Chapter 29

17 3 0
                                    

Angelica

"Ang aga mo naman yatang aalis?"

"May makikipagkita po kasi sakin bago pumasok, sobo."

Nagmano na ko sa kanya.

"Oh, eh sino?"

"Kaibigan ko po."

"Ah sige."

Aalis na sana ko ng tawagin niya ako ulit. Lumingon ako sa kanya.

"Yung napagusapan namin ni Ethan nung nakaraan. Isasama ka sana namin sa Zambales sa sabado. Uuwi na din kasi ako. Isang linggo lang naman. Tsaka gusto bumisita doon yung pinsan ni Ethan kaya uuwi na din ako."

Nagulat ako pero hindi ko gaanong ipinahalata. Zambales?! Ang tagal ko nang gustong bumalik doon! Namiss ko na din sila Mang Franco, Mang Roger at Mang Isko. Sila kasi yung keeper sa farm nila Sobo, atsaka si Aling Desa. Yung asawa ni Mang Roger. Nabura naman ang saya ko nung may maalala ako.

"Eh sobo, may pasok pa po ako sa BC nun eh."

"Ano ka ba. Ako na ang bahala don. Ano? Okay lang sayo?"

"Sige po. Ano po ba ang ibang gagawin don?"

"Wala naman. Kayo na ang bahala."

Tumango ako.

"Ah. Sige po. Mauna na po ako."

~*~*~*~*~*

"Sorry, late ako."

Umupo ako sa upuan sa harapan ni Stef. Wala pa din siyang inoorder. Wala namang masyadong tao sa café na to kaya okay lang na matagal umorder. Isa pa, six minutes lang naman akong nalate. Nasa kanto na kasi ako nakalimutan ko pa yung bag ko. Si sobo naman kasi masyado akong inexcite.

"It's fine. A few minutes won't bother. Ako na ang oorder. Stay here. Ano ba sayo?"

Nilapag ko sa gilid ang bag ko at sinabi sa kanya ang order ko. Nagabot ako ng share sa bayad pero ayaw niya naman. Sabi ko next time ako na. Nakakahiya na din kasi. Marami pa namang natira dun sa binigay ni Kuya Spirit.

Mabilis namang nakabalik si Stef. Tatawagin nalang daw kami pag tapos na iprepare yung order namin.

"Bakit mo nga pala biglang gusto makipagkita?"

Nagexhale siya at tumingin sakin. Kung anong porma niya nung nakita ko siya sa bahay nila, ganun pa din siya ngayon. Nakasuot siya ng mahabang dress na kulay puti hanggang itaas ng paa niya at sandals na itim. Nakasalamin din siya imbis na contacts at nakasling bag. Ang inosente niya tignan.

"Gusto kong magpasalamat personally. Gusto ko ding magsorry."

"You already told me that over the phone, Stef. We're cool."

"Hindi lang naman yon. I know my parents told you a bit about my brother so I guess you are the right person to open with. Matagal na kong hindi nagkkwento about my kuya and I think now is the time. You've proven yourself at after mong madinig ang sasabihin ko, I want to hear your opinion dahil gusto ko din tong sabihin kay Tristan. Is that fine?"

Naguguluhan ako kaya hindi ako nagsalita. Ano ba talagang sasabihin niya?

"One Milky way and one frappuccino for Ms. Terious?"

Napatingin ako kay Stef nung bigla siyang tumayo.

"That's us. Sorry for the weird name."

Kinuha niya na ang order at bumalik sa table. Nagpatuloy lang sila sa pagtawag ng orders.

"Back to the topic. Uh.. My brother died almost a year ago."

Hindi na bago sa akin ang impormasyong sinasabi niya pero napaiwas ako ng tingin.

"He's the one you saw in the picture. Hindi si Tristan yon."

Napatingin ako sa kanya. Paanong--?

"My brother and Tristan aren't twins pero sobrang magkamukha sila. I was so depressed dahil sobrang close ko sa kuya ko kaya halos gustuhin ko na ding mamatay nung mawala siya. I lost half of my life. He's everything I have. Mahal na mahal ko ang kuya ko."

Alam kong pinipigilan niyang umiyak pero hindi niya napigil. Hindi niya na pinunasan ang luhang tumulo sa mata niya.

"I am so wasted that time kaya pumunta ako sa bar using my cousin's ID. I'm only seventeen kaya bawal pa ako. I met Tristan there. Akala niya lasing lang ako kaya pilit ko siyang niyayakap at tinatawag na kuya pero hindi. They're so alike. He said I wouldn't stop nagging so he kissed me. At first, gusto ko siyang itulak. Hindi ko masikmura na hinahalikan ako ng kuya ko. But it felt so right. May nangyari samin. I'm gonna admit that. Nandiri ako but I can't get that back."

Nakakakalahati na ko sa frappe ko pero yung kanya wala pa ding bawas. Iyak lang siya ng iyak. May mga customer na napapatingin pero wala siyang paki.

"Ang masakit lang, when I confronted him at school dahil nalaman kong schoolmates kami, nakita ko siyang nakikipagmake out sa iba at sinabi niyang hindi niya ko kilala and if I want to be with him that night, tawagan ko daw siya. Mapagtitiisan naman daw ako. I slapped him. Dun ko napatunayan na siya at si kuya ay magkaiba. Magkamukha lang sila. I'm so hurt, depressed, wasted, stressed, lahat na. So I changed myself. After that, naging kami. Laging may nangyayari but I don't care. Tsaka ko lang narealize na parehas na kaming seryoso. And I think that isn't right so I broke up with him."

Inabot ko sa kanya ang panyo ko dahil basang basa na ang mukha niya ng luha at kinuha niya naman yon.

"But then I realized, kuya wanted me to be happy kaya gusto kong makipagbalikan. But he refused telling me na ang kapal ko daw. I'm the very first girl na sineryoso niya tapos ganon na lang. He lost many friends pero nagtiis siya dahil mahal niya ko kahit ano pa pero sinayang ko. I want to tell him everything pero baka mas magalit siya."

Inabot ko ang kamay ni Stef at tumingin sa mata niya. She's hurt. But she's strong, I know.

"Sabihin mo sa kanya yan. I'm sure he'd understand. Tristan dealt with death also. Kaya alam niyang mahirap din sayo. It's his birthday tomorrow. Tingin ko, don mo dapat sabihin."

We smiled and said our goodbyes to each other. Aalis na ko pero may nakalimutan akong sabihin.

"And oh. Stef, your kuya would be very proud of you."

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon