Epilogue

36 2 0
                                    

Dedicated to: pilosopotasya

Serra

There are two possible reasons why God gives us problems and challenges. Pwedeng para matuto tayo, o matuto sila satin.

Madaming taong natuto sa mga nangyari sakin. Pero sobrang thankful ako dahil madami din akong natutunan sa kanila at sa mga pagsubok na naranasan ko.

Natuto akong maging matapang, pahalagahan yung oras, pahalagahan yung freedom na sabihin yung totoong nararamdaman, at pahalagahan yung taong mahal ko.

I looked down as I see him graduate with his parents. Nagkabalikan na ang parents niya at okay na sila ni Tristan.

Yanna's studying and dreams to become a nurse.

Si Tristan and Stef? Inaasikaso na yung kasal nila.

Sofie's Mom's business grew. May restaurant na sila.

Jake is now in college. Nagtakeup siya ng ComEng.

Nililigawan na ni Red si Yanna. Nakakagulat nga eh. Parang kailan lang hindi pa sila magkakilala.

Ganun pa din si Mama. Busy na sa clothing line ngayon.

Napromote naman si Spirit. Manager na siya ng lahat ng tagasundo.

May asawa na si Rudolf. Finally! Nanganak na yung asawa niya ng tatlong puppies. Isang black, isang white at isang white and black polka na parang Dalmatian.

They all forgot who Angelica De Guzman is. Nakakalungkot. But it's easier this way. Wala akong idea kung ano ang mga nasa alaala nila. But Ethan always dreams of me kaya alam kong kahit sa panaginip lang, naaalala niya ako.

Ako? Ako na ang bagong ikatlong tagasundo. Medyo busy sa dami ng sinusundo. Minsan sa Korea, sa Saudi, sa Canada, London pero mas madalas ako sa Pilipinas.

Hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko na buhayin si Ethan. Marami pa siyang makikilala. It's up to him if he'll open up his heart.

I managed to unlock the chains of complications, problems, and fears I'm in. And so are you. Kaya mong makawala sa kadenang nakapulupot sayo. Just stop trying to wreck it yourself. You need help. You need someone to find the key for you. Or someone to help you find the key.

I glanced at him once again. He's happy. So I never had regrets.

Bumaba muna ako sa lupa bilang tao. Perks of being like us.

Napunta ako sa isang kalsada. I'm not familiar with it. Pero hayaan na. Maglalakad lang naman. I turned around to see and hear a car beeping.

Gosh! Masasagasaan nanaman ako!

I put on a bored face at hinayaan lang ang sasakyan na banggain ako. Hobby ko to. Minsan napapagalitan ako ni Spirit pero okay lang. Priceless naman yung mga mukha ng driver pagkanakikitang wala silang nasagasaan kundi hangin.

But the car stopped right in front of me. Bumaba yung driver at kinumpronta ako.

"What the heck! Are you trying to kill yourself? Pwede ba?! Pag gusto mo mamatay, wag ka mandamay!"

I kept quiet. Tinitigan ko lang siya.

Ang laki ng pinagbago niya..

"What?!"

"S-sorry."

I watched him as he walked back to his car.

Ethan..

Kahit pagkaalis ng sasakyan niya, nakatingin lang ako don. Until my phone beeped.

"Oh? Baket?"

Nakikita ko siya sa harap ko na parang hologram. Chillax chillax lang siya sa langit ah!

"Magkakaron ka daw ng special mission bilang tao. Ulit."

Wala namang bago don. Sa ilang taon ko na bilang tagasundo, laging may ganyan.

"Ah. Saan naman ngayon? Italy naman kamo!"

"Can't decide. Philipines lang din."

Tumango tango ako.

"Sino nanaman ang prospect?"

Hindi siya agad umimik.

"Anak, I'm just following orders.."

"Oo na. Oo na. With whom?"

"With Ethan.."

Oh God.

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon