Chapter 47

17 2 0
                                    

Angelica

"Kamusta naman yung paguusap niyo ni Yanna?"

Sumandal ako sa pader at inunat yung paa ko.

"Okay naman. Akala ko magagalit siya pag nalamang tayo. Pero hindi din. Minsan nga iniisip ko wala nang kakampi si Serra dito. Kawawa naman ako."

Tumawa siya at inakbayan ako.

Nandito kami ngayon nakaupo sa bench sa likod ng bahay sa ilalim ng puno. Sabi nga ni Tita sa loob na raw kami kasi malamok. Kaso, nahihiya ako. Ewan ko ba.

"Alam kasi nila na bago ka mawala, nagbilin ka na sana when time comes, makahanap ako ng magpapasaya sakin. Pero wala talaga. Sayo pa din ang bagsak ko."

Pinalo ko siya ng mahina sa braso.

"Para namang luging lugi ka pa!"

Tumawa siya at mas lalong hinigpitan ang akbay sakin.

"Namiss talaga kita. Dalawang taon din yun."

Natahimik ako. Ano ba naman kasing isasagot ko di ba? Ako yung nangiwan. Ako yung bumitaw. Ako yung nagdala ng sangkatutak na problema. Ako yung pabigat. Ako yung pabebe. Ako yung naglihim. Ako yung nagsinungaling. Ako yung may kasalanan.

Pero ito ako, hindi niya pa rin binibitawan. Ang swerte swerte swerte ko. Ang dami nang blessings na binibigay ni Bro.

"Oh. Natahimik ka dyan."

"Nagiisip lang."

Hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi at priness yung kamay niya.

"Nakakatanda raw ang masyadong pagiisip."

Pinalo ko yung kamay niya.

"Ano naman ngayon?"

Bumalik siya sa pagkakaakbay sakin.

"Magiisip din ako para sabay tayong tumanda."

Natahimik nanaman ako. Forte talaga ni Ethan yun. Magpatahimik. Magblurt out daw ba bigla ng ganon. Hindi niya ba alam na kinikilig ako? Kainis ha!

"Ewan ko sayo. Umuwi ka na. Gabi na."

Tumayo na kami at nagpagpag ng pangupo.

"Hmm. Okay?"

"Oh. Uwi na."

"Oo nga.."

"Bye?"

"Tss. Oo na nga. Uuwi daw si Mama sa isang araw."

Bigla namang nanlaki ang mata ko. Sa isang araw kaagad?!

"Bakit naman biglaan?!"

Nagkibit balikat lang siya.

"Ethan, umamin ka. Anong sinabi mo kay Tita?!"

Bumuntong hininga siya.

"Fine. Sabi ko nakabuntis ako."

Lalo namang nanlaki ang mata ko.

"Ano?!"

Sumasakit ang puso ko sa taong to. Juskopo.

"Sinabi ko nakabuntis ako."

Inulit pa! Tanga!

"Napakasinungaling mo! Bakit mo sinabi yon?!"

Pilit kong hinihinaan ang boses ko para hindi kami madinig ni Tita sa loob kahit gustong gusto ko na talagang mabingi si Ethan.

"Eh kinukulit ako kung bakit ka umalis tapos ayaw naman umuwi para masabi ko. Ayoko namang ipakilala ang girlfriend ko ng hindi personal. Isa pa, kung ayaw mong magsinungaling, pwede naman nating totoohin."

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon