Chapter 27

15 2 1
                                    

Angelica

Tinignan ko ulit ang papel kung saan nakasulat ang address na binigay sakin ni Kuya Spirit. Dito na nga siguro yon.

Pinindot ko ang doorbell ng dalawang beses at agad naman akong napagbuksan ng pinto ng isang babae. Siguro nasa 45 na siya pataas. Nginitian ko naman siya.

"Sino po sila?"

"Uhm. Ako po si Angelica. Gusto ko po sanang makausap si Stef. Andyan po ba siya?"

"Bumili lang siya sa grocery store sandali hija. Uuwi na din yon. Pasok ka muna."

"Salamat po."

Pumasok na ko sa loob at pinaupo naman ako kaagad nung babae sa sala. Hindi ko alam kung nanay ba siya ni Stef kasi hindi naman sila magkamukha pero parehas sila ng mata at boses.

"Mamsi, sino yung dumating?"

Nadinig ko yang boses na yan ng isang lalaki galing sa labas. Siguro nga mama yun ni Stef kaya lang mas kamukha niya siguro yung papa niya.

"Kaibigan ni Stefanie. Hinahanap siya."

"Ah.. buti naman nagkaroon na ng kaibigan yang si Stef. Simula nung namatay ang kuya niya--"

"Papsi. Wag na nating pagusapan yan. Dadalhan ko lang ng juice yung bisita. Kung gusto mo meron sa kusina."

"Sige. Salamat."

Pumasok na ulit yung mama ni Stef at nagngitian ulit kami.

"Bakit mo nga pala hinahanap si Stef?"

"Ah. Magbibirthday na po kasi yung boyfriend niya. Gusto po sana naming bigyan ng surprise birthday party. Isa po siya sa magmemessage sa video."

Totoo naman yan. Ako lang talaga ang nagplano since nalaman ko kay Ethan na magbibirthday na si Tristan. Gusto ko lang sanang si Stef na ang maging organizer para magkaayos na sila.

"Ang akala ko ba, break na sila?"

I guess Stef opens a lot to her parents. Just like me. Namiss ko tuloy bigla si Mama. I never had a chance to see her again.

"Hindi ko po yon alam. Kumplikado po yata."

"Iyan naman kasing si Stefanie. Sinabi ko nang wag nang idamay si Tristan sa kalungkutan niya sa pagkamatay ng kuya niya, hindi--"

"Mamsi. Akala ko ba wag nang pagusapan?"

Napalingon kami parehas sa lalaking nakatayo sa pinto. Nilapitan siya ng mama ni Stef at niyakap patagilid. Ang sweet naman nila.

Mas kamukha nga talaga ni Stef ang papa niya. Parehas silang singkit ang mata, maputi, mapula ang labi. Ang gwapo naman ng tatay ni Stef. Maganda din naman ang mama niya. Kaya pala siya naging Dyosa.

"Ang hirap pigilan papsi eh. Isang taon palang kasi."

"Hija. Maiwan ka muna namin ha? Hintayin mo nalang si stefanie diyan. May mga album diyan pwede lang tumingin. Parating na din naman yun."

Wala na kong nagawa kundi ngumiti at sumangayon nalang sa sasabihin nila. Mukha namang masaya ang samahan nila dito sa bahay. Yung kuya niya siguro ang nakapangiwan.

Napabuntong hininga ako. Bakit ba kasi kailangan pang may maiwan at mangiwan? Bakit ba kailangan pang mamatay? Si Adan at Eba ba ang dapat sisihin?

Dumampot ako ng isang album at tinignan ang mga picture doon. May picture ng kasal ng parents niya at ang sweet nila ha! May picture kasi na nakakiss yung papa ni Stef sa noo nung mama niya habang nakangiti at nakapikit yung mama niya. Ayyyieh! Nakakakilig!

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon