Chapter 18

16 4 0
                                    

Author's note: (feeling ko talaga author ako eh. Hehe.) This chapter was inspired by one of the episodes of HiSchool Love On. Tagasubaybay ako nun eh. Actually yung whole story pala napansin ko may hawig don. Haha. But it's different pa din. Try niyo isearch yon. Koreanovela siya. Crush ko dun si Lee Sung Yeol hawig kasi sila ni Yong Hwa. Lol. Keep reading! Voooote and comment and uh.. follow niyo ako!

Angelica

Lumingon ako sa likuran ko para magpaliwanag kay Ethan pero wala siya don. Si Spirit ang nakita ko.

"Walastik talaga tong voice changer device. Napaniwala kita. Akalain mo yon."

Pinagpapalo ko kamo siya.

"Buyset ka. Alam mo ba kung gaano ako kinabahan. Nanginig na ang tuhod ko sa kaba tapos ikaw pala yon. Pag talaga natapos ang misyon ko isusumbong kita kay San Pedro at kay Bro. Sasabihin ko ipadeport ka sa impyerno. Ang samasama mo."

Nung hiningal na ako, tumigil na ako sa kakapalo sa kanya. Tawa pa din siya ng tawa. Umirap nalang ako at umakyat na sa taas. Papasok sa kwarto ko.

Pano nga kaya kung malaman ni Ethan? Hindi ko siguro alam ang gagawin ko. Magagalit ba siya dahil hindi ko sinabi o matutuwa dahil bumalik ako? Aynako. Kaloka. Nagpalit na ako ng damit at lumabas ng kwarto. Sakto namang lumabas din si Ethan ng kwarto niya kaya nakita niya ako.

"Nakauwi ka na pala. Akala ko lumayas ka na. Magcecelebrate na sana ako."

"Wag kang magalala. Konting tiis nalang. Aalis din naman ako."

Pagkatapos ng misyon ko, aalis na talaga ako kahit hindi pa tapos ang anim na buwan. Sabi naman ni Spirit okay lang kung gusto kong mapaaga. Isa pa, mas maaga, mas okay. Mahihiling ko kaagad na buhayin ulit ako. Bababa na sana ako nang magsalita ulit siya.

"Bakit? Kasi pag dating ni Mama, aalis ka din?"

Tumingin ako sa kanya.

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

Bakit naman ako aalis pag dating ni Tita? Nababaliw na yata si Ethan.

"Dahil ba naiinis ka na sa ugali ko? Ano bang akala mo? Gustong gusto ka namin dito? Eh di ba ikaw ang pumilit na dito tumira? Tapos magrereklamo ka sa pakikitungo sayo? Umalis ka na ngayon. Para mas mainam. Hindi ka naman kailangan dito. Sabi mo wala kang kakilala dito eh meron naman. Sinungaling ka pala. Akala ko naman napakainosente mo."

Hindi ko na talaga maintindihan si Ethan. Akala ko okay na kami eh. Akala ko wala nang problema. Ano nanaman bang pinuputok bg butsi neto?!

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Naiintindihan ko kung bakit ka ganyan. Aalis naman talaga ako pero matagal pa. Hindi naman pwedeng forever ako dito. Isa pa, walang may kilala sa aking tao sa lugar na to maliban sayo, kay tita, kay tristan, kay jake at stefanie. Hindi ako sinungaling. Ano bang ginawa ko nanaman sayo Ethan?"

Inismidan niya muna ako bago siya nagsalita.

"Mga palusot mo. Tapos ano? Inaakit mo yung kaibigan ko? Gabi ka na uuwi, kay babae mong tao. Bumili ka pa ng phone para makatext mo siya at parehas pa kayo ng unit. Ayos. Tapos hindi mo sinasabi na pinagtitiisan mo lang ako. Ewan ko sayo."

Ganyan pala ang tingin niya sakin. Hindi naman ako nainform. Samantalang kanina iniisip ko pa nga na matutuwa siyang bumalik ako kung malalaman niya. Hindi siguro. Ibang iba na ang ugali ng Ethan ngayon sa Ethan noon. Tama nga si Spirit. Hindi ko na siya mahal hindi dahil sa nabuhay ulit ako. Kundi dahil hindi naman siya yung Ethan na minahal ko noon.

"Kung ayan naman pala ang tingin mo sakin, aalis na ako."

Pumasok ulit ako ng kwarto ko para kunin ang mga gamit ko. Hihiramin ko muna yung maleta dito. Ibabalik ko nalang kay Tita. Hahanap nalang ako ng ibang matutuluyan.

Pagkatapos kong magayos ay lumabas na ako kaagad. Hindi ko maintindihan ang lalaking yon. Buyset talaga. Nagjacket nalang ako bago lumabas. Hindi ko na pinalitan ang pajama ko.

Nakalabas na ako pero hindi man lang nagpakita si Ethan. Tss. Masaya na siguro yon ngayon. Nasunod na ang gusto niya.

Pagkalabas ko ng bahay ay naglakad lakad lang ako. Hindi ko naman alam kung san pupunta dahil hindi naman ako kilala dito bilang Angelica.

Pupunta sana ko ng book cover nang madaan ako sa 7eleven. Napatingin kasi ako dun sa isang lalaking kumakain ng noodles. Bigla tuloy kumulo yung tiyan ko. Nakakagutom.

Napansin yata nung lalaki yung tingin ko sa kanya, particularly sa pagkain niya kaya lumipat siya ng upuan. Hmmp. Suplado.

Pumasok ako sa loob at pinagbilin muna kay Manong guard yung gamit ko.

Kumuha ako ng Bulalo na Supreme, isang vanilla bavarian, 5 munchkins, dalawang nooda crunch tsaka large na gulp. Kinailangan ko pa nga ng tray eh. Ang dami kasi. Hindi pa kaya ako nagdidinner! Bawal raw kumain sa kotse ni Tristan eh.

Nagbayad na ako sa counter at nilapag muna yung tray ko bago isetup yung noodles ko. Nung matapos ay tumabi ako dun sa lalaking tinititigan ko kanina. Oha! Mas madami akong kakainin kesa sayo. Tinitigan lang ako nung lalaki at bumalik na sa pagkain.

Loner siguro siya. Magisa lang siyang kumakain dito eh. Tapos ang tahimik niya pa. Bruha. Sinong kakausapin eh alone nga? UtakBrain naman. Sabi ko nga. Parehas lang pala kaming magisa. Loner din kaya akong tignan? Eh loner naman talaga ako. Pinalayas ako ni Ethan eh. Ang bad niya.

Binuksan ko na yung noodles ko dahil luto na naman.

"Hmmm. Ang bangooo!"

Napatingin pa sakin yung loner kaya nginitian ko siya. Bumalik naman siya sa pagkain niya ulit.

Pagkatapos kong kumain, pakiramdam ko buntis na ako sa sobrang busog. Ang saraaaaap.

"~buuuuuurp~ hihi. Excuse me."

Napatingin nanaman sakin yung loner tapos umalis na siya palabas. Ilang minuto pa akong nagstay don kasi iniisip ko kung san ako pupunta. Yung hindi ko na makikita pa si Ethan. Ginusto niya yan eh. Pero for the meantime, sa Book Cover muna ako pupunta. Baka pwede akong magtanong doon kung san pwedeng magstay.

Kinuha ko na yung maleta ko kay manong guard at nagpasalamat. Nakakadalawang hakbang palang ako palabas ay biglang bumuhos yung ulan. Papasok sana ulit ako ng 7eleven kaso naalala ko bawal nga palang tumambay don ng hindi ka bibili. Kainis naman.

Tumingin ako sa paligid kung san pwedeng sumilong. Nakita ko naman si loner na nakapayong kaya sumukob ako sa payong niya. Kaso bigla niyang ginilid. Sinundan ko yung payong pero ginilid niya ulit. Sinundan ko ulit at ginilid ulit niya kaya sinundan ko ulit. Bigla niya nalang akong hinawakan sa braso at nilayo sa kanya. Nabasa tuloy ako ng ulan. Tinignan niya pa ako muna tapos naglakad na siya palayo. Nakikishare lang ng payong eh!

"Salbahe ka! Madamot! Pag ako nagkafever ikaw ang sisisihin ko! Parehas kayo ni Ethan! Mga salbahe! Wala akong ginagawa sainyo ha!"

Tinitigan niya ako kahit nasa kabilang side na siya ng kalsada. Bumalik naman siya at pinayungan ulit ako.

"Hehe. Salamat. Hindi ka na pala salbahe."

Nagulat ako nung hinawakan niya yung kamay ko at binigay sakin yung payong pagkatapos ay sumugod siya sa ulan.

"Teka! Magkakasakit ka!"

Hindi niya ako nadinig at nagpatuloy lang sa pagtakbo.

"Salamat!"

Tumingin siya ulit tapos tumakbo. Ang weird niya naman.

Locked In ChainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon