Chapter 45

5.2K 222 29
                                    

*The Cassanova's Tears*

Rhian's POV

I survived the night. Well kahit papaano. I managed to smile, to laugh and to act that I'm happy in front of them when the truth is I'm not.

Kanina gustong gusto ko na tumalon sa rooftop dahil sa mga pinag gagawa ko. Gusto ko ng matapos ang lahat ng to.

Ayoko na. Ang hirap. Hindi ko alam kung paano ko pa haharapin si Glaiza sa mga susunod na araw.











The next day maaga ako nagising sa kadahilanang wala rin use kung pipilitin ko pang matulog. Mismong utak ko umaayaw na na matulog ako.

Bumaba na ko sa dining room namin and naabutan ko naman doon si Mama na nagtitimpla ng kape. Napangiti ako.

Siguro kung meron man magandang nangyari saakin sa panahon na to eh yun ay yung umuwi na si mama.

"Oh anak nandyan ka na pala. Good morning"

Lumapit ako kay mama para i-kiss siya "Good morning din po mama"

"How's your sleep? Bat maga ata mata mo?"

"Ah eto po. K-kasi po napuyat ako kagabi kaka basa ng novel. Eh nakakaiyak po eh"

"Hay naku ikaw bata ka. Dapat matulog ka palagi ng maaga. Napaka stressful pa naman ng college, kailangan mo ng energy" may inilapag si mama na mug sa harapan ko

"Oh ayan uminom ka ng hot chocolate. Alam ko naman na di ka mahilig sa kape eh"

Niyakap ko ulit si mama "Thank you mama"

Hinimas niya naman yung ulo ko "You're welcome Yoyon. Naku dalagang dalaga ka na talaga. Ang ganda ganda ganda mo pa. Siguro madami kang manliligaw no?"

"Ehh mama naman wala po!"

"Hahaha pero anak kung may nagugustuhan ka man wag kang mahihiyang magopen saakin ha kahit sino pa siya tatanggapin namin siya ng buong puso?"

I smiled at her then tumango ako "Mama, salamat po"

"Saan naman?"

"Sa lahat lahat lahat. Na kahit na hindi kami nanggaling sa inyo, tinuring mo kaming tunay na anak"

"Owww ang anak ko naman oh! Syempre mahal na mahal ko kayo eh. Tsaka ipinangako ko yun sa mama niyo na aalagaan ko kayo at palalakihin na parang tunay na anak"

"Kilala niyo po mama namin?"

"Hmm oo. And you know what? Siya na siguro ang pinaka maganda, pinaka mabait at pinaka matalinong babaeng nakilala ko dito. Parehong pareho kayo Yoyon."

Napangiti ulit ako. Yung tunay kong mama, nakita ko lang siya sa picture. Di ko na matandaan kung ano siya sa personal pero kahit ganoon mahal na mahal ko din siya. Pareho ng pagmamahal ko kay Mama Amanda.

Siguro swerte narin kami na nakahanap si papa ng isang babaeng mamahalin din kami na parang sarili niyang anak.

Ang swerte namin na si Mama Amanda ang tumayong ina namin.

Medyo late na ko nakapasok sa school kasi pinaliguan ko pa si Robbyn, yung alaga ko namang pusa. Ganun kasi ang ginagawa ko pag talagang depress na depress ako, ang makipag bonding sa mga alaga ko.

Pagkadating ko sa school, nadatnan ko naman agad doon si Glaiza na nakikipagusap kina Sally and Wila.

"Love Love good morning" lumapit siya saakin then she kissed my cheeks and back hugged me "Binalita ko na sa kanila ang good news"

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon