Chapter 23

15 3 0
                                    

Angelica

Pagdating ko ng bahay, wala naman akong nakitang naghihintay na Ethan kaya naman dumiretso na ko sa kwarto ko. Magiging okay din ang lahat.

Magiging okay naman talaga lahat di ba?

I just can't help but think. Ano na ba tong mga nangyayari? Ethan was my enemy back then. One afternoon changed it. Lagi niya kasing sinasarili ang problema niya. Kaya I let him know that I'm here. Kahit naman ang sama ng ugali niyan, hindi yun sapat na dahilan para hindi siya tulungan. Sabi nga ni Shiloah Suarez, (if you didn't know him, read Just The Benefits by Beeyotch) life's too short to be mean to anyone. We became bestfriends. Until his confession tapos nagkaproblema pa kami sa label ng relationship tapos naging kami. And then all of a sudden, Leukemia came. I died, tapos eto ako ngayon, nabuhay ulit for a mission, para mapasaya yung mga naiwanan. Ang sarap irapan ng mundo. Bakit ba sa lahat ng pwede kong kapadpadan ay dito pa sa lugar ni Ethan. Sabi pa nga ni Spirit, if possible wag na muna akong umalis dito. Hindi ko siya natanong kung bakit.

I was staring blankly at my room's ceiling nung nadinig kong bumukas ang gate. Oh my Bro. Ethan's home. Nagbun ako sandali dahil naiinitan na ako atsaka siya sinalubong sa baba.

My jaw dropped. Hindi lang siya ang nasa baba. Kaya ba siya umalis para sunduin siya? Matagal tagal din nung huli ko siyang makita ah? Napatingin siya sakin.

Sobo..

(Sobo is the japanese term for grandma.)

"Ethan, sino to? Katulong niyo?"

Namuo bigla ang inis ko. Kahit kelan talaga napakamaldita nito. Kay tanda tanda na pumapatol pa sa bata. Nasampal ako niyan dati naku! Ayaw kasi niya sakin dahil highschool palang daw kami ni Ethan ay naglalandi na kami. Pero naging mabait din yan sakin. Dami ko ba namang talsik ng mantika, tusok ng karayom at putik na napala sa kanya eh.

Napakamot ng batok si Ethan. Nakalimutan niya sigurong sabihing may tenant sila sa bahay. Pagdating sakin kinakalimutan.

"She lives with me."

Nanlaki naman mata ko sa sinabi ni Ethan. Anong she lives with me?! Oo nga, literal, ganun. Pero iba yata ang dating ng pagkakasabi niya. Pati si sobo nanlaki ang mata. Napansin yata ni Ethan kaya nilinaw niya kaagad.

"No. I didn't mean it that way. Ano kasi.. she saved me? Partly. Tapos wala siyang matirhan. We let her in."

Para namang labag sa loob niyang sabihing niligtas ko siya? May partly pa siyang nalalaman diyan. Ayan. Tinaasan na ko ng kilay nung matanda.

Pero imbis na mainis, napangiti ako. Ganyang ganyan din sakin si Sobo dati. Akala mo nga napakaperpekto niyan kasi napaka OC niya talaga. Pero nung nakita ko siyang umiiyak, we became friends. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan mamatay muna ako before ko gawin yung misyon. Kahit naman nung buhay pa ko, I used to comfort people. I used to cry with them. I used to offer sympathy. Hindi pa din pala sapat yon.

"Ah. Inampon niyo ni Marga?"

Osige lang. Magsungit ka.

"Hindi naman sa ganun sobo. May utang na loob ako sa kanyang malaki kaya parang binabalik lang namin, isa pa, gumagastos din siya para sa bahay, pagkain at iba pa."

Nagiba yata ang ihip ng utot ni Ethan at biglang bumait. Hayaan na nga. Nakakatuwa naman eh.

Itutuloy ko na sana ang naudlot kong pagmamano nung itaas niya ang kamay niya. Sign na huwag na kong magmano. Tatanda daw kasi siya.

"Konnichiwa. Najimemashite." (Japanese term for: Hello. Nice to meet you)

Nginitian ko siya at nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha niya. Kahinaan niya talaga ang mga marunong magjapanese. At mahilig sa japanese. Lahat ng may koneksyon sa japan. Pati yata si Ethan ay nagulat sakin.

"Marunong kang magjapanese?"

"I i-e. Konti lang po." (I i-e ~ No.)

She nodded. Oh ano. Tameme ka ngayon.

"Angelica, kumain ka na ba ng dinner?"

Umiling ako.

"Hinihintay kaya kita sabi mo kasi---"

Tinakpan niya yung bibig ko kaya di ko natuloy ang sinasabi ko. Problema nito?! Ayaw niya bang malaman ni sobo na sinabihan niya ako ng lagi niya akong hinihintay at gusto niya sabay kami kumakain? Anong masama doon?

"Ganun ba? Sige halika na. Tulungan mo kong ihain tong dala namin."

Nginitian niya pa si sobo bago niya ako hilahin sa kusina. Pagdating doon ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Ganyan ka makatingin?"

"Bakit mo ba ko kinaladkad dito? Tapos tinakpan mo pa yung bibig ko? Yuck. Ang asim ng kamay mo."

"Dami mong sinasabi, ihain mo na to."

"Anong ihain ko na to? Sabi mo tulungan tayo!"

"Kanina yun. Dahil maingay ka, maghain ka magisa."

Dinilaan pa ko ng isang to. Kelan pa siya naging childish ulit? Parang nung nakaraan lang snob siya ah. Hinanda ko na yung mga plato sa lamesa. Wala naman akong magagawa. Ayoko munang makipagbangayan sa kanya.

"Hindi mo ba pupuntahan man lang si Tristan?"

Natanong ko lang out of the blue. Ang tahimik kasi. Magkaibigan naman sila di ba? Kahit parang hindi..

"Bakit ko naman siya pupuntahan? Birthday niya ba?"

"Hindi. Yung papa niya naaksidente! Kamustahin mo man lang!"

Natigilan si Ethan. Sandali pa siyang nagisip pero umiling din siya.

"Kakamustahin ko siya pag nagkita kami. Pero hindi ko na gustong pakialaman kung sakaling naaksidente yung papa niya."

I just shrugged. Ang sama niya talaga. Pano ba natatagalan ni Tristan maging kaibigan yan?

Nung matapos akong maghain ay tinawag niya na si sobo para sumabay na din samin. Hindi ko nga alam at parang nagmamaasim pa din siya.

"Lola, gamit nga po pala ni Angelica yung kwarto niyo kaya tabi muna po kayo matutulog.."

Nanlaki naman ang mata ko. Kami ni sobo?! Aba't gusto niya yatang sumabog ang bulkan. Sinamaan ko ng tingin si Ethan na nagpipigil ng tawa.

"Hindi pwede. Ayokong may katabi sa kama."

Sus. Kung makatanggi naman akala mo more than honored akong makatabi siya. Pero wala naman akong angal sa pagtanggi niya kaya push lang.

"Eh san po matutulog si Angelica?"

Sumubo muna siya ng hiwa ng steak bago sumagot.

"Bawal ba siya sa labas?"

Alam niyo yung nakakainis na siya pero hindi yata siya aware? Kung sabunutan ko kaya to para malaman niyang umuusok na yung butas ng pwet ko sa kanya? Para ipaalala ko lang ha, hindi pa ko anghel, malapit palang!

"Sobo naman.."

Hindi nalang ako umimik. Hindi ko naman bahay to. Bahala silang magdesisyon.

"Kung ayaw mo pwede naman siyang sa kwarto mo matulog."

Tumayo na si sobo at nilagay sa harap ko yung pinagkainan niya.

"Hija, pakihugasan ha?"

Nginitian pa ako bago siya umakyat. Titirik na yata ang mata ko sa inis. Pagkaalis ni tandang sobo, tinignan ko si Ethan ng matalim.

"What? It isn't my fault!"

"Wala naman akong sinasabi."

"Your looks could speak if you do not know. I'm done here. Iwan mo na yang plato. Wag mo na siyang patulan. Now, it's up to you kung sa labas mo trip matulog o sa kwarto ko."

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon