Chapter 7

33 3 0
                                    

Angelica

"Paano mo nalaman na birthday ni Jake ngayon ha? Sino ka ba talaga?!"

Sigaw sakin ni Ethan.

Dati, never niya pa akong nasigawan. Nung before maging kami, oo. Pero.. hindi na ako sanay na sumisigaw siya..

Ethan, ano bang nangyayari sayo?

"Sumagot ka!"

"Anak, tama na yan."

Hinawakan siya ni Tita Marga pero parang walang epekto sa kanya.

"A-ano.. yung librong d-discovered kasi.. sabi nung author dun.. bilhin yon s-sa araw ng birthday m-mo.. nakalagay kasi dun yung ano.. yung mga kapalaran mo after ng 14th birthday mo."

Hindi na kasinungalingan iyan. Totoo talaga. Ako pa nga ang nagsabi kay Jake na bilhin niya yun. Ang unang volume non ay para lang sa mga January hanggang April, tapos ang pangalawa naman para sa May hanggang August at ang pangatlo ay September hanggang December. Magkakadiffer yun kung year of the tiger, monkey, pig o kung ano ka, male o female, likes, age, at kung anoano. May mga talagang nangyari don sa akin pero yung iba, hindi. Kung 14 na si Jake, ibig sabihin..

Dalawang taon akong nawala. Ganun katagal?

"Yun naman pala eh. So Angelica, bakit ka nga pala nandito? Dinadalaw mo lang si Ethan?"

Muntik ko nang makalimutan ang talagang pakay ko. Kainis na Spirit yun. Iniwan ako sa ere. Isusumbong ko siya kay Bro.

"Ang totoo po niyan.. wala po kasi akong matuluyan. Maghahanap pa po kasi ako ng trabaho. Kahit ilang araw lang po. Si Ethan lang po kasi ang kilala ko dito."

Nginitian ako ni Tita Marga.. namiss ko si Tita. Si tito kasi hindi ko naman nakita dahil matagal na raw yung umalis. Ayaw din namang magpadisplay ni Ethan ng picture ng Papa niya.

Sana talaga pumayag si Tita at Ethan. Wala talaga akong mapupuntahan. Pupulutin ako sa kangkungan.

"Pwede ka ditong tumuloy tutal may extrang kuwarto naman dito."

Nabuhayan naman ako ng loob. Omo! Bro, thanks poooo!

"Talaga po? Salamat po talaga!"

"Ma! Hindi siya pwede dito! Malay mo may masamang balak yan! Baliw yan!"

Grabe talaga tong Ethan na to. Sa ganda kong to?! Hmmp.

"Ethan. Niligtas ka niya. Ano ba naman ang patuluyin siya dito?"

"Pero Ma. Malay mo kasabwat niya yung driver ng truck! Masama siya!"

Tinignan ko kamo ng masama. At kaylan pa ako naging kasabwat ng trak na yun?! Kahit nga yung driver, walang kasalanan dahil siya naman ang paharang harang.

"Wag mo nga akong pagbintangan! Hindi ako ganun!"

Tinignan niya din ako ng masama. Alam mo yung parang galit na galit talaga siya? Ano bang nagawa ko?

"Wag ka ngang makisawsaw dito. I'm talking to my mom."

Nagiba na talaga siya. Hindi naman ganyan si Ethan sa kahit sino dati eh.

"Ethan, MY decision is final. Dito muna si Angelica. Hija, naghahanap ka ng work di ba? You can work at our bookstore. Kailangan mo lang magpasa ng resumé."

"Ma! That's too much!"

"Hija, resumé mo lang ang hinihintay ko ha? Let me show you to your room. Halika."

Tinignan ko muna si Ethan bago ako umakyat. Ano bang problema niya sa akin?

"Hija, pasensya ka na medyo maalikabok at madumi pa dito ah. Hindi kasi gaanong nagagamit. Wala naman kaming guestroom kasi hindi naman kami mahilig magpasleep over dito. Nagpagawa lang kami ng isang extra room, bumibisita kasi dito yung lola niya minsan."

Napakabait talaga ni tita. Walang pinagbago.

Hindi katulad ni Ethan.

"Naku okay lang po yun ti-- Ma'am."

Hindi ko naman siya pwedeng tawaging tita dahil napansin ko ang namumuting mata ni Ethan nang madinig niyang tawagin kong tita si tita marga.

"Tita nalang. Wag mong alalahanin si Ethan. Pagpasensyahan mo na iyon ha?"

Naku. Naku. Kung hindi ko lang mahal yon.

"Uhm.. kung okay lang po sanang magtanong? Medyo personal po."

"Sige lang. Ano ba yon?"

"Uhm.. bakit po ba ganun si Ethan?"

Bigla namang lumungkot ang mukha ni Tita. Hala. Lagot ako. Ang tsismosa ko kasi.

"Tita, okay lang po kahit wag na."

Ngumiti siya pero malungkot pa din yung mata niya.

"Okay lang naman hija eh. Naging ganyan si Ethan simula nung.. namatay yung ate ni Jake.."

Nakita ko ang pagtulo ng luha ni tita.

Simula nung namatay yung ate ni Jake..

Kasalanan ko ba lahat to?

"Mahal na mahal niya kasi talaga si Serra. Isang taon halos yang hindi makausap. Minsan nga nakikita ko yang umiiyak sa kwarto niya. Hanggang sa isang araw, kumakain na siya kasabay namin. Natuwa kami nung una pero nabawi din yun kasi nalaman namin na laging nakikipagbasag ulo. Laging umiinom. Nagkacut ng classes. Hindi ko na nga din alam ang gagawin ko."

Ramdam ko talaga yung lungkot ni tita. Hindi ko alam na ganito pala ang naging resulta ng pagkawala ko. Hindi ko alam..

Niyakap ko si tita ng mahigpit. Alam kong nahihirapan din siya kahit hindi niya gaanong pinapakita kay Ethan. Matatag na tao si tita. Kahit nung iniwan siya ng Papa ni Ethan, hindi siya nagmukmok lang kasi alam niya na nandyan pa si Ethan.

"Tita, magiging okay din po ang lahat."

"Salamat hija. Sige. Matulog ka na dyan. Yung resumé mo ha?"

Nginitian ko siya at tumango. Pagkalabas ni tita ay tinapon ko agad ang sarili ko sa kama. Bakit hindi ko man lang nalaman na ganito ang kahihinatnan ng lahat? Sobrang nahihirapan sila dahil sakin.

Dalawang taon na akong wala..

Nagbago na si Ethan..

Ano pa bang mga nangyari?

"Misyon ang pinunta mo dito Angelica. Hindi sila."

Napaupo naman ako nang madinig ko ang boses na yon.

"Spirit.."

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon