Chapter 17

17 5 0
                                    

Ethan

Wala talaga akong magawa at nabobore na din ako sa pinapanuod ko kaya pumunta muna ako ng Book Cover.

Naglakad nalang ako kasi, wala na naman akong bisikleta dahil don sa Angelica na yon. Damn. Should've buy one. ASAP.

Paliko na ako sa kanto namin nang may makabangga ako.

"Ay sorry boss."

Tinitigan ko lang siya dahil pamilyar talaga ang mukha niya. Specifically yung mata niya.

"Bakit naman ganyan ka makatitig?"

Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at tinanguan lang siya. Napailing nalang ako. Masyado lang akong bored kung anoanong naiisip ko.

"Boss, alam mo dapat lumalayo ka na kay Angelica. Nahihirapan na siya sa ugali mo. Gusto na din niyang umalis sa inyo kaso binilinan siya ng Mama mo. Aalis na din yon pag balik ng mama mo."

Lumingon ako sa likod ko pero wala nang tao. Luminga linga pa ako pero wala din. Binilinan ni Mama si Angelica? May kakilala naman pala siya dito eh. Ang sabi niya, wala. O baka naman weirdo lang din yung lalaki kanina? Nung nakilala ko si Angelica ang daming kilabot na nangyayari sakin. Malas na ata yung babaeng yun eh.

*~*~*~*~*

"Good afternoon sir. Welcome to book cover."

Tinignan ko lang yung naggreet atsaka lumakad ulit. Pupunta sana ako sa cloak pop fiction section nang may nahagip ang mata ko.

'People with Sudden Existence'

Hindi ko alam pero si Angelica talaga ang pumasok sa isip ko nung makita ko yun.

She popped out of no where. She doesn't have a single relative. Ni hindi nga siya nagaaral. And she's really weird. Hindi ko talaga siya naiintindihan kadalasan. She's the person with sudden existence.

Without second thoughts, dinampot ko yung libro at dumiretso sa counter. Umuwi na din ako. Pakiramdam ko lahat ng tanong ko sa babaeng yun masasagot na.

Angelica

Habang nagdadrive si Tristan, hindi ko na siya kinulit kung san kami pupunta. Inayos ko nalang din ang phone ko. Sinetup ko na. May earphones, connector at memory card na pala dito. May mga nakadownload na din na apps at songs. May pocket WiFi pa. Syempre pati charger at powerbank.

"Tristan, malayo pa ba tayo?"

Tumango siya sakin. Kanina pa yan ganyan. Hindi nagsasalita. Nakakatakot na nga eh.

~I'm gonna pick up the pieces and build a lego house. When things go wrong we could knock it down. My three words have two meanings. But there's one thing on my mind, it's all for you. Hmm.~

Nagpatugtog nalang ako tutal malayo pa naman daw. Alangan namang nakatunganga lang ako dito. Sayang ang oras.

Lalo na, yung oras ko, bilang lang.

~And it's dark in a cold December, but I got you to keep me warm. If you're broken I will mend you and I'll keep you sheltered from the storm that's raging on now.~

~I'm out of touch, I'm out of love, I'll pick you up when you're getting down and out of all the things I've done, I think I love you better now~

~I'm out of sight, I'm out of love, I'll do it all for you in time. Out of all the things I've done, I think I love you better now. Uhh..~

"Nandito na tayo."

Tumingin ako kay Tristan. Akala ko ba malayo pa? Nagayos na ako ng sarili at bumaba. Tumingin ako sa paligid pagkatapos tumingin ako ulit kay Tristan.

"Wala naman akong sinabing buhay pa ang bibisitahin natin."

Naglakad na siya pagkatapos niyang sabihin yon. Nandito kami ngayon sa sementeryo. Bigla tuloy akong nagkagoose bumps. Sumunod ako kay Tristan. Kumapit pa ako sa dulo ng damit niya dahil ayokong mawala. Nakakatakot kaya. Akalain mo yun, natakot pa ako eh halos kauri ko ang mga nakalibing dito.

Huminto siya sa isang museleo. Tinitignan ko lang siya dahil hindi ko naman alam ang gagawin. Nung namatay naman kasi si Papa, walang burol at libing. Basta sabi ni Mama, wala na daw si Papa. Ang pamilya niya na daw ang bahala sa burol at libing dahil galit kay Mama ang angkan nila. Kaya ni minsan, hindi ko nakita ang mga kamaganak ko sa side ni Papa. Inaasar nga ako minsan na anak daw ako sa labas. Pero alam kong hindi dahil may picture ng kasal si Mama at Papa. Sa simbahan pa nga.

Pumasok na si Tristan kaya sumunod ako. Umupo siya kaya umupo din ako.

"Mama, si Angelica po, kaibigan ko. Angelica, meet my Mom."

"Uh. Hi po."

"Sorry Ma wala akong dalang bulaklak at kandila ha? Biglaan lang eh. Happy Death anniversary nalang po. Pinapasabi din po ni Papa."

The whole time nakatingin lang ako kay Tristan. Hindi ako umiimik. Alam kong kanina pa siya nagpipigil ng iyak. Siguro, ganyan din si Ethan nang mawala ako. Baka worse pa.

"Ma, okay ka lang ba diyan? Ako okay lang ako dito. Si Papa, naglasing nanaman. Buti kasama niya si Tito Bernard. Pasaway si Papa eh. Bakit kasi hindi niyo na siya sinasaway? Bakit ba kasi ganun Ma? Hindi ba pwedeng, magreincarnate ka nalang? Ang daya naman."

"Angelica, ikaw ba, naniniwala ka sa reincarnation?"

Tumango ako. Alam kong hindi naniniwala ang karamihan sa reincarnation. Pero umaasa akong totoo yun. Sana.. totoo yun.

"Alam mo, nung namatay si Mama, lumipat kami ng Bulacan. Taga dito kasi kami sa Maynila dati."

Nasa Maynila na pala kami. Dito ko pangarap tumira eh. Maraming tao. Maraming mall. Masaya raw. Malapit lang naman ang Bulacan sa Maynila pero ilang beses lang ako nakapunta dito dahil sa lagi akong nasa ospital.

"Nagpakamatay si Mama dahil kay Papa. Lagi nalang kasi siyang nasa trabaho. Hindi niya alam na tuwing naiiwan si Mama sa bahay, pinapahirapan ni Lola si Mama. Ayaw niya kasi samin. Nastress na si Mama kaya hindi niya kinaya. Ako ang nakakita sa kanya. Sinadya niyang maoverdose sa sleeping pills. Sinugod pa namin siya sa ospital pero wala na. Siguro, nakadagdag din sa problema niya yung pagkamatay ni ate. Pero ang alam ko, nung mamatay si ate, dun nagsimulang magalit si lola."

Hinagod ko ang likod ni Tristan. Umiiyak na siya. Hindi ko naman alam na ganun pala ang nangyari. Si Spirit hindi man lang ako inorient.

"Ilang beses nagsorry si Papa sa akin dahil nalaman niya ang dahilan gawa ng sulat ni Mama bago siya mamatay. Alam ko ding nawalan din siya. Nasaktan din naman siya pero kahit gustuhin ko siyang patawarin hindi ko kaya. Maglolokohan lang kami pag sinabi kong napatawad ko na siya. Nagsorry nga siya pero hindi niya isinuko ang kalulungan niya sa business. Hindi na siya nadala."

Ilang oras pa kaming nagstay don bago kami umuwi. Nakakahiya nga dahil hindi man lang ako nakapagsabi ng comforting words. Yun pa man din ang trabaho ko. Mapapagalitan nanaman ako ni espiritu. Hinatid ako ni Tristan hanggang gate namin. Mugto pa nga ang mata niya kaya alam kong ayaw niyang magpakita kay Ethan. Alam niyo naman ang mga lalaki, pakiramdam nila kabawasan pag nakita silang umiiyak.

"Salamat sa oras Angelica. Nakita mo pa akong ngumangawa. Pasensya na."

"Ako nga ang nahihiya dahil hindi kita macomfort. Pasensya na din."

"Makikinig lang naman ang kailangan ko. Hindi yung magcocomfort. Sige. Mauna na ko. Kitakits nalang kung kelan."

Nagwave na ko sa kanya.

"Sige. Babay. Salamat sa pagsama sa pagbili ng phone. Ingat."

Sumakay na siya ng kotse niya at umalis. Pumasok na ako ng gate. Bukas pa ang ilaw sa sala. Gising pa si Ethan? Alas dyis na yata eh.

Pumasok na ako sa loob. Wala namang tao.

"Anghel ka pala?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Alam ko kung kaninong boses yun. Paano niya nalaman?

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon