkakaroon kami ng bonding time.

Kaso kulang palagi ng isa. . .

. . . .wala yung mundo ko.

Ano na ba nangyari kay Glaiza? Madalas siya makipag communicate saamin. Everyday lagi siyang nagpapadala ng message para saakin.

Minsan pinapadalhan niya kami ng mga pictures sa iba't ibang bansa na napuntahan niya.

Halata namang nag eenjoy ng maigi si Glaiza sa work niya. Kaya lang...

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon