Chapter 50

11 2 0
                                    

Dedicated to: beeyotch

Angelica

"Serra, accept it. Mawawala ka din sa mundo. Just stop planting something that would end up in regret."

I looked around but I saw nothing but darkness. Pilit kong hinahanap yung mayari ng boses na nagbababala sa akin pero wala akong makita. But I can clearly see myself wearing a white dress at umiilaw ang kwintas ko.

"No. Serra. Keep fighting. Everything's gonna be worth it. Piliin mong maging masaya."

I kept searching. This time, ibang boses na yung nadinig ko.

"May paraan pa Serra. Surrender that necklace of yours. Choose to live. Ask for another life."

I didn't know but myself has its control. Dahan dahan kong tinanggal yung kwintas at itinaas until it faded. And just like the necklace, unti unti din akong naglaho.

Napabalikwas ako ng kama.

Hinawakan ko ang kwintas ko kung nandoon pa ba. Nandoon pa naman. Bumuntong hininga ako. Panaginip lang pala.

Kinuha ko ang phone ko at chineck ang oras.

6:14 am

Aga pa pala.

Nagpalit ako ng damit at bumaba na. Makapagjogging nga. Bumati na ako ng good morning kay mama at nagpaalam bago umalis. Hindi pa ako nakakalayo nang may makasalubong akong pamilyar na mukha.

I smiled at him.

"Good morning Spirit."

Ngumiti din siya pero.. parang pilit lang. What's wrong?

"Angel, we need to talk."

Now, what's really wrong?

--

Pumunta kami sa isang burol na hindi ko alam kung saan. Malapit lapit lang sa may Book Cover. Ihahatid naman siguro ako ni Spirit pabalik kaya no worries. Hehe.

Pagkaupo namin ay tumingin lang ako sa view. Ang ganda.. mas maganda siguro dito kung gabi.

"So, anong paguusapan?"

Napahilamos si Spirit ng mukha. Diretso lang ang tingin niya.

"Hindi ko talaga alam kung saan magsisimula Angel. I warned you.. I really warned you.."

Kinutuban ako sa mga nadinig ko. Masama ang pakiramdam ko sa mga sasabihin niya but still, I have to be brave.

"Anong ibig mong sabihin?"

Huminga siya ng malalim.

"Angel what happened to me would happen to you. Gusto sana kitang I congratulate dahil tapos na ang misyon mo. It's finally finished. Pwede ka nang humiling. You have free 3 months stay. Pero hindi eh.. I can't congratulate you lalo na at ganito ang sitwasyon. I just can't.

Alam ko naman eh. Mahal na mahal mo si Ethan. You would do anything for him. Pero mali yung naging desisyon mo."

I can't respond. Ano bang sinasabi niya?!

"Spirit, wala naman akong naiintindihan eh! Diretsahin mo nga! Nakakainit ng ulo ha!"

He hugged me. Bakit ba sobrang emosyonal niya ngayon?

"Angel, wala ka nang three months.. isang linggo. Isang linggo nalang."

Napaawang ang bibig ko. Isang linggo?

"Teka. Teka. Pano nangyari yon?"

Kumalas siya sa yakap at tumingin sa akin.

"Bawal umibig sa tao ang kahit anong hindi tao. Ang tao ay para sa tao."

"Minsan akong naging tao Spirit!"

He sighed.

"Alam ko. Pero hindi na ngayon. Lumabag ka sa isang batas at ito ang kaparusahan. Pero dahil natapos ang misyon mo, makahihiling ka pa rin."

Tumingin ako sa baba. Isang linggo? Sapat ba ang isang linggo?

"Spirit.. makakalimot ba ako?"

Hindi siya umimik.

Tumulo nanaman ang luha ko.

"Bakit Niya sa akin to ginagawa? Ano bang kasalanan ko? Pinaparusahan Niya ba ako?"

Umiling si Spirit.

"Nakaplano ang lahat para sa mas mabuting resulta. Magtiwala ka lang."

Natawa ako ng mapait.

"Mabuting resulta?! Mabuti ba ang kinalabasan niyo ni Mama?!"

Nagulat kaming parehas sa lumabas sa bibig ko.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Panahon na din para malaman niya. Nilabas ko sa bulsa ko yung litrato nila ni Mama.

"Siya yung babaeng tinutukoy mo Spirit."

His face formed an unpleasant view. Masyado siyang gulat.

He looked at me, still shocked.

"And yes, I am your daughter. Ngayon, sasabihin mong magtiwala sa Kanya?! I've been trusting Him all my life! Kahit nung nagkasakit ako, nagpapasalamat pa din ako sa Kanya. I never blamed Him giving me this mission. Pero Spirit.. pero Papa.. this is too much. Tingin mo ba kaya ko pa tong ihandle?"

He hugged me again. Bakit ba siya ganito? Sobrang bait niya..

"Angel, nakaplano lahat sa Kanya okay?"

"Bakit ba sobra yung pagtitiwala mo sa Kanya? Para na tayong napaglalaruan eh."

Humiwalay siya sa yakap.

"Marami na Siyang nasakripisyo para satin. Ayokong kalimutan yun dahil lang sa mga problema."

I smiled.

"I'll try.."

"And now. Be a good daughter. Grabe. Ang gurang mo na para maging anak ko!"

I laughed. Totoo naman kasi. Hindi kasi tumatanda si Spirit. Ayan tuloy.

I stared at him and saw how he resembles me. Para siyang lalaking version ko.

"Angel.."

"Po?"

He scratched his nape.

"Alam ba to ng Mama mo?"

I held my breath by the question. Paano ko sasabihin kay Mama. Eh kahit yung pagiging anghel ko nga, hindi niya alam.

My silence got him the answer.

"Hmm. Hindi niya pa alam. She doesn't need to know, does she?"

Tinignan ko lang siya.

"Pero paano ka? Ngayon na alam mo na. It would be hard na hindi niya alam."

He shrugged.

"Hindi na siguro. Hindi niya na nga ako natatandaan. She left me di ba?"

I smiled, bitterly, habang umiiling.

"You always had this part of her. Hindi ka niya kinalimutan. Kahit sakin, kinukuwento ka niya."

Nangunot ang noo niya and shocked was written all over his face.

"That's impossible."

I smirked.

"Yang picture na yan, galing sa kanya. She kept it in her journal. Mahal ka po ni Mama."

Parang hindi pa din siya makapaniwala pero alam kong unti unti na siyang nabibigyan ng clue sa totoong nararamdaman ni Mama. I hope they can fix this up. Pero malabo na siguro. Tagasundo si Spirit. Mom was... mom. Wala akong alam sa totoong nangyari but I know they love each other. Hindi naman siguro kami nabuo ni Jake kung hindi di ba?

"But why did she left?"

"That's for you to find out."

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon