Chapter 2

79 6 1
                                    

Dedicated to: hidden_mystica

Serra

"Hindi. Hindi! Hindi pa patay ang anak ko. Bawiin mo ang sinabi mo.."

Nanlumo ako sa nadinig ko. Akala ko handa na ako pag nangyari ito. Pero handa man o hindi, walang nabawas sa sakit. Nakita kong tumayo si Ethan at pinagsusuntok ang pader. Napatakip ako ng bibig ko.

Nasasaktan si Ethan. Nasasaktan si Mama. Nasasaktan kaming tatlo.

"Tiktok. Tiktok. Your time is running. May hinahabol tayong biyahe. Shall we go? Shall we go?"

Bigla nalang may sumulpot na lalaki sa tabi ko. Nakaitim na pantalon, itim na tshirt, itim na leather jacket at itim na tsinelas. Wow. Pormado pero itim na tsinelas?

"Kinumpiska ni San Pedro ang sapatos ko dahil may muntik nang makatakas na pasaway na kaluluwa dahil nadapa ako nung matapakan ko yung sintas."

"Mind reader ka?"

"Nope."

Oh my. Siya ba si kamatayan?! Sinusundo niya na ako?! Ang pogi pala ni kamatayan. Akala ko kasi wala siyang mukha at itim lang talaga siya. Pogi pala niya.

"Hindi kamatayan ang tawag sa akin. Ako si Spirit. Ang pangatlong taga sundo. Pwede ba bilisan mo na dyan? Kasi yung nakaschedule na bus sa atin naghihintay eh."

Wow. Mind reader talaga siya. Teka...siya ang taga sundo? Edi.. susunduin niya na ko? Pupunta na kami sa heaven?

Napatingin ako kayla mama at Ethan. Nandun na din si Yana.. at past classmates ko. Hindi ko pa yata sila kayang iwan.

"Kuya Spirit, pwede bang idelay nalang? Pakisabi naman kay Bro paki extend ang life ko."

"Tsk. Tsk. Yan naman lagi ang hiling ng mga tao lalo na yung mga batang katulad mo eh."

"Grabe ka makabata ha! Ilang taon ka na ba?!"

"Ewan ko. Hindi ko binibilang."

Inirapan ko nalang siya. Buwisit. Hindi ko naman alam na magulo kausap ang tagasundong ito.

"Tara na. Isang minuto nalang ay aalis na ang bus. Yang mga kaibigan mo o kamaganak na yan, magiging okay lang sila. Masasanay din silang wala ka."

Masasanay silang wala ako? Ayokong mangyari yun.

Si Papa kaya... makikita ko sa Heaven?

"Kuya Spirit, si papa ba nasa heaven?"

Tinaasan niya naman ako ng kilay. Oh men. Ganito ba talaga ang mga tagasundo?

"Ano bang pangalan ng tatay mo?"

"Adrian De Jesus."

Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang nagulat si Kuya Spirit nung madinig niya ang pangalan ng tatay ko. Natigilan yata.

"Bakit Kuya? Kilala mo si Papa?"

Umiling naman siya.

"Ewan. Para kasing pamilyar. Tignan natin kung nasa heaven ang papa mo."

Nakita ko namang iniswipe niya yung kamay niya sa harapan namin at may lumabas na mga pangalan. Sinearch niya yung pangalan.

"Wala dito yung pangalan niya Serra."

Kung ganon.. nasa impyerno ba si Papa? Hindi. Imposible.

"Mabuti siyang tao. MakaDiyos. Mabuting ama. Mabuting asawa. Hindi siya pwedeng mapunta sa impyerno."

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon