Chapter 1

184 11 6
                                    

Life's too short. Live it smiling. ~ author

Dedicated to: eyforalpha

Serra

"Serra, si Mama to.. gising na.. iinom ka pa ng gamot."

Hindi naman ako tulog eh. Nakapikit lang ako. Sinasanay ko lang ang sarili ko sa pakiramdam ng nakapikit. Soon.. hindi na din naman ako makakadilat. Pero sa ngayon, didilat muna ako.

"Serra.."

Unti unti kong dinilat ang mata ko. Si mama.. ang maamong mukha ng mama ko. Hanggang kailan ko ba ito pwedeng makita?

"Ang gamot mo Serra, late na ng halos bente minutos. Uminom ka na ha?"

Tumango nalang ako dahil hindi ko mahanap ang boses ko. Kinuha ko na yung capsule na nasa side table ng hospital bed na hinihigaan ko at ininom iyon.

Isang taon mahigit na akong nandito sa hospital na to. Nabuburyo na ako. Gusto ko nang bumalik sa school.

"Mama, kailan ba ako aalis dito? Mas gusto ko sa bahay.."

Lumapit ulit si mama at umupo sa gilid ko. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.

"Serra, anak, pag gumaling ka na uuwi na tayo ha? Kaya magpagaling ka na."

Hay nako serra. Patay ka. Pinaiyak mo nanaman ang nanay mo.

Pinunasan ko ang luha ni mama.

"Alam ko naman ang kalagayan ko Ma eh. Sabi ng doktor, six months nalang ang itatagal ko. Tapos na ang six months Ma.. magaling na ako. Isa pa, ang Diyos lang ang nakakaalam di ba? Umuwi na tayo Ma."

Umiyak lang si Mama. Hindi niya na ako sinagot. Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko. Pagod na ako eh.

Ilang oras pa ang nakalipas nung bumukas ang pinto. Napangiti ako kaagad ng makita ko si Ethan. Nagbless siya kay Mama tapos siya naman ang umupo sa gilid ko.

"Ethan, pagsabihan mo nga yan. Nagaaya umuwi ng bahay."

Nagpout naman ako. Sinumbong niya nanaman ako kay Ethan. Lagi nalang. Lumabas na si Mama. Hehe. Alone time namin ni Ethan eh.

"Eh. Gusto ko lang talagang umuwi namimiss ko na si Rudolf. Tapos lagi nalang akong nakahiga dito."

Kinuha ko yung sketch pad ko sa side table. Tapos hinarap sa kanya.

"Oh. Ito nalang ang lagi kong ginagawa. Drawing!"

Tumawa naman si Ethan. Aba. Tinawanan pa ako.

"Serra. Ano ka ba. Hindi ka pa pwedeng umuwi. Magpagaling ka muna ah?"

"Magaling na ako!"

Ang kulit talaga nila. Okay na ako.. kung mamamatay ako, gusto ko sa bahay.

"Pinagdala kita ng---"

"French fries at sundae?! Yiiie! Thanks!"

Yinakap ko naman siya.

"Your welcome. Atsaka dinalan kita ng sandwich. Oh ayan."

Binuksan ko naman yung sandwich.

"Bakit mayonnaise ang palaman? Di naman ako kumakain ng mayo eh!"

Nagpout ako lalo. 1 and a half year na kaming mag on pero hindi niya pa din ako kilala? Nakakatampo.

"Relax sera. White cheese yan."

Napangiti naman ako dun. Mahilig kasi ako sa cheese. Kahit anong cheese! Hehe.

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon