Chapter 48

14 2 0
                                    

Angelica

"Hala ka! Bakit ka lalong naiyak?! Baka sabihin nila pinaiyak kita! Sabi ko tahan hindi iyak!"

Hindi ako kumibo. Tuloy lang ako sa pagiyak.

Hindi niya ba alam? Wala siyang alam? Bakit ba kasi pinakalimot sa kanya lahat? Sino ba ang dapat sisihin sa lahat ng to? Si Bro?

I shook the idea away. No. I know He has His reasons. I should trust Him di ba?

"Angel, tahan na. Ano bang problema? Ganyan mo ba ko kamiss? Iniiyakan mo ko?"

I stared at him.

Magkamukhang magkamukha sila nung lalaki sa litrato. Pero hindi ba siya tumanda man lang?

Is he really my father?

"Uy. Galit ka pa ba? Sorry na.."

Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. Wala na kong pakialam kung maweirdohan siya sakin.

Nagulat si Spirit pero niyakap niya din ako pabalik.

"A-angel.. ano bang problema?"

I hugged him tighter.

"Hindi ako makahinga."

Agad naman akong kumalas sa yakap at hinablot yung panyo niya. Nagpunas ako ng luha at suminga.

"Oh. Salamat sa panyo."

"Yuck. Siningahan mo di ba? Labahan mo bago mo isauli."

Nilagay ko naman yun sa bulsa ko at sumandal sa puno.

"Akala ko pa naman sa akin nalang."

Tumabi siya sa akin.

"Bumili ka ng iyo. Timawang to."

Tahimik lang kami. Walang kumikibo. Nakikiramdam hanggang sa tumawa siya.

"Ano nanamannang nakakatawa?!"

"Naalala ko kasi yung itsura mo habang umiiyak ka. Mukha kang may krung krung. Haha!"

Pumalatak ako at hinayaan siyang tumawa.

"Ano nga kasing problema?"

Tumingin ako sa kanya at umiwas kaagad. Sino ba naman kasing magaakala di ba? Tropa tropa ko lang si Spirit tapos malalaman ko.. shems. I can't even say it straight!

I never imagined him being a father. At mas lalong never kong naimagine na siya yung tatay ko! Like WEH!

"Spirit, wala ka ba talagang naaalala?"

Umiwas siya ng tingin at umiling iling.

"Wala. Pero kinukuwentuhan ako ni San Pedro. Pakiramdam ko nga hanggang ngayon may kulang dahil wala nga akong maalala."

Nagbunot ako ng damo para mailipat yung atensyon ko pero nakikinig pa din ako.

"He said that I fell for a woman. Pero nung nalaman nung babae kung ano talaga ako, lumayo siya. He never mentioned a name. Pero ewan. I felt hatred towards her. Bakit siya lumayo? If we were really in love, she'll accept me, di ba? Nakakainggit ka nga kasi kahit alam ni Ethan na temporary lang lahat, he never left. Magkaiba nga lang tayo ng case kasi he loves you from the very start, kahit buhay ka pa."

I just continued pulling grasses while his words sink.

Mom left him? Dahil lang hindi siya tao? Hindi ganon si Mama.

"Pero ang weird. Sabi kasi ni San Pedro, I stayed here for 5 years. Tapos nakalimutan na ng lahat yung existence ko. But love conquers all di ba? Kaya kung talagang mahal daw ako nung babae, naaalala pa din ako nun until now. Malas lang dahil kahit itsura niya wala akong idea. Asa naman akong mahal talaga ako non."

I bit my lower lip. Yun ba ang iniisip niya kay Mama? Hindi ko alam yung mga nangyari pero pakiramdam ko misunderstanding lang talaga lahat. As in.

"Teka nga. Bakit sakin na napunta yung topic?! Di ba ikaw nag tinatanong ko?!"

I pressed his forehead and got up.

"Okay lang ako."

Tumayo na din siya at inakabayan ako.

"Sige. Kunwari naniniwala ako."

"Spirit!"

"Oo na. Oo na."

Naglakad na kami pabalik. Hindi ko na muna siguro sasabihin. Ewan.

"Angel, nga pala."

"Hmm?"

"Alam mo nagtataka talaga ako kung bakit ang bilis bilis matapos ng misyon mo eh. Parang ang bilis naman maka move on ng mga tao?"

I shrugged.

"Hindi ko din alam."

"Ang misyon mo talaga eh whole heartedly na magopen up yung taong hindi pa makaget over. After nun, malelessen yung burden sa kanila. Ang hirap kasi ng walang pinagsasabihan talaga."

Huminto ako at nilingon siya.

"At bakit mo sakin yan sinasabi?"

"Not telling anyone makes you keep it all to yourself. And making it even worse than it already is. Basta pag kailangan mo ng kausap, I'm here."

I smiled.

"Oo na."

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nagulat ako nung makita ko si Mama.

Akala ko umuwi na siya?!

Tiningnan ko si Spirit habang kaswal lang na naglalakad palapit kay Mama. He really doesn't remember, does he?

Nang tuluyan na kaming makalapit ay lumipat ako sa side ni Mama.

"Akala ko po umuwi na kayo."

Nakatingin lang siya kay Spirit at hindi nagsasalita. Sht. Does she remember?!

That only means she really loves him.

"Ah.. Tita, si Spirit po, kaibigan ko, Spirit, si Tita. Sa kanya ako ngayon tumutuloy."

Nagbless si Spirit kay Mama. OhMen. Magbless daw ba sayo yung asawa mo? Anong feeling?

Nakatingin pa din si Mama sa kanya.

"Hello po."

Yun lang ang sinabi ni Spirit habang nakatingin din kay Mama.

"Hi-hija.. san mo siya nakilala?"

Nagisip ako ng sasabihin pero nothing came out. Buti nalang si Spirit na yung sumagot.

"Customer po ako sa Book Cover. Regular po."

Mom smiled habang tumatango.

"Oh. Nice meeting you."

"Kayo din po."

Humarap na ko kay Spirit. Ako lang yata nag nakakaramdam ng tensyon. Gosh!

"Uh. Spirit, una na kami ah. Bye!"

Halos hilahin ko na si Mama paalis pero lumingon ulit siya sa Spirit.

"Sumama ka na samin magdinner? Anong oras na din oh."

Sumenyas ako kay Spirit na humindi. Pero ano bang aasahan kay Spirit di ba?

"Sige po."

Oh men. Gulo ito.

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon