Chapter 19

24 4 2
                                    

Ethan

Hindi ko alam pero hindi ako mapakali. Alam kong mali ako sa mga sinabi ko. Hindi ko na alam. Nagiging bipolar na yata ako. Minsan kasi napapansin ko na nagiging malapit na ako kay Angelica kaya minsan iniiba ko ang ihip ng hangin dahil hindi naman ako pwedeng mapalapit sa kanya. Tapos nainis pa ako dun sa lalaking nabunggo ko kanina kasi kung anoano ang sinasabi.

Tumingin ako sa labas dahil hinihintay ko ang pagdating ni Angelica. Hindi ko nga alam kung bakit naghihintay pa ako samantalang alam kong imposibleng bumalik pa yon. Bullshet naman oh. Ngayon pa umulan!

Kinuha ko agad ang susi at lock ng bahay. Lumabas na ako ng gate na may dalang payong. Hahanapin ko si Angelica.

Tumakbo muna ako papunta kayla Tristan at hiniram ang motor niya. Kumuha na din ako ng dalawang helmet at dalawang coat. Nakakainis naman kase! Pinalayas layas ko ako din ang hahanap. Para akong sumuka na nilunok ko ulit. Yuck. Kadiri naman yung comparison.

Nakadalawang ikot na ako ng baranggay namin ay hindi ko pa din siya nakikita. Basta drive lang ako ng drive.

Napahinto ako sa isang waiting shed dahil sa isang pamilyar na boses at kanta. Angelica, bakit lagi nalang? Lagi mo siyang pinapaalala.

~Mayrong lungkot sayong nga mata. At kay bigat ng yong dinadala. Kahit di mo man sabihin, paghihirap mo'y nadarama ko rin.~

Nakita ko siyang nakaupo gamit lang ang paa habang nakayuko at nilalaro ang isang stick ng kahoy sa tubig.

5 years ago...

Magisa lang ako sa likod ng school. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Nakita ko ang Papa ko kanina na may kasamang ibang babae at isang batang babae. Alam kong matagal niya na kaming iniwan pero masakit pa din. Dapat kami ang kasama niya, hindi sila. Umupo ako sa damuhan at niyukyok ang ulo ko sa tuhod ko. Mabuti nalang uwian na. Walang makakakita. Pero mukhang mali yata ako dahil may biglang tumabi sa akin. Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya. Wow. Salamat po. Sa lahat pa ng makakakita si Serranggutan pa. Pinahidan ko ang luha ko at sininghalan siya.

"Bakit ka ba nandito?! Pwede ba, wag kang tumabi sakin dahil hindi tayo close. Hindi ko pa nakakalimutan ang atraso mo sa akin kaya layuan mo ako."

Imbis na mainis siya ay tinignan niya lang ako.

"Ano?! Naaawa ka? Lintek. Lumayas ka nalang pwede?"

"Alam mo, sabi ni mama, pag malungkot ka kailangan ilabas mo."

"Bakit? Alam mo ba ang nararamdaman ko? Kung wala kang alam wag ka manghimasok."

Aalis na sana ako nang madinig ko siyang magsalita.

"Sabi ni Mama, kantahin ko lang to pag may problema ako o kaya pakiramdam ko magisa ako o may taong nagiisa."

~Mayroong lungkot sayong mga mata. At kay bigay ng yong dinadala. Kahit di mo man sabihin, paghihirap mo'y nadarama ko rin~

~Narito ang mga palad ko. Handang dumamay kung kailangn mo. Asahan mong mayron kang kaibigan. Laging tapat sayo..~

~At kung kailangan mo ako sa oras ng iyong pagiisa. Kung naninimdim asahan mo ako ay darating. At kung kailangan mo ako, sa sandaling bigo na ang lahat. Pusong kay tamis, kailan ma'y di kita matitiis. Sa sandaling kailangan mo ako.~

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon