Chapter 28

15 2 1
                                    

Ethan

"Yanna, natatandaan mo pa yung binili kong libro? Yung people with sudden existence?"

Nandito ako sa Book Cover ngayon. Hindi ko pa din naman tinitigilan ang pagiimbestiga sa pagkatao ni Angel. (Angel nalang! Ang haba ng angelica!) Hindi ko alam kung ano ba ang dapat imbestigahan pero pakiramdam ko, may dapat akong malaman.

"Ah. Oo. Bakit?"

"Totoo bang naranasan niya mismo ang mabuhay ulit?"

"Hmm. Hindi ako sigurado. Pero sa mga sinabi niya, oo siguro. Hindi naman tayo talaga magiging sigurado kung hindi tayo ang makakaranas di ba?"

Napatango tango ako.

"May connection ba kayo sa kanya? San ba siya makikita?"

"Teka lang. May file pa yata siya dito eh. Naging staff kaya dito yon dati! Kaya lang after maaksidente, pinublish yung book niya tapos hindi na bumalik. Yun ang sabi nila. Hanapin ko lang yung file."

Umalis na sa harap ko si Yanna. Naging staff pala namin yun? Grabe. Buti nalang mapapadali nalang yung paghahanap ko.

"Uhm. Sabi dito si Catherine Garcia ay nakatira sa may herp street. Tapos, currently, accountant siya sa isang kilalang bangko. Sa Tornare a Casa. She's already twenty seven? Tapos--"

"Just give me the data Yanna."

"Sabi ko nga. Oh ayan. Bakit ba kasi naging interesado ka bigla sa babaeng yan?"

"Dami mong tanong. Trabaho na!"

Inirapan ba naman ako. Boss pa din ako dito aba!

"Aalis na ko. Salamat."

"Oo na. Sige layas."

Lumabas na ko sa Book Cover at pumara ng jeep. Iniwan ko muna yung bike ko dun.

"Manong, sa Herp Street po."

Angelica

Nagbihis na ko pagkatapos kong maligo para mawala yung mga mixture na tinapon sakin ni Stef at nahiga sa kama. Bwisit.

Kinuha ko ang notebook ko at nagekis ng isa pang araw.

October 3 na.

Isang buwan at kalahati na ko dito. Apat at kalahating buwan pa.

At, oo. Tuloy ang misyon ko. Wala akong choice.

"Anong ayaw mo na?"

Umiiyak kong hinarap si Kuya Spirit.

"Ayoko na ng misyon. Ng wish. Na mabuhay ulit. Ayoko na ng lahat ng to. Masyado na kong nangingialam sa buhay nila. Masyado nang hindi kapanikapaniwala. Masyado nang madaming sikreto tsaka pagsisinungaling. Nahihirapan na ko. Ayoko na."

"Pero hindi pwede."

"Sabihin mo nga, pag ba hindi ko nagawa lahat ng to, anong mangyayari?! Mapupunta ko sa impyerno?! Ano ba kuya! Hindi niyo pinapaintindi! Ano bang espesyal sa kaluluwa ko?! Bakit ako pa? Ang unfair!"

Napabuntong hininga siya.

"Pag hindi mo nagawa ang misyon mabubura ang existence mo. Mawawala ka sa alaala ng lahat. Babaguhin ang naging ikot ng mundo. Makakalimutan ka ng lahat. Maiiba ang tadhana."

"Aaaaah! Kainis!"

Bumaba ako ng kwarto para kumuha ng makakain. Magsstress eating nalang ako.

"Oy angelica. Magluto ka naman."

Tinignan ko si sobo.

"Ano pong lulutuin?"

"Ikaw bahala. Gutom na ko. Gusto ko masarap."

"Magpadeliver nalang ho kayo. Hindi ho ako masarap magluto."

Nilabas ko na yung cookies ko sa ref at nagsimulang kumain

"Eh gusto ko nga ikaw ang magluto!"

Binitawan ko yung cookies ko at tumayo.

"Wag mo kong talikuran! Kinakausap pa kita!"

"Kukuha lang ho ako ng lulutuin."

Pagod na ko sa arguments. Bawal ba magkaron ng tahimik na buhay man lang?

"Tuturuan nalang kita para maging masarap. Ano bang lulutuin mo?"

"Magpeprepare nalang po ako ng graham cocktail."

Tutal yun naman ang hilig niya.

"Angelica."

"Po?"

Naglabas na ko ng graham, cocktail, condense, cream.

"May problema ka ba?"

Hindi ako nagsalita. Pagod na ko magpaliwanag kung bakit ako hindi okay pero pagod na din akong magsinungaling.

"Pasensya ka na sa inasal ko nitong mga nakaraan."

Tumigil ako sa ginagawa ko pero hindi ko siya tinignan.

"Naaalala ko kasi si Serra sayo. Yung batang yun, madaya kasi eh. Ang sabi niya babalikan niya kami sa Zambales. Hindi na bumalik. Sorry hija ah."

Nginitian ko si sobo. Sa kabila ng lahat ng kasinungalingan ko, nakikita pa din nila kung anong totoo.

"Okay lang po. Naiintindihan ko naman."

"You never hated me?"

Natawa ako sa tanong niya.

"I did. But I remembered, someone told me, 'don't hate anyone. They had their own hardships.' Pag kasi you hate someone, it means you're judging them dahil lang sa pakikitungo niya sayo. Not everything is as you see them. Di ba po?"

Tumango sakin si sobo. I just smiled again.

*~*~*~*~*~

As usual, nakahiga ako sa kama ko habang nakatingin ako sa ceiling. I'm not thinking of anything particular. Nakakabinging tunog lang ng wall clock dito sa kwarto ang nadidinig ko. Not until my phone buzzed.

Tinatamad akong sagutin kung sino man ang tumatawag pero no choice ako. Baka importante kaya naman bumangon na ko at kinuha ang phone ko sa study table.

Stefanie calling...

Oh my God.

"H-hello?"

Wala akong nadinig kundi singhot kaya naman naghello ulit ako. Baka napocket dial lang ako eh. Pero hindi naman pala dahil after ng ilang hello ay sumagot na din siya.

(Angelica..)

Nadinig ko ang pagpiyok ng boses niya. Umiiyak?

"Stef, okay ka lang ba?"

Lalo naman siyang napahagulgol.

"Hala! Uy. May nasabi ba akong mali? S-sorry."

(Sorry. K-kahapon. Sorry talaga. Nabigla lang ako.)

Hindi ako nakapagsalita. Bakit? Ano ba dapat ang sabihin ko? Na okay lang? Magsisinungaling nanaman ako ganon? Aba. Mahiya naman ako sa pagkaanghel ko.

(Ts-tsaka, ayoko na din ng binabanggit pa siya sakin, masakit pa din.)

"Nasaktan din siya Stef. Kung parehas kayong ganyan, walang mangyayari. Someone has to move. At alam ko din namang hindi gagawin ni Tristan yun dahil ikaw ang nangiwan. He doesn't know if you still want him or not."

Alam kong dapat hindi na ko nangingialam sa kanila pero kailangan din naman, and besides, they're both my friends. Di ba?

(Thank you Angelica.)

"You're welcome."

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon