Bonus Chapter (Part 2)

4.7K 176 31
                                    

*Unexpected Guest*

Rhian's POV

Bigla akong napadilat ng marinig ko ang sigaw na yun at bigla kaming nag hiwalay ni Glaiza.

Napatingin ako sa may pintuan at halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang lola ko nakatingin ng masama saaming dalawa.

“L-l-lola?!”  Teka kelan pa dumating si Lola dito?! At bat mukhang galit na galit siya?!

“M-ma!” Nakita kong nakasunod si Papa kay lola at parang pinipigilan niya ito pero dire-diretso si lola papalapit saakin at hinatak ako palayo kay Glaiza.Tinignan niya si Glaiza ng masama at nagbitiw siya ng salitang halos magpaguho ng mundo ko

“HINDI MATUTULOY ANG KASAL NIYONG DALAWA!”

“Lumayas ka na ditong babae ka at wag na wag ka ng magpapakita sa apo ko!!”  sabi ni lola kay Glaiza sabay tulak dito      

“Pero po--!”

“Hindi kayo pwedeng magpakasal na dalawa!!” paguulit ni Lola kay Glaiza at patuloy na tinulak palabas ng kwarto ko  

“Lola tama na!”  pumagitna ako sa kanila ni Glaiza

“Ano po bang problema ha?!  Bat niyo po to ginagawa!!”       

“Tumigil kang bata ka!!” hinatak ulit ako palayo ni lola kay Glaiza 

“Hinding hindi ako papayag na pakasalan mo ang babaeng yan!”       

“ Bakit po ba ayaw niyo saakin? Mahal na mahal ko po si Deni. Kung gusto niyo pong patunayan ko kung gaano ko siya kamahal, gagawin ko po yun, wag niyo lang po kaming paghiwalayin dalawa”  sabi ni Glaiza kay lola     

Natahimik si lola at tinignan niya si Glaiza. Lumapit siya dito atsaka niya ito pinagtaasan ng kilay     

“ Wala akong pakielam sa nararamdaman mo sa apo ko. Hindi kayo ikakasal dalawa at mas lalong
hindi na kayo pwedeng magkita. Unang una kasalanan yang ginagawa ninyo. Kahit kailan ay hindi maaaring ikasal ang isang babae sa kanyang kapwa. Kaya lumayas ka na dito sa pamamahay na to”

“Mom please stop it!!”   this time, si daddy na ang pumagitna saamin      

“Anak, umuwi ka muna sa inyo. Don t worry kami bahala ok?”   sabi naman ni Mama Amanda kay Glaiza.

“P-pero ma”       

“Glaiza please”   pakiusap ni mama Amanda sa kanya     

Nag tama ang mga mata namin ni Glaiza at kitang kita ko kung gaano kalungkot to.      

“Deni, I love you”  sabi niya      

“I love you too, Glaiza.” sagot ko sa kanya     

After that yumuko na siya at tumalikod atsaka tuluyang lumabas sa bahay namin.     

Pagkalabas na pagkalabas ni Glaiza, dali-daling kinandado ni Lola yung pintuan atsaka siya humarap saakin.      

“Listen Denise, wag na wag ka ng makikipagkita doon sa babaeng yun! Naintindihan mo ba ha?!”        

“NO! Lola she's my soon to be wife! Inaayos na po namin ang kasal namin at walang pwedeng makapigil nun!!”        

“Y-you--!!”  she took one step closer to me at pinagambaan niya akong sampalin

“Napaka bastos mo ng bata ka! Kelan ka pa natutong sumagot saakin ha?! Yan ba ang naituturo sayo ng pakikisama mo dun sa lesbianang yun”       

The Casanova Has Fallen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon