Chapter 44

14 2 0
                                    

Ethan

Sa isang araw, tapos na naman ang sem break kaya naman grinab ko na yung chance ngayon na samahan si Angel na maghanap ng bagong matutuluyan. Sabi ko kasi doon nalang siya sa bahay, ayaw niya naman. Ang hirap talagang intindihin. At mahirap ding tanggihan sa gusto. Mahal ko eh.

"Dito, 4,500 ang bayad a month hija, dalawang kwarto."

Umiling si Angel.

"Wag na po pala. Masyadong malaki. Magisa lang ho ako."

Pang anim na apartment na yun pero wala pa rin. Tinanong ko siya kung ayaw niya sa dorm, ayaw naman. Limitado raw ang galaw. Kaartehan talaga.

Nagstop muna kami at bumili sa Angelica's Burger. Kapagod.

"Angel, sabi ko naman, sa bahay ka nalang kasi."

"Ayoko nga. Iba na yung sitwasyon natin di ba?"

"Hiwalay naman tayo ng kwarto."

Kumagat siya sa burger niya.

"Kahit na."

Tch. Ang kulit talaga.

"Eh wala ka namang mahanap na apartment eh. Yung una, mukhang sanggano yung mayari. Yung pangalawa, malapit na yatang gumuho. Sa pangtatlo bawal ang may boyfriend kasi bitter yung mayari. Sa pangapat, maliit. Yung panglima, ang layo. Yung panganim mahal naman tsaka masyadong malaki. Ayaw ka talagang palipatin ng tadhana."

Uminom siya sa coke niya at tumingin ulit sakin.

"Ah. Basta. Lilipat ako."

Ano bang magagawa ko? Ang ginusto niya, ginusto niya.

"Oo na. Basta uwi muna tayo ngayon. Magpahinga ka muna. May bukas pa."

"Pano kung wala na?"

"Meron yan!"

Ngumiti nalang ako at nagsabay na kami maglakad paalis. Inakbayan ko siya at kumapit naman siya sa bewang ko. Just like old times. Hanggang kailan kaya kami ganito?

Angelica

Pagkadating namin sa bahay, nagulat kami na nandun si Jake. Ano bang ginagawa nito dito? Mukha namang gulat din siya nung makita kami. Ang panget talaga nitong kapatid ko pag nagugulat. Mukhang shunga.

"B-bakit kayo.. magkaakbay? Kuya! Sinasabi ko na nga ba eh! Kunwari pa siyang ayaw kay Angel tapos ngayon--! Bakit di mo sinabi sakin?!"

"Jake, meet Angel, my girlfriend. Oh ayan. Sinabi ko na."

Sinamaan naman siya ng tingin ni Jake.

"Kung ako sayo, ate Angel, save yourself and break up with him kasi-- ARAY!"

Binatukan siya ni Ethan habang ako, nanunuod lang sa kanila. It felt normal. Malayong malayo sa lahat ng di kapanipaniwalang nangyayari. Ethan. Me. Us.

"Ate, inaaway niya ko!"

"Hoy Jake! Magtigil ka ha! Ano ba kasing ginagawa mo dito?! Susulpot sulpot ka tapos mangaasar ka lang!"

Naupo si Jake sa sofa at tinaas yung paa niya. Feel at home talaga to.

"Ikaw nagpapunta sakin! Yung pasalubong, nasan na?"

Pumalatak naman si Ethan at nagpaalam na aakyat lang daw siya at hahanapin yung mga pasalubong para kayla Mama. Nakatikim pa nga ng isa pang batok si Jake bago umakyat si Ethan. Umupo naman ako sa tabi ni Jake. Namimiss ko na tong kapatid ko.

"Mahal mo ba talaga yon? Sadista eh."

Sabi niya habang inaayos yung buhok niyang nagulo. Tumango naman ako. Huminga siya ng malalim.

"Ate Serra would be happy. Bumalik na sa normal si Kuya. You should meet her some day."

Sumandal ako ng tahimik sa sofa. Yeah sure. Serra would be happy. Masaya naman talaga ako. And afraid. Takot na matapos lahat ng to.

"San nga pala kayo galing? I've been waiting here for hours! Sabi kasi ni kuya may binili siyang libro!"

Same old Jake. Mahilig sa libro. Dun lang yata kami magkasundo eh. Minsan nga napagkakamalan na yang bakla because he prefers books than balls.

"Naghahanap ako ng apartment. Ayoko namang dito pa din tumira. Kami na ni Ethan. I respect Tita Marga."

Napangiti si Jake.

"Alam mo, naaalala ko talaga sayo si Ate. Pati decision makings niyo parehas."

Napangiti ako sa loob loob ko. He sure knows me well.

"Bakit? How was your ate like? Sobrang katulad ko ba talaga?"

He smiled then nodded.

"Ganyan siya ngumiti. Umupo. Magsalita. At ganyang ganyan din siya sumagot nung tinanong ko kung mahal niya talaga si kuya Ethan. Siguro kung buhay pa siya? Magiging close kayo. She's a great sister."

Tahimik lang akong nakinig. Bakit ba kung ikwento nila ako, parang ang bait kong tao? Am I that nice?

"Oo nga pala Ate! May vacant room pa kami sa bahay. If you want, pwede ka dun! Mom would be glad. Sigurado ako."

"H-ha? Sigurado ka?"

OhMyGod! Blessing to! Living with my family and going back to where I grow up? Hindi ko maexplain yung feeling!

"Yup. So.. payag ka ba?"

I was about to nod nung magsalita si Ethan.

"Payag saan?"

Sabi niya sabay hagis kay Jake nung mga pasalubong.

"I'm offering her the vacant room in our house. Kesa naman iba pa ang magtake over don di ba? Gusto kasi ni Mama na ipagamit yung kwarto. Lagi raw kasi akong wala. Wala siyang kasama."

Tumingin ako kay Ethan at siya din sakin.

"Oh. That would be great. Pwede na ba siyang magmove bukas?"

Ngumiti si Jake.

"Oo naman. Sabihin ko nalang kay Mama. Sige na! Babay!"

Pagkaalis ni Jake, yinakap ko kaagad si Ethan.

"Thank you.."

He kissed my hair.

"Why?"

"Kasi pumayag ka."

"Bakit naman ako hindi papayag?"

"I don't know. Baka lang hindi."

"I want you to be happy okay? Alam ko namang miss mo na sila tita Leila. And you want to be with your family."

I smiled again. Simula nung maging kami ang daming magandang nangyayari. When it rains, it pours talaga.

Pero di ba pagkatapos ng lahat ng saya, problems would also pour. Sana lang wag pa ngayon. Hindi ko pa yata kaya.

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon