Chapter 45

15 2 0
                                    

Angelica

"Sure ka ba hija, okay ka lang diyan?"

Tumango ako.

"Opo. Salamat po talaga Ma-- Ma'am."

"Tita. Tita nalang ang itawag mo sakin. Buti nalang may makakasama na ko ngayon! Si Jake laging pumupunta doon sa bahay ng bestfriend niya na ayaw ipakilala sa akin! Feeling niya yata. Bahay niya yon. Doon pa madalas makitulog. Simula talaga nung mawala ate niyan, pati ako kinalimutan. Ay teka! Ang daldal ko pala. Pasensya na hija. Ngayon lang ako nakipagusap ng matino. Halika. Baba ka muna. Nagluto ako ng adobo tapos gumawa din ako ng salad! Tikman mo kung masarap."

"Sige po tita.. susunod po ako."

"Sige. Bilisan mo ha. Baka lumamig. Bawal pinaghihintay ang grasya."

Lumabas na si Mama at sinara yung pinto. Nilibot ko ng tingin ang kwarto ko. Nandun pa din yung mga libro ko sa shelf. Yung study table ko. Yung kama. Pati yung walk in closet tsaka mga damit nandito pa. Sabi nga ni Mama pwede ko daw gamitin yung mga sapatos at damit ni Serra na damit ko din. Hay! Ang gulo. Magkasize naman daw kami. Hindi ko na din alam kung dapat ba na mama pa din ang tawag ko sa kanya. Dapat siguro tita na para masanay ako. Nahagip ng tingin ko yung Panda collection ko. Tumakbo ako agad dun at niyakap si Choppie, yung pangalan ng pinakamalaking stuff toy na panda na regalo sakin ni Mama nung 13th birthday ko kasama nung shoes collection. Namiss ko talaga dito!

Binaba ko na yung shoulder bag ko. Mamaya na siguro ako magaayos ayos. Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si Ethan.

To Ethanpot:

Nandito na ko kayla TITA Leila. Salamat ulit. Kita tayo bukas. Iloveyou.

Sabi niya kasi, susunduin niya daw ako sa book cover. Tinanong niya nga ako kung gusto ko daw bang magenroll. Syempre gusto ko pero para saan pa? Kukulangin ako ng oras sa misyon at hindi ko rin naman magagamit yung pinagaralan ko.

Tumingin ako sa full body mirror at napahawak sa kwintas ko. Namimiss ko na si Spirit.

*phonebuzz*

From Ethanpot:

Sige. See you. Miss na kita. Iloveyoutoo.

To Ethanpot:

Mamaya nalang. Kakain na muna ko. Bye!

Bumaba na ko para kumain at tinulungan si Tita na maghanda ng lamesa.

"Hija, ako na diyan. Maupo ka nalang."

"Tita, okay lang po. Gusto ko nga po sanang tumulong magluto pero mukhang mas magaling naman kayo sa akin."

Ngumiti si tita sa akin habang nagsasandok ng adobo.

"Ganun? Sige. Tuturuan kita bukas."

Nagliwanag naman ang mukha ko.

"Talaga po?! Salamat po! Susubukan ko pong ayusin."

"Wala yon. Tingnan mo nga sa labas hija. Baka nandyan na si Jake."

Agad naman akong lumabas at nakita ang kapatid ko na nakabike.

"Hi ate Angel! Nakalipat ka na?"

Tumango ako.

"Kani kanina lang. Hinatid ako ni Ethan. Hinahanap ka nga eh. Kaso wala ka naman. Nagrereklamo nga sakin si tita. Parati mo raw siyang iniiwan!"

Tumawa lang siya.

"Si Mama talaga. MA! Nandito na ko!"

"Talaga?! Buti umuwi ka?"

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon