Chapter 37

18 3 3
                                    

Ethan

Nagtricycle lang kami papunta, pabalik ng palengke. Ang totoo niyan. Sumama lang ako dahil ayokong magsibak ng kahoy. Ang sakit kaya sa likod. Si Red naman, excited magsibak ng kahoy. Nung nasimulan naman, umayaw din. Nakakatakot daw dahil baka masibak niya yung paa niya.

Nanunuod lang ako kung paano iniihaw yung lapu lapu. Pati si Angel ganun din ang ginagawa pero magkalayo kami. Nasa magkabilang dulo kami ng dirty kitchen.

"KUYA ETHAN!!!"

May biglang yumakap sa likod ko. Kilala ko tong batang to. Boses at height palang mana na sa akin eh.

"Lupen?"

"Kuya!"

Lumuhod ako para magpantay kami.

"Kuya, madaya ka!"

"Oh? Bakit?"

Nagmakeface siya at kunwari nagtatampo sa akin. Maarte talaga tong batang to.

"Kung hindi ako ginising ni tatay. Hindi ko malalaman na nandito ka na! Mabuti nalang tinuro sa akin ni Kuya Jared kung nasaan ka."

Tinignan ko sandali si Jared na nasa likod pala ni Lupen pero binalik ko din agad ang tingin sa batang nasa harap ko.

"Ikaw kasi. Ang agaaga mo matulog. Wala ka tuloy kaalam alam na nandito na ko."

Nagmake face nanaman siya at tumingin sa paligid.

"Ano bang ginagawa niyo rito? Pabyaan niyo yang lapulapu. Bahala na si Nanay diyan. Magpakain tayo ng bibe don. Tulungan mo ko kuya. Tsaka ate, sumama ka din."

Mukha namang nagulat si Angel dahil bigla nang siyang kinausap nung bata. Medyo napataas pa nga yung kilay niya. Sumunod lang ako kasabay ni Lupen habang si Red at Angel ang magkasabay maglakad. Hindi ko alam kung bakit close yang dalawang yan. Kahapon pa sila naguusap sa kotse. Wala namang nakakaintindi ng alien language nila.

"Akala ko ikaw ang sasama sa palengke kanina? Bakit yang pinsan mo yung sinama ni Aling Desa?"

Kung makapagsalita sila akala nila hindi sila nadidinig nung pinaguusapan nila. Respeto lang oh!

"Eh nagsibak ako ng kahoy. Pampamuscles."

"Dapat binuhat mo nalang yung pinamili namin, nakakamuscles din yon."

Lumilingon lingon si Lupen kayla Angel tapos titingin ng masama sakin. Ano bang problema ng batang to?

"Eh pambabae yung pamamalengke kaya mas gusto ni Ethan yun."

Tumawa silang tatlo. Kasama si Lupen. Pasaway na bata to. Akala ko kampi kami! Tinignan ko lang silang tatlo ng masama. Si Lupen at Angel, tumigil na ng kakatawa. Si Red naman, tawa pa din ng tawa. Ang corny naman ng joke niya. Waley. Nakita kong binatukan siya ni Angel kaya napatigil siya sa kakatawa. Buti nga sayo.

"Ayaaaaan. Nandito na tayo sa mga bibe! Kunin niyo muna yung mga itlog dyan sa loob ng bakod."

Napatingin ako kay Lupen. Anong kunin ang itlog?! Akala ko magpapakain lang kami?!

"Sandali. Uh. Bata, ibig sabihin papasok kami dyan sa kulungan ng bibe?"

Kunot noong tanong ni Angel. Kelan ba kasi hindi nangunot ang noo niyan? Eh sa araw araw yata na ginawa ng Diyos, lukot ang mukha niyan eh. Napatingin siya sakin kaya umiwas agad ako ng tingin.

Habang hindi pa ko sigurado at magulo pa yung utak ko, iiwas muna ko di ba? Whoo.

"Ateng, Lupen ang pangalan ko. Hindi bata. Dito sa probinsya namin, bawal ang maarte. Kung mapuputikan ka, mapuputikan ka."

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon