Chapter 40

21 2 3
                                    

Ethan

It's been days. Simula nung malaman ko ang totoo. Ilang araw ko na ding sinusubukang umiwas dahil lang sa hindi ako makapagdesisyon ng maayos.

And I think now is the time.

Kailangan ko nang kausapin si Angel. I need to fix things up. Everything's still a mess in my mind. Hindi naman ako matatahimik kung hindi ko lilinawin lahat ng nalaman ko.

Bumangon ako sa higaan at hinanap si Angel. Kanina pa missing in action yun eh.

Hinanap ko siya sa buong bahay, tinanong ko na din si Aling Desa at Mang Roger. Pati nga si Lupen pero hindi daw nila napansin. Imposible namang naglayas yun kasi nandyan lahat ng gamit niya.

Nasa may dagat siguro. Nung nandito kasi si Serra dati, laging nandoon. Hindi mo maihiwalay sa dagat. Refreshing daw kasi.

Nakarating ako malapit sa dagat and I saw her..

With Red.

Nakahawak siya sa mukha ni Red habang nakangiti.

In just a snap para nang gumuho lahat. Bakit ba sila magkasama? Bakit ba close sila? Bakit ba sweet sila? Why is she holding him? Hindi ba pwedeng ako nalang yun?

Tumalikod na ko at naglakad palayo. Paano ko pa siya kakausapin kung wala nanaman pala kaming dapat ayusin?

Angelica

Bumalik na kami ni Red after namin makapagusap. Hindi ko alam kung tapos na yung misyon but I hope okay na.

Nung malapit na kami sa bahay nila sobo, nakadinig kami ng kumakanta.

~You gotta help me! I'm losing my miiiind! Keep getting the feeling you wanna leave this all behind. Thought we were going strong? Thought we were holding on aren't we?~

Teka. Si Ethan ba yon?! Bakit may videoke? Lasing ba siya?!

Nagkatinginan kami ni Red at agad agad pumunta sa may kubo.

Shemay! Si Ethan, pulang pula na! Siya nga yung kumakanta! Bakit naglalasing to?

~No, they don't teach you this in school! Now my heart's breaking and I don't know what to do. THOUGHT WE WERE GOING STRONG?! THOUGHT WE WERE HOLDING ON?! AREN'T WE?!~

Oh Lord. Hindi naman kasi to sanay maglasing eh! Ethan! Ethan! Ethan! Juskopong batang to!

"Anak! Angel! Ayaw magpaawat. Ito naman kasing sila Pangga inaya pa eh."

"Ga, gusto niya raw uminom. Kami ang inaya."

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ano ba kasing ginagawa ni Ethan sa sarili niya?

"Oh! ANGEL! Ang munting anghel. Hahaha! Hik. Bakit ka andito?! Dun ka na sa mapulang Pula! Hik."

Nakakafrustrate naman! Ugh!

"Aling Desa, nasaan po si sobo?"

"Eh uumagahin raw dahil sa amiga niya. Ibebenta na kasi yung isang kabayo. Yun ang bibili. Napahaba ang negosasyon. Bukas na lang raw siya uuwi."

Napapikit nalang ako. Naku po. Bahala na.

"~You and ME! Got a whole lot of history! Oooh! We can be the greatest team that the world has ever seen! You and--- Hoy! Kumakanta pa ko!"

Inagaw ko yung mic at tumingin kayla Mang Isko.

"Ako na pong bahala sa kanya."

"Sigurado ka ba hija? Mukhang malala eh."

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon