Chapter 35

18 3 3
                                    

Ethan

Ang sarap ipukpok ng ulo ko sa dingding.

Malapit na ko maniwalang nagdadrugs ako.

Ano ba kasing ginawa ko kay Angel?! Bakit ko niyakap?! Napahawak ako sa masakit kong likod. Tsk. Matapos ko kasing yakapin, tinulak ba naman ako. Si Serra ba talaga yon?! Bakit niya ko tinulak?

Delikado na ako. Baka mamaya mablurt out ko kay Angel na alam ko na lahat tapos magkagulo gulo pa. Sasabihin ko naman eh. Wag lang muna ngayon. Wag muna. Tinatry ko na nga kasing lumayo eh. Ang kaso hindi ko mapigilan. Pabili pa nga ng onting self-control. Kailangan ko pa.

Naupo ako sa kama ko. Tanga. Tanga. Tanga. Ang bakla pero naiiyak ako.

Miss na miss ko si Serra tapos nasa harap ko lang pala?! Si Serra..

Pinahidan ko yung luha ko.

Tangina oh. Pwede bang ipamurder ang mundo? Bakit ba ginagawa niya samin to?!

"Ethan."

Lumingon ako sa tao sa harapan ko. Umiwas din ako ng tingin. Hindi. Ayokong sabihin sa kanyang alam ko na. Baka mapahamak siya o baka layuan niya ko. Ugh. Naiinis ako! Hindi ako makapagdesisyon.

"Bakit mo ko niyakap?"

Lumunok lang ako pero hindi ko siya sinagot. Ano bang isasagot ko? Sinubukan kong umiwas sa kahit sinong babae dahil kay Serra. Ayokong magtaksil kay Serra. Pero nakilala ko si Angel. Iba siya. Nakakatakot yung nararamdaman ko para kay Angel pero hindi ko maanalyze kung ano. Tapos malalaman ko, iisa sila. Ayoko na ngang mapalapit sa kahit sino. Ready na nga akong makakita ng liwanag at umuwi sa heaven di ba? Planado na lahat. Iiwas ako sa kahit sino tapos gagraduate ako. Tapos imamanage yung mga branch ng Book Cover. Tapos susunod kay Serra. Sa isang iglap, wala na lahat ng plano ko.

"Ano ba Ethan! Tinatanong kita!"

"That's just a hug don't make a big deal out of it."

Umupo ako sa kama at napasapo sa ulo ko. Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari.

"Buti sana kung may problema ka lang, you need some comfort. Eh hindi eh. Yung yakap mo Ethan. Iba! Ramdam ko kaya. You can't just hug anyone tapos walang dahilan!"

"Tinignan ko lang kung mararamdaman ko yung boobs mo. Alis nga."

Nagulat siya sa sinabi ko. Mas lalo naman akong nagulat. Tanga na nga ako. Mas naging tanga pa ako. Itetext ko nga si Mama kung pinaglihi niya ba ako sa katangahan.

BOG!

Dumampi sa mukha ko ang palad ni Angel. Alam kong mamaya, magkakapasa na ako sa mukha pero wala akong pakialam. I need that slap to wake me up. Pakiramdam ko kasi binabangungot ako.

"Bastos na 'to! Akala mo naman maniniwala ako sa dahilan mo?! Hindi ka bastos, Ethan!"

Hinarap ko siya.

"Bakit Angel? Gaano mo ba ako kakilala? Apat na taon ba?"

Napatahimik siya. Apat na taon na dapat kami magkakilala ni Serra. Alam kong masakit din sa kanya yung pagsisinungaling niya pero hindi ko alam. Naiinis talaga ako. Wala na ko sa katinuan.

"Ewan ko sayo! Diyan ka na! Nakalimutan ko lang yung jacket ko kaya ako bumalik!"

Binalibag niya yung pinto at tuluyan nang lumabas.

Iiwas na muna ko. Kailangan kong magisip.

Angelica

Pesteng Ethan. Peste talaga.

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon