Chapter 30

17 3 1
                                    

Ethan

I am still stunned. Never in my life I have heard of such happenings. It seemed so impossible. Sooo impossible.

Remember the time nung pumunta ako sa herp street? Catherine's there.

"Tao po! Tao po!"

Wala silang doorbell dito o kung ano kaya nagtatao po nalang ako. Di naman nagtagal ay may lumabas na matanda. She's in her 60s, I guess.

"Ano hong kailangan nila?"

Sumilip ako sa likod niya para tignan kung may tao pero wala naman kaya binaling ko ulit sa kanya ang atensyon ko.

"Nandyan po ba si Catherine Garcia?"

Mukhang nagtaka yung matanda kaya nagtanong.

"Bakit? Kaano ano niyo ho siya?"

Nagisip ako ng kung anong palusot ang sasabihin dahil mukhang masama ang suspetsya sakin ng matandang to. Hindi pwedeng sabihin kong hindi niya ko kaano ano.

"Reader po ako ng libro niya. Anak din po ako ng dati niyang pinagtatrabahuhan."

"Bakit ka nadayo?"

"Uhm.. ano po.. --"

"Manang, tama na yan. Papasukin mo na siya."

Parehas kaming napalingon sa babaeng nagsalita sa likod ni manang. Morena siya at mabilog ang mga mata. Mahaba din ang buhok niya na hanggang sa ibaba ng dibdib niya. Mukha naman siyang mabait. Siya na siguro si Catherine.

"Oh, pumasok ka daw."

Nginitian ko si manang at tumuloy na sa loob. Pinaupo niya ako sa terrace nila at umupo siya sa harap ko.

"Bakit ka nandito?"

Nagulat ako dahil biglang nagbago ang pananalita niya. Nakangiti siya kanina tapos ngayon ang seryoso niya.

"Uhm ano po.. ako po si Ethan uhm.."

"Diretsahin mo na ako. Wag kang mahiya."

Napakamot ako ng batok. Akala ko madali lang ito. Mahirap din pala.

"Almost 2 months ago po, may muntik na akong masagasaang babae."

Nakapoker face pa din siya pero alam kong nakikinig siya sa mga sinasabi ko.

"Isip bata siya pero mukha namang mga kasing edad ko na siya. Iiwan ko na dapat siya pero ako naman ang muntik masagasaan at naligtas niya ako. Tinanong ko siya kung saan siya nakatira at ihahatid ko siya pero sabi niya, hindi niya raw alam. Sinabi niya ding sa malayo pagkatapos sabi niya sa itaas daw kung saan may mga ulap."

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon