Chapter 42

14 2 0
                                    

Angelica

After the 'confession', lagi na kaming magkasama ni Ethan. Talking about lots of things. Doing the things na hindi namin nagawa dati. Nakakapansin na nga sila Aling Desa kaya sinabi na din namin na kami na. Ang sarap sa pakiramdam. Yung wala nang drama drama. Wala nang kimkim kimkim. Just the both of us. Masaya kami. Nagaaway pa din kami. Petty quarrels na tumatagal ng isa hanggang sampung minuto. Ganun ganun lang naman. Nagseselos kay Pula na wala namang ibang ginawa kundi magpaluto ng kung ano ano. At, uuwi na kami bukas. FINALLY! Namimiss ko na yung amoy ng libro sa book cover. Puro amoy ng tae ng kabayo ang nalalanghap ko dito, oh please!

Speaking of kabayo.

*horseneighing*

"Shippo, wag ka nang maarte. Ano bang pagkain ang gusto mo? Bermuda? Chuchalen ka ha!"

Sa sobrang pagkamiss ko sa mga normal na tao, (wala talagang normal dito. Sila Mang Isko, di ko naman makausap dahil laging busy sa bukid) pati mga kabayo kinakausap ko na.

"Ate Gel, hindi naman nakakaintindi yan. Mukha ka lang buang. Kakain din ang mga yan. Kanina ka pa hinahanap ni kuya doon. Iyon ang maiging asikasuhin mo."

Tinignan ko lang si Lupen habang abala sa paghagod kay Shippo.

Sa pagkakaalam ko kasi Angelica talaga ang pangalan ko eh tapos naging Angel. Ngayon naman Gel nalang. Baka naman gusto pa nilang paigsiin?

"Hinahanap ka na ni kuyang. Paramu namaut!"

(Paramu namaut = bilisan mo naman!)

"Oo na!"

Bossy talaga nireng batang to. Mana kay Ethandang. Tsk.

---

Pumasok na ko sa loob at pinuntahan siya sa kwarto.

"Hanap mo raw ako?"

Tinaasan niya ko ng kilay bago binaling ulit ang tingin niya sa cellphone niya.

"Hahanapin pa ba kita eh sawa na ko sa mukha mo."

Aba't--!

"Ganun? Aalis na ko."

Tumalikod na ko nang yakapin niya ko mula sa likod.

Sheeeeems. Para akong isip bata. Kinikilig ako! Kakilig! Brrrr!

"Tampo ka nanaman dyan."

"Ikaw kasi."

Hinarap niya ko sa kanya.

"Ano nanaman?"

"Masungit ka."

"Mahal naman kita."

Ano bang connect?!

Eh bakit kinikilig pa din ako?! Shems.

"Kinikilig ka no?"

Hinampas ko siya ng pabiro. Lokong to! Pinapahiya ako!

"Kapal mo!"

Tumawa nalang siya at hinawakan yung kamay ko.

"May gusto ka pa bang gawin? Uuwi na tayo bukas eh."

Nagisip ako ng gusto ko pang gawin pero mas okay naman ako dito sa bahay lang. Kasama si Ethan.

"Gusto mo na bang umuwi?"

Tumango ako at umupo na sa kama. Umupo naman din siya at niyakap ulit ako. Grabe ha! Tsansing!

"Bakit?"

"Namimiss ko na yung bahay. Pati yung book cover."

"Uuwi na naman tayo bukas. Baka next week umuwi na si Mama. Hindi ko pa nasasabi yung good news."

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon