Chapter 53

32 2 0
                                    

Dedicated to: jonaxx

Angelica

Pumunta ulit ako sa karinderya nila ngayong araw.

Karinderiya ng Mama ni Sofie. Tatlong oras ang biyahe papunta dito pero sulit naman. Huling araw ko na bukas pero hindi pa din siya nagpaparamdam. Nagbuntong hininga ako. Ang hirap. Araw araw akong naninibago kasi wala ng Ethan na manggugulo. Wala ng magtetext ng kung ano ano. Wala na lahat ng magic. Ng spark. Tumingin ulit ako sa nanay ni Sofie na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang pangalan. Mukhang okay naman ang pamilya niya. May kabuhayan. Nagaaral ang mga kapatid niya at masaya ang nanay niya.

Tumayo ako at nagiwan ng five hundred sa ilalim ng plato ko.

Pagkauwi ko ng bahay, humiga agad ako sa kama. Nagresign na din ako sa BC. Ang saya ng mga huling araw ko. Shems.

Naligo ako after kong matulog at dumiretso sa park kasama si Rudolf. Umupo ako sa bench at niyakap siya.

"Buti ka pa, nandyan ka lang."

Hinimas himas ko ang balahibo niya.

"Aalis na ko."

Tumingin ako sa kanya pero wala siyang reaksyon.

"Mamimiss kita."

He remained silent. Tss. Magulat nalang ako kung magsalita siya di ba?

After some more walks, umuwi na din ako. nakasalubong ko si Ethan but he ignored me. Ano ba talagang kasalanan ko?!

"Tita, bless po."

Nilahad naman ni Mama ang kamay niya at nagmano ako.

"Oo nga pala Hija, galing dito si Ethan."

Ah. Kaya pala nakasalubong ko siya kanina.

"At pinabibigay niya to sayo."

Nagabot sakin si Mama ng isang sobreng kulay blue. Letter?

"May iba pa po ba siyang sinabi?"

Umiling siya.

"Wala na. Umalis din agad eh. Nagmamadali."

Tumango tango ako at umakyat na. Nagshower muna ako dahil tagaktak talaga ang pawis ko. After nun, nagbukas lang ako ng account kaso naboring din kaya naghanap ng librong babasahin.

Tapos ko na yung mga libro ko. Wala akong magawa. Boriiiiiiiiiing.

Natulog nalang ako at paggising ko ay bumungad sakin ang mukha ni Spirit. Napabalikwas tuloy ako ng kama.

"Ano ba! Kagulat na to. Natutulog eh."

Dinuro niya naman ako.

"Hoy! Tatay mo ko! Walang galang na to."

Inirapan ko siya. Kahit naman nalaman naming magama kami, walang nagbago. Parang tropa tropa lang.

"Oo na. Oo na. Anong kailangan niyo?"

"Wala. Gusto ko lang makita yung baby girl ko."

I put on a disgusted face.

"Yuck. Anong baby girl? You want me to throw up?"

"Bakit naman sa mga drama pagbaby girl ang tawag ng tatay sa anak niya, ang cute. Hindi yuck!"

"Eh nung ikaw na ang tumawag, kadiri na."

Bigla niya naman akong inakbayan kaya muntik na ko matumba.

"Ang sama mo sa tatay mo."

"Ang sama mo sa anak mo."

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon