Chapter 31

19 3 1
                                    

Angelica

Maaga akong nagising para makapagluto kaagad at para makapaggawa ng gawaing bahay. Ngayon na kasi ang birthday ni Tristan. Sasaglit lang ako don at iaabot ang regalo ko. Susuportahan ko din si Stef, syempre. Naging kaibigan ko na din naman siya pagkatapos ng nangyari.

Pinatay ko na ang kalan at hinango lahat ng hotdog na niluto ko. Nilapag ko yon sa lamesa kasama ng itlog at sinangag. Ang bangooo.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya mabilis ko yong kinuha sa bulsa ko matapos magpahid ng kamay sa suot kong apron.

Unknown number?

"Hello?"

(Hi.)

"Sino to?"

(Hulaan mooo.)

"Bye."

Binaba ko ang tawag pero hindi ko pa naisusuksok ang phone ko sa bulsa ay nagring ulit.

"Pwede ba?! Sa iba ka magprank call. Busy ako."

(Sorry na. Nagbibiro lang eh. Hi ulit.)

"Sino ba kasi to?"

(Red. Naalala mo?)

"Oh! Yung lalaking ayaw matalsikan ng mantika!"

Natawa siya pero umoo din.

"Bakit ka napatawag?"

(Kailangan ko kasi ng magluluto this saturday. Out of town. 3 days. Okay lang?)

Gusto ko sanang umoo kaso aalis nga pala kami. Aba. Hindi araw araw may opportunity na ganito noh!

"Pasensya ka na. Aalis kasi kami eh. Sorry talaga."

(Oh. Ganun ba? Sayang.)

Mukha namang naupset siya kaya naguilty ako.

"Sorry talaga."

(It's fine. Sige na. Bye.)

"Bye."

Pinatay niya na yung tawag. Sayang talaga. Wrong timing kasi eh!

"Oh. Aga aga nakabusangot ka."

Naupo si Ethan at nagsimula ng magsandok. Ang takaw talaga nito. Ang daming kumain. Hindi naman tumataba. Ang daya. Oras oras siguro to tumatae kaya hindi nataba.

"Nakita kasi kita."

"Ano nanamang ginawa ko sayo?!"

Napatawa ako sa loob loob ko. Pikon talaga.

"Sinira mo ang araw ko."

"Bakit ako sinisisi mo?!"

"Panget mo kasi. Hapdi mo sa mata."

"Aba't. Sutil ka ah!"

Dinilaan ko siya at tinalikuran. Kumuha na din ako ng plato ko at sumabay kumain.

"Hoy. Bakit ang sungit mo?! Meron ka?"

Nangulubot naman ang mukha ko sa pandidiri.

"Kumakain tayo ano ba!"

"Arte."

"Wag mo kong ganyanan ah. May kasalanan ka pa saken."

"Ano nanaman?!"

"Sinira mo araw ko."

"Bakit ba--"

"Tsaka hindi mo ko hinayaang mahimbing nung nagtabi tayo. Wala kang awa."

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon