Chapter 16

17 4 0
                                    

Angelica

"Samsung Galaxy J1 yung kay Ethan. Sure ka bang yun din ang gusto mo?"

Tumango ako sa kanya.

"Okay.. anong kulay?"

Tinignan ko yung mga nakadisplay.

"Gold lang naman ang meron."

"Okay. Miss, isa nito. Pakibigyan siya ng discount ha? Sabihin mo nalang kay Papa."

"Opo sir. Wait lang po."

Hanep! Saglitan lang ang negosasyon ah.

"Salamat talaga Tristan. Ang ganda nung phone."

"Sinamahan lang naman kita. May gusto ka pa bang puntahan pagkatapos nito?"

Umiling ako.

"Wala na. Sabi ko kay Ethan sandali lang tayo."

"May gusto ka ba kay Ethan?"

Para akong nabilaukan kahit wala akong kinakain. Si Tristan naman kasi. Kung ano anong tinatanong.

"Bakit mo naman natanong?"

"Wala naman. Para kasing gusto mo ipaalam lagi ang ginagawa mo sa kanya tapos siya yung bukambibig mo. Iba din kasi yung aura pag magkasama kayo. Kahit hindi kayo magkadikit parang may something."

"Talaga lang? Parang di naman."

"Pero gusto mo nga siya?"

Hindi mo na siya mahal. Nung nabuhay ka ulit ay nawala na yon.

Umiling ko kay Tristan.

"Hindi. Ilang araw palang din kaming magkakilala atsaka, tinulungan lang talaga ako ni Ethan. Malaki ang utang na loob ko sa kanya."

Natigil kami sa paguusap nang dumating yung saleslady.

"Sir, ito na po yung phone kasama ng lahat ng nasa package."

Inabot na samin yung paper bag kasama yung box ng phone at ewan ko kung ano pang meron dito.

"Ayt. Thanks."

Palakad na kami palabas ng mall nang madaan kami sa isang ice cream stall at syempre, who doesn't like ice creams?

Nagkwentuhan lang kami habang ngumangata ng ice cream ng tumunog ang cellphone ni Tristan. Parehas pala kami ng unit. Di ko napansen. Sorry naman.

Hindi niya pinansin ang phone niya. Akala ko nga titigil na pero parang mas lalo lang yatang napush yung caller na tumawag. Tunaw na ang ice cream ko dahil hindi naman ako makapagconcentrate sa pagkain. Yung pinakamalaki pa naman ang inorder namin. Halata din naman naiinis na si Tristan kaya nagexcuse na siya sakin at sinagot ang tawag niya.

"Sarap ng ice cream mo ah."

"Ay! Amplaya!"

Pansin ko talaga nagiging magugulatin na ako dahil dito kay Spirit. Kasura.

"Ano nanaman ang ginagawa mo dito? Mamaya mapagkamalan akong baliw kasi may nakikita akong hindi nila nakikita. Public place to uy."

Tinanggal niya ang shades na suot niya. Iba na talaga ang mga tagasundo. Nakakakita ng araw sa loob ng mall.

"Nakikita nila ako. Akala siguro nila tao lang."

Ah. Kaya naman pala ang daming nakatingin dito. Kahit naman kasi mayabang at weirdo yang si Spirit. May itsura talaga. Parang ako lang. Hahaha! Magkamukha talaga kami. Wag nga kayong kontra.

"Ano ngang ginagawa mo dito? Pag ikaw nakita ni Tristan, bubugbugin ako ng tanong non. Ang hirap hirap magsinungaling."

"Ipapaalala ko lang naman sayo na bago kayo umalis, tanungin mo siya kung okay lang ba siya. Dahil dun na magsisimula ang progress mo."

"Hindi ko naman nakalimutan yon. Hindi mo na kailangang ipaalala. Layas na."

Sinamaan niya ako ng tingin pero wala namang epekto yon sakin. Lagi naman niya akong niyayari kaya okay lang yun. Sanay na.

"Hindi ko magets kung bakit magiging anghel ka eh ang sama ng ugali mo. Pinapalayas mo na ako kaagad. Ineenjoy ko nga ang atensyon ng mga tao dito. Not to mention, espesyal pa daw ang kaluluwa mo. Magpakabait ka na. Magbago ka. Isipin mo nalang na yun ang gawain ng mga totoong anghel."

"Hindi ko kailangan ng misa mo father Spirit. Hindi naman ako naniniwalang kaya ka pumunta dito ay dahil may ipapaalala ka. Gawin mo na ang gagawin mo. Kung ano man yon."

"Oo na. Aalis na. May susunduin pa ako malapit dito."

Nung lumakad siya palayo, akala ko mapapayapa na ako pero hindi pa din pala. Bumalik pa siya at kinuha ang ice cream ko. Makapal talaga ang mukha ng tagasundong yon. Ano bag dapat itawag ko sa kanya? Third Angel of Death?

"Tara na. Uwi na tayo Angelica."

Muntik nanaman akong mapatalon sa gulat nang madinig ko si Tristan. Kaya lang nang makita ko ang itsura niya, pakiramdam ko pag tumalon ako sa gulat ay mas gagawin ko lang awkward ang atmosphere kaya pinili kong wag nalang tumalon. Kahit yata hindi ako sinabihan ni Spirit na tanungin siya kung okay lang siya ay tatanungin ko pa din siya. Ang lungkot kasi ng itsura niya at halatang umiyak siya. Namumula ang ilong at mata niya. Pasinghot singhot pa siya. Lagi naman kasing nakangiti si Tristan kaya obvious ngayon na malaki ang problema niya. Sino ba kasing tumawag dine?

Tumango nalang ako sa kanya. Nung nasa kotse niya na kami, tsaka ko siya tinanong. Nagaalangan pa nga ako kasi baka sabihin nangingialam ako o kaya sabihing, obvious naman na hindi siya okay ay nagtanong pa ako.

Humarap siya sa akin pagkatapos kong magtanong, bago siya magseatbelt. Nailang nga ako sa tingin niya kahit hindi ko naman alam ang dahilan. Siguro dahil nagiguilty ako. Pinamigay ko kasi yung ice cream na libre niya.

"Sabi nila, 99% daw ng mga salitang 'okay lang ako' ay kasinungalingan. Kaya imbis na magkasala ako, sasabihin ko nalang sayong hindi ako okay. Pano ba ako magiging okay?"

Hindi ako sanay na ganito si Tristan. Hindi naman siya ganyan magsalita eh. Hindi ako magaling magcomfort kaya tinanong ko nalang siya ng tanong na madalas tinatanong ng halos lahat sa mga may problema.

"Ano bang problema?"

Umayos siya ng upo at nagiwas ng tingin sakin. Nakita ko ding humigpit ang hawak niya sa manibela kahit hindi pa kami umaandar.

"Angelica, pwede mo ba akong samahan? May bibisitahin lang ako."

Tumango nalang ako sa kanya kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta. Wala naman siguro siyang gagawing masama, di ba?

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon