Chapter 12

24 3 0
                                    

Ethan

"Angelica! Angelica! Wake the hell up!"

Tinapik tapik ko siya sa pisngi but she doesn't open her eyes. What happened?!

Dumating na din ang mga body guard at ibang pulis para mahuli na yung magnanakaw, ang sabi ko kay Tristan, siya na ang bahala sa kanila at sa mga pinamili namin. I can't leave Angelica alone.

Hinipo ko ang noo niya at inalis ko agad ang kamay ko. Nakakapaso. Sobrang init niya. Walanghiya naman oh. Why didn't she told me she's sick?

Agad ko siyang isinakay sa tricycle at dumiretso ng ospital. Ano ba naman!

Pagkadating namin don ay isinakay kaagad siya sa stretcher. Hindi naman malala ang kaso niya pero hindi pa din nila ako pinapasok sa loob. Napasabunot nalang ako at napahilamos ng mukha habang umuupo sa isang bench doon. Ano bang nangyari sayo Angelica?

Pagkalabas ng doktor ay lumapit agad ako.

"What happened to her? Is she okay? Is she awake?"

"Sir, kamaganak po ba kayo ng pasyente?"

"Holyshit. Wala siyang kamaganak okay?! Sa amin siya tumutuloy. I need to know how is she! Just freaking tell me!"

I don't care if I'm making a scene here. She's in danger because of me. I can't calm down. If anything happens to her, I'm the one to blame.

"Okay na ngayon ang pasyente. Inaapoy siya ng lagnat. Mukha ding nadehydrate siya at hindi pa siya kumakain. Pwede niyo na siyang ilabas pagkagising niya. Iwasan niyong mabinat siya dahil makakasama yon. Mauna na ko."

Inaapoy ng lagnat? Pambihira. Nagpaulan kasi kahapon eh! Ayan! Yan ang napapala niya. Pero kasi, hindi pa kumakain? Ang alam ko nagluto siya ng breakfast..

"Ayokong kumain. Papasok pa ako. Magisa ka nalang dyan."

Ang ibig sabihin ba non, hindi siya kumain ng umagahan dahil sa akin? Pero.. kumain kami sa McDo kanina eh. Tsk. Ang lakas kasi kumain eh. Kulang pa yata sa kanya yun.

Pumasok na ako ng ER kung san siya dinala. Pagkapasok ko ay lumingon agad siya sakin.

"Gising ka na pala. Anong pakiramdam mo?"

Pumikit muna siya ulit bago ako tinignan.

"Okay lang ako. Nasan tayo? Uwi na tayo Ethan. Ayoko dito. Maawa ka. Uwi na tayo."

Mukhang takot na takot siya at ayaw niya talaga dito. Bigla nalang siyang umiyak kaya nataranta ako.

"Sssh. May masakit ba sayo? Saan? I'm gonna call a nurse. Wait here."

Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. The same feeling I had every time she touches my hand.. parang may kuryente. Napapikit ako sandali sa naramdaman kong kuryente. Ano bang ginagawa niya sakin?

"Walang masakit sakin. Umuwi na tayo. Sa bahay nalang ako magpapahinga. Please?"

Why is she so scared of hospitals? I understand that some persons have phobias but they don't cry over this matter. Angelica confuses me more.

*~*~*~*~*

"Angelica, stop that. Ako na ang bahala sa mga binili mo. Just go up and rest."

Napakatigas talaga ng ulo niya. Pag siya nabinat, ako nanaman ang mahihirapan.

"Kaya ko naman eh, okay---"

Hindi niya na natapos dahil muntik nanaman siyang malaglag. Buti nalang nasalo ko kaagad.

"Yan ang okay sayo? Magpahinga ka na sa kwarto mo. Aalagaan kita."

"Ethan.."

"Oh?"

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon