Chapter 32

22 3 5
                                    

Angelica

After kong magbihis, dumiretso na kami kaagad kayla Tristan dahil medyo late na din kami sa party. Ano naman kasing magagawa ko? Namiss ako ni Rudolf. Simpleng party lang naman ang meron. May catering lang tsaka amplifier.

Nakita ko kaagad si Stef kaya kumaway agad ako sa kanya. Marami rami din kasing tao pero nagsstand out naman siya kaya nakita ko siya kaagad. Lalapit na sana ako sa kanya nung tumambad sa harap ko si Mr. Choi. Hindi ako pinalaking bastos kaya binati ko siya ng good afternoon.

"Hija, di ba ikaw yung nagbantay sakin sa hospital?"

Akala ko, hindi na ko maaalala ni Mr. Choi dahil hindi pa siya fully conscious non, pero mali. Naalala niya pa ako.

"Ah. Opo."

Tumingin siya sa paligid para tignan kung may nakatingin o nakikinig. Nung masigurado niyang wala ay bumaling ulit siya sa akin.

"May kilala ka bang Stella Choi?"

Stella..

Hmm.. san ko ba nadinig yon? Di ba yun yung nanay ni Tristan? Oo tama..

"Bukod po sa mama ni Tristan, wala na po."

Tumango tango naman siya.

"Hindi ba kita pamangkin o kamaganak?"

I was taken aback by the question. Paano mangyayari yon?

"Sigurado po akong hindi. De Guzman po ang apelyido ko."

"Ganun ba? Pasensya ka na. Kamukha mo kasi ang asawa ko. Sige. Batiin mo na si Tristan. Nasa center table siya."

Nagpaalam na din ako at pumunta kayla Tristan. Aba at ang loko! Holding hands sila ni Stef ha!

Tinignan ko sila ng mapangasar pagkatapos kong iabot ang regalo ko kay Tristan at bumati ng Happy Birthday.

"We are finally together! Salamat Angel."

Nginitian ko si Stef habang si Ethan ay clueless sa pinaguusapan namin.

"Wala yon. I'm with the words pero kayo sa actions."

Nginitian nila kong dalawa pabalik.

"Kumain ka na ba? Ikukuha na kita."

Umiling ako kay Ethan.

"Umuwi na tayo."

Tinignan ko si Tristan.

"Mauna na kami. Nagabot lang talaga ako ng regalo at bumati. Ingatan mo yan si Stef! Naku. Happy Birthday ulit."

Tumayo naman si Tristan at niyakap ako sandali. Sabay bulong ng sorry at thank you. I just patted his back.

"Oy. Tama na yan. Girlfriend here."

Natawa nalang kami pareparehas. Possessive talaga. Nakailang babay pa kami bago tuluyang umalis. Pagkadating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto para magpahinga. Habang nakatitig ulit ako sa kisame ay nakadinig ako ng dahan dahang palakpak na nagecho pa sa kwarto ko.

"Good job. Second mission, accomplished."

Tinaasan ko ng kilay si Kuya Spirit.

"Oo nga eh. Good job sakin. Dami mo naitulong."

Sarcastic kong sabi.

"Hoy. Ako nagbigay sayo ng address!"

"And the very reason why I came home crying with egg yolks all over me."

"Oo na. Basta good job."

"So.. Ano na ang sunod na misyon ko aber?"

"Not too fast little angel."

At bigla nanaman siyang nawala. Good job talaga.

Ethan

Pagkapalit ko ng damit ay kinuha ko ang laptop ko at nilapag sa kama ko. Pinunasan ko ng kamay ko yung keyboard keys dahil medyo inalikabok na dahil hindi ko naman to nagagamit. Ngayon nalang ulit.

Inopen ko ang facebook account ko at unang una kong nakita ang mga post na picture ni Tristan. Buti nalang hindi kami fb friends ni mama at ng iba ko pang kamaganak kung hindi lagot ako pag nalamang nakipagfriends sakin ang anak ng papa ko.. Iba kasi ang facebook book name ko. Nate Buenaventura ang nakalagay. Binaligtad na Ethan lang na walang H. Hindi naman sa pinagbabawalan ako na makipagcontact sa kanila. Sinabi na sakin ni mama na tatay ko pa din naman daw yon at mutual daw ang agreement sa break up nila. Pero kasi alam kong awkward topic ang tatay ko kaya ayoko ng gulo kung malalaman nila to. Ni-like ko nalang lahat ng posts at chineck yung GC namin ng blocmates ko. Puro naman kamustahan at dota at COC. Porke bakasyon talaga oh. Sinusulit. Ano na bang TH ko sa COC? Nabura kasi yung app eh. Badtrip.

Chinat ako ni Yanna.

Arianna Ramirez messaged you.

AriannaRamirez: Yo. \m/

Hindi talaga uso ang hi at hello sa kanila.

NateBuenaventura: Yu. XD
AriannaRamirez: Corny mo tsong. Inom ka funny capsule.
NateBuenaventure: Edi wow.
AriannaRamirez: Pesteng convo to. Nasaan si sense?
NateBuenaventura: Nasa Bohol. Bakasyon niya din.
AriannaRamirez: oh pasensya, humaba ka!
NateBuenaventura: haha. Duty mo?
AriannaRamirez: Oo.
NateBuenaventura: Patay. Working hours tapos nagwiwifi lang. Deduction na yan.
AriannaRamirez: killjoy to. Wag na nga. Babay.
NateBuenaventura: Joke lang!
AriannaRamirez: Kamusta si Catherine?
NateBuenaventura: sige lang. Magoff ka na.
AriannaRamirez: buwisit.
NateBuenaventura is typing...
NateBuenaventura: Edi wow.
AriannaRamirez: seen
AriannaRamirez went offline.

Kainis na yanna. Sineen na nga, nagoff line pa. Tanungin daw ba kasi yung Catherine Garcia na yon. Badtrip. Kitang frustrated na nga ako sa mga sinabi non eh kaya patay malisya nalang.

Sinubukan kong i-distract ang sarili ko dahil baka maitype ko lang ang Angelica Choi sa google o facebook, mahirap na. Una akong nagsearch sa Youtube ng funny videos kaso inexit ko din dahil Angelica yung pangalan nung host. Dumako naman ako kay Simsimi.

You: Hi.
Simsimi: Hello.
You: Kilala mo si Angelica?
Simsimi: Oo. Yung anghel.

Taeng Simsimi. Trash talk ba to o real talk?!

You: fuck.
Simsimi: oo nga. Sabi ni robert.

Dali dali kong inexit yun dahil baka maibato ko ang laptop ko. Minsan na nga lang magamit, sisirain ko pa? Isa nalang. Isa nalang talaga. Mababaliw na ko.

Bumalik ako sa facebook. Napamura nalang ako sa unang post na nakita ko.

With Angel Evaporada, creamy-ng creamy ang bawat recipe.

Agad agad kong pinindot ang search box at tinype ang Angelica Choi. Maraming lumabas pero wala doon ang hinahanap ko. Asahan ko ba naman kasing uso na ang facebook noon. Iniscroll ko pa ng paulit ulit pero wala talaga. Malapit na kong mawalan ng pagasa nung may maisip ako.

Lumuhod ako sa harap ng shelf ko at hinanap ang isang puting journal. Pagkahanap ko ay binuklat ko kaagad sa contacts page at hinanap ang dapat na hanapin.

Gotcha.

Tinype ko ang phone number at nanginginig na pinindot ang call button.

"Hello Mr. Henares? I need your service."

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon