Chapter 15

23 4 1
                                    

Angelica

Umakyat ako sa taas daladala yung mga pagkain galing sa ref. Tumayo lang ako sa harap ng pintuan ni Ethan. Hindi ko naman alam kung kakatok ba ako o hindi. Mamaya kasi kumatok ako pagkatapos sigawan nanaman ako. Pero wala naman akong mapapala kung hindi ako kikilos kaya kakatok nalang ako.

Tinaas ko na ang kamay ko para kumatok. Sana hindi siya magalit. Pero pano kung magalit? Binaba ko ulit ang kamay ko. Wag nalang kaya? Oo. Bukas nalang.

Aalis na sana ko nung biglang bumukas ang pinto. Napasapo ako ng noo. Naku po. Patay. Gulat na gulat si Ethan ng makita ako sa harap ng kwarto niya. Sino bang hindi magugulat kung pagbukas mo ng pinto eh may bubungad sayo. Nginitian ko nalang siya kahit pilit.

"What are you doing infront of my room?!"

Oh diba. Sumigaw nanaman siya.

"Hehe. Uhm.. wala. Alis na ko. Baboo!"

Aalis na sana ako ng pigilan niya nanaman ako. Bumaba ang tingin niya sa pagkaing dala ko.

"Uh--"

~Grrrrwl~ (kumukulong tiyan yan. Wag kayo.)

Napahawak siya sa tiyan niya. Hindi pa nga talaga siya kumakain. Nagpigil naman ako ng tawa sa itsura niya. Hindi mo malaman kung naiinis o nahihiya. Pero kahit anong pigil ko ay nahalata niya pa din. Ayan. Nagalit nanaman.

"Tinatawa tawa mo dyan?!"

Umiling ako habang nagpipigil pa din.

"Wala. Kain na tayo?"

Inirapan niya lang ako at nauna nang bumaba sa kitchen. Pagkaalis niya ay nilabas ko na ang tawa ko. Minsan ko lang kasi makita si Ethan na may weirdong mukha. Sayang. Ang sarap picture-an. Di bale. Bibili naman ako bukas ng phone eh.

"Stop laughing. You squirt."

Dun naman ako napatigil. Hinigit niya ako pababa ng sofa at dun na kami kumain. Without saying any word.. I know we're okay. I'm so sorry for making him wait and worry.

Pagkatapos naming kumain ay nagshower na ako at pumasok ng kwarto ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang makita si Spirit don. Hindi talaga marunong magwarning man lang tong isang to.

"Kamusta si Tristan?"

Dinampot ko ang suklay at umupo sa upuan sa tapat ng salamin.

"Hindi naman siya mukhang napariwara ah. Lagi nga siyang nakangiti at para bang walang problema. Sadyang malapit lang siya sa mga babae. Yun lang. Tapos yung Papa niya laging wala. Siya lang magisa sa bahay nila."

Sabi ko habang patuloy lang sa pagsuklay ng buhok ko. Kung titingnan mo kasi si Tristan, parang wala talaga siyang problema.

"Ganyan ang mga tao. Magaling maglihim at magtago. Kunwari masaya pero sa loob warak sila. Bukas tanungin mo siya kung may problema ba siya bago kayo umuwi. Dun mo mapapansin na malungkot talaga siya."

Tumango ako. Buti naman at tumutulong na sa akin si Spirit ngayon.

"Spirit, pano ka naging tagasundo?"

Hindi ko kasi alam talaga. Kung tao ba siya nung una tapos pagkamatay niya tsaka siya naging tagasundo. Hindi ko alam.

"Hindi ko alam. Basta tinalaga lang ako."

"Naging tao ka ba nung una bago ka maging tagasundo?"

Nagiwas siya ng tingin sakin. Hindi ko ba dapat tinanong yun?

"Ang totoo, hindi ko alam. Inalis ni San Pedro ang alaala ko bago ako itinalaga. Nakalimutan ko lahat."

Tinitigan ko si Spirit. Hindi ako sigurado pero parang nasasaktan siya. Mahirap siguro yung may gusto kang alalahanin pero wala talaga. Anong klaseng tao kaya si Spirit bago siya maging tagasundo?

"Ako ba.. may tsansang maging tagasundo gaya mo?"

Natahimik siya ng ilang segundo bago sumagot.

"Siguro.. hindi ako sigurado pero malaki ang tsansa dahil espesyal ka."

"Pero.. ayokong makalimot."

Lahat ng memories na nangyari, yun nalang ang meron ako.

"Hindi naman ako ang magdedesisyon. Wag kang masyadong maging malapit sa mga tao. Mapanlinlang sila. Hindi ka din naman magtatagal dito. Mabuti pang iwasan mo na ang maging masyadong malapit sa kanila. Pag nalaman nilang Anghel ka, gagawan ka nila ng masama."

Hindi ko alam kung ako lang ba o parang galit si Spirit sa mga tao. Ayoko nang tanungin dahil kung galit siya ay wala na akong kinalaman doon at masyado nang personal kung tatanungin ko pa.

"Basta magiingat ka. Lalong lalong wag kang mahuhulog sa kanila. Mapagpanggap ang mga tao."

Nawala nanaman siya bigla. Kung makipagusap naman sakin parang hindi ako naging tao.

Ethan

Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Wala pa namang binibigay na sched sa akin na sabado. Maliban nalang kung magmemake up class yung prof. Kaya heto ako ngayon nanunuod ng Batman Vs. Superman habang kumakain ng fried chicken. What a good way to spend the weekend. Wala pa man din sa kalahati tong pinapanuod ko ay nakarinig na ako ng katok sa gate. Makapagpalagay nga ng doorbell. Ang hassle eh.

"Sandale."

Lumabas ako ng pinto at binuksan ang gate. Tumambad sa akin ang isang Tristan Choi na bihis na bihis.

"Mali yata ang petsa ng mundo mo. August palang para ka nang mamamasko."

"Woah. And when did Ethan gained humor and learned to joke and speak in Tagalog? Ikaw ba yan?"

"Magtigil ka dyan. Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo si Angelica."

Nagiba naman ang timpla ko pagkabanggit niya nun.

"Sorry dude. She isn't going anywhere with you. Umuwi ka nalang."

Isasara ko na ang gate nang harangan niya ng kamay niya.

"Chill. Napagusapan na namin to kahapon. She agreed. Wala namang masama don. We're friends."

"I don't think so."

"Oh c'mon. Iuuwi ko din siya. Nagpapatulong lang siyang bumili ng phone. Stop being her father."

"Tsk."

Yun nalang ang nasabi ko dahil tama naman siya. Pumasok siya sa loob at saktong bumaba naman si Angelica. Nakajeans siya na faded, panloob na puti, babyblue cardigan, white low cut tennis at white cap. Di ko naman alam na marunong palang pumorma to. Aalis lang kasama si Tristan, pumorma na.

"Uy tristan. Gwapo natin ah."

Nagpigil ako ng irap sa landian nilang dalawa. Pinagpatuloy ko nalang ang panunuod at pagkain.

"Bagay sayo yang suot mo."

Bolero.

"Talaga? Salamat!"

Uto-uto.

"Kahit ano naman bagay sayo eh."

Man slut.

"Ikaw talaga."

Gullible.

"Tara na?"

Edi umalis na kayo. Go.

"Tara. Bye Ethan! Maaga akong uuwi!"

"Kahit gabihin ka wala akong pakialam."

Tinanguan ko si Tristan bago sila umalis at bumalik sa panunuod.

Bakit ba naiinis ako?

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon