Chapter 25

17 3 0
                                    

Ethan

Medyo late na natapos ang klase ko pero naisip ko pa ding pumunta sa ospital kung nasaan ang tatay ni Tristan. Hindi ko na pinaalam kay Angelica o kahit kay sobo dahil ayoko namang malaman ni Mama. Hindi niya naman alam na alam ko kung nasan ang dati niyang asawa. I'm glad I bought a new bike yesterday. Hindi na ko mahihirapan pumunta don ngayon. (Did you notice how I simply was having a hard time calling him my dad? It's awkward.)

Pagkadating ko sa ospital ay tinanong ko kaagad ang room number niya. May tinawagan muna siya sandali, which I assume was Tristan, tapos tinuro na sakin kung saan. Mabuti nalang naintindihan ni Tristan na hindi ko gustong makita ako ng tatay niya kaya nadatnan ko kaagad siyang nakaupo sa bench. Nung makita niya ko ay ngumiti siya kaagad. Tumango lang ako at umupo sa kabilang dulo ng bench na inuupuan niya.

"Uh.. how was he?"

Sumandal siya at pinagsaklob ang kamay niya. Para siyang ninenerbyos pero di ko naman alam kung bakit.

"He's fine. He woke up just before Angelica went home. Ang weird lang kasi he kept on mentioning Mom's name after niyang magising. Stella siya ng stella. Hindi niya naman maipaliwanag dahil hindi siya makapagsalita ng maayos. Sabi naman ng nurse, makakapagsalita na siya soon ng maayos."

Tumango lang ulit ako. I never talked to Tristan about our father. Ngayon lang talaga. Minsan, sinusubukan niya but I always refuse. Pagkapinaguusapan kasi siya lagi kong naaalala si Mama, at lahat ng nangyari samin pagkatapos niyang umalis. I got nightmares because of seeing my Mom in that state.

"Ikukuha muna kita ng kape. Pwede kang pumasok, natutulog pa naman siya."

Tumayo na si Tristan at lumakad palayo. Hindi ako gumalaw nung una pero may sarili yatang utak ang paa at kamay ko dahil narealize ko nalang na pinipihit ko na pala ang doorknob ng kwartong nasa tabi ng bench na inuupuan ko kanina.

Dahan dahan akong pumasok sa loob. Ayoko siyang magising. Sinara ko muna ang pinto at tumingin sa lalaking nakahiga sa hospital bed sa harap ko.

Papa.

Ilang taon ko din siyang hindi nakita. Nagkaron na siya ng konting puting buhok at kumulubot na ng konti ang mukha niya. Pero siya pa din naman yan. Lumalakas ang tibok ng puso ko kada lakad ko papalapit sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maawa o magalit. Hindi ko na yata alam ang irereact ko sa lahat ng bagay. Hindi ko nakita ang sarili kong pupunta sa kanya sa isang ospital. Umupo ako sa upuan katabi niya. Hindi ako gumagawa ng ingay hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Lintek.

Kinuha ko yun sa bulsa ko at tinignan kung sinong tumatawag.

Mama calling..

Nanigas ako sa inuupuan ko at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ngayon pa siya tumawag? At lalo akong nanigas at namutla nung naramdaman kong nagising ang taong nasa tabi ko. Napasapo ako ng noo ko. May ikamamalas pa ba ako?

Halatang nagulat siya nang makita ko at akmang magsasalita pero sumenyas ako na wag siyang maingay. Sinagot ko muna si Mama bago siya lingunin, hindi na ko umalis dahil baka mamaya tawagin niya ako ay madinig pa ni Mama. Ayoko din namang iwan muna siya, wala pa si Tristan.

"Hello Ma?"

Triny kong maging normal ang boses ko kahit nanginginig na ang kamay ko.

(Anak! Hello! Kamusta ka?)

My mom sounded so happy. Mas lalo kong hindi pwedeng sabihing kasama ko si.. Mr. Choi.

"O-kay lang po."

(Ah.. si Angelica ba kasama mo? Nasan ka ba?)

Napakagat ako sa labi ko. Ayokong magsinungaling.

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon