Chapter 49

12 2 0
                                    

Ethan

Dali dali akong nagbike pauwi nung matanggap ko yung tawag ni Mama. Tsk. Hindi na ba kasi uso ngayon ang pagpapasundo sa airport?! Alam ko namang ngayon ang uwi niya pero akala ko mamayang gabi pa!

Pagkadating ko sa bakuran, hinayaan ko na yung bike sa gilid at dumiretso sa loob.

"Ma."

Bati ko pagkakita ko sa kanya.

"Welcome hug?"

Akma niya kong yayakapin pero umiwas ako.

"Ma! Hindi na ko bata."

"But I'm still your Mom."

Bumuntong hininga ako at nagmano nalang sa kanya. Napagod ako sa pagbabike. Kauhaw.

Pumasok na ko sa loob at kumuha ng baso. Inilapag naman ni Mama yung shoulder bag niya sa sofa at iginilid yung maleta niya. Hindi ko alam kung gano siya katagal dito pero base sa maleta niya, mga isang buwan pa siya dito. Ayaw niya pa kasi magpaAmerican Citizen tutal mas lamang naman yung times na nandun siya kesa pag nandito siya.

"So, it's true that Angel isn't here anymore. Any stories there?"

Sumalampak siya sa sofa at nagtanggal ng sapatos. Inilapag ko yung tubig sa sink at tumayo sa gilid niya.

"Ma, wala ka man lang bang jetlag?"

"Anak, I've been travelling back and forth, to and from different countries. Sanay na ako sa jetlag. It's bearable."

"She'll come over dinner, can't you wait?"

Sabi ko habang paakyat na.

"Fine. Magpapareserve ako sa resto."

Nilingon ko siya at tumigil sa pagakyat.

"Saang restaurant po?"

"Inside the mall lang anak. Sisyo Tabeta-i. Masarap doon."

Nangunot ang noo ko. Di ba, dun din kami kumain ni Papa?

--

"Ethan kasi! Tulong naman!"

Humiga ako sa kama niya at patuloy lang na tumingin ng mga pwedeng i-download na kanta. This past few days kasi, soundtrip ang ginagawa ko pag nakaboring.

"Dinner lang naman yun at hindi naman ganun kamahal sa restaurant na pupuntahan natin. Wear something you're comfortable with."

Lumingon siya sakin. Mukhang frustrated na frustrated na talaga siya. Girls will be girls.

"Gusto ko lang naman maging maayos sa paningin ni tita! Pakiramdam ko ang panget na ng laman ng closet ko."

"Angel, hindi naman kayo first time na magkikita. I want to introduce you as a sign of respect hindi dahil sa gusto kitang gawing trophy girlfriend sa mama ko. Besides, anything would be nice."

Umupo ako sa kama at binitawan ang phone ko. Mukha kasing hindi pa din siya kuntento dun sa sinabi ko kaya niyakap ko siya patagilid.

"Wear your fuchsia dress and fuchsia flats. Leave your hair hanging. Kahit magpulbos ka nalang. Mas okay sayo yung simple eh."

She stood up at pumasok sa walk in closet niya.

Hindi pa din ako sanay na kami na. Hindi ko din naman alam kung dapat ko bang sanayin yung sarili ko o hindi eh.

*phoneringing*

Kinuha ko yung phone ko at sinagot yung tawag.

"Hello?"

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon