Chapter 24

15 3 0
                                    

Ethan

Nauna nang umakyat si Angelica kesa sakin. Hindi ko lang alam kung saan ang adventure niya sa taas, in my room, to my grandma's room o sa rooftop.

Habang nagliligpit ako ng kinainan namin, naisip ko yung sinabi ni Angelica.

Yung papa ni Tristan, naaksidente.

Mapahilamos ako ng mukha. Damn. Dapat ba pumunta ako dun? Okay na naman siguro kahit wag na.. tutal siya naman ang unang nawala samin. Kahit naman siguro hindi ko na bisitahin yung tatay ko, okay lang.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. You read it right. Tristan's father is also my father. Si Tristan yung legal, ako yung bastardo. Hindi naman kasi alam ni Mama na may pamilya yung lalaking yon kaya pinatulan niya. Tristan understands. Kaya nga medyo nagiguilty ako kasi behind my coldness, I'm still his older brother. Kailangan panindigan ko yon. Pero hindi eh, I'm too busy hating my father. My mom was a total wreck when she found out about my father's real family na dahilan kung bakit may anak na sila ay hindi pa siya pinapaksalan ng magaling na lalaking yun. Lalo na nung nalaman niyang namatay ang panganay na anak ng papa ni Tristan at sumunod namang nagpakamatay ang Mama niya. My mom almost went to a rehab being all depressed. And why was I even talking about this? Ayoko nang pagusapan to.

Bumuntong hininga ulit ako. Maybe I should visit him. But I don't want him to see me. Pwede naman siguro yun no?

Umakyat na ko after kong maghugas ng plato. I grabbed my phone on the way up and started calling Tristan. Dalawang ring palang ay sinagot niya na kaya tumigil muna ko halfway ng hagdan.

(Hello?)

"Hey."

Pumikit ako ng madiin at sa hindi ko na mabilang na beses ay nagpakawala ulit ako ng buntong hininga.

(Ethan. Bat ka napatawag?)

Hindi ako nagsalita. Hindi dahil sa ayaw ko pero dahil hindi ko alam ang sasabihin. Mangangamusta ba ko o direct to the point kaagad?

(Oh. Guess you've heard it from Angelica.)

Napakamot ako ng batok ko. Buti naman hindi na ko pinahirapan ni Tristan magopening remarks. I nodded my head, knowing he can't see me.

"Yeah. How was.. he?"

I didn't mean to spit that out with distate but I guess sometimes things happen when you don't mean them.

(Gumising na siya. Wag ka nang magalala.)

"Hindi ako nagaalala."

(C'mon Ethan. I know you are.)

"I don't have time to talk to you. I'll drop by there tomorrow."

I pressed the forbidden red button and ended the call.

Hindi ako magaling maghandle ng mga problema. Madalas hindi ako mapakali o kaya naman masyado akong nagiging gago. Pero hindi ko naman napipigilan. That's me.

Tinuloy ko na ang pagakyat ko at dumiretso sa kwarto. I opened the door and saw a girl lying in my bed in her pjs. Then realization hit me.

I'm going to sleep with Angelica for a week.

Angelica

Kanina pa ko hindi mapakali dito sa kama ni Ethan. Bumalikwas na ko sa kaliwa, sa kanan, sa harap. Dumapa na ko. Sumayaw pa nga ako at nagrunning man pero wala talaga. Hindi ako dinadalaw ni Antok.

I was still trying to call sleepiness when the door opened. Iniluwa naman nun ang isang Ethan. Mukha siyang.. ewan. His eyes were half closed, his hair was a mess (more than a mess, actually), he wears a big frown that shouted BAD AURA all over.

Umupo ako sa gilid ng kama at tumingin sa kanya. Hinihintay kung ano ba ang gagawin niya. Tinatamad lang siyang tumingin sakin at bumaling sa drawer niya. Dumiretso siya dun at naghubad ng--- Oh my god.

"BAKIT KA NAGHUHUBAAAAD?!"

Wala akong paki kung madinig ako ni sobo sa kabilang kwarto. All I want is to bring his shirt back. Bakit ba kasi siya naglalive show sa harap ko?!

"And now you're complaining? If the walls could speak, they'll tell you to stop putting that act because you actually saw all of this. But because they can't, I'd be the one to tell you. So don't over react there."

YOU ACTUALLY SAW ALL OF THIS.

Naramdaman kong umakyat ang dugo papunta sa pisngi ko. Kasabay ng paglaki ng mata ko at paglipat ng kamay ko sa bibig ko. Nakita ko na lahat.. memories of him taking a bath came rushing on my mind. Mas lalo akong pinamulahan ng mukha, kung posible pang pumula pa ko. Bakit ko ba kasi ginawa yon dati?!

"Oh. You really shut your mouth now? Cat got that talkative tongue of you?"

Kahit namumula ako at gusto kong magpakain sa lupa sa hiya, pinili kong wag nalang siyang pansinin. Humiga ulit ako at sinubukang matulog. Pero mukhang imposible na yatang makatulog pa ako.

Humiga si Ethan sa tabi ko na boxers at (thankfully) tshirt ang suot. Pilit niya kong sinisiksik dito sa gilid ng kama niya kaya wala akong magawa kundi umisod. Kung pwede lang sanang batukan siya pero ayoko naman dahil kama niya naman to. Nung nasa gilid na talaga ako ng kama at konti nalang ay malalag na ako ay pinatong niya ang binti at braso niya sakin. Great. Just great. Inangat ko yun at inalis ng dahan dahan para hindi siya magising pero binalik niya lang ulit at mas siniksik pa ako. At dahil nga wala na talaga akong space, as everybody expected, nahulog ako sa kama. Umungol ako sa sakit ng pwet ko. Nadinig kong nagpipigil ng tawa si Ethan. Gising pala siya. Hmp. Tumayo ako kahit mahirap. (Dahil nga masakit ang pwet ko) Tinignan ko pa ulit si Ethan bago ako lumabas ng kwarto. I guess I'm left with 2 choices. To sleep at the sofa or to sleep with sobo.

So I guess you know me well to know what I'll choose.

Dumiretso ako pababa ng sofa pagkatapos kong bumalik para sa unan at kumot ko. Nahiga ako sa sofa at sinubukang magpakakomportable pero wala din. Alas dose na ng madaling araw, hindi pa din ako makatulog. Idagdag mo pa yung mga lamok na busog na sa kakapyesta sa legs at braso ko pati nga yata sa mukha ko. May pasok pa naman ako bukas tapos magmumukha akong tae don. Tsk. Naghintay pa ko ng isang oras kung makakatulog ako pero dahil wala talaga ay bumalik ako sa dati kong kwarto. Mapapakiusapan ko naman siguro si sobo.

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon